Nijuu-ichi.

3.9K 63 0
                                    



Ryuji Pao Ueda on the top.



"Kelan mo balak umuwi? Ilang araw ka nang nagkukulong dito" Napangitin ako sa kanya habang nakain ng pakwan dito. Ngumuso ako bago sumagot, "Pinapaalis mo na ba ako?"



"Gaga. Hindi. Pero paano niyong aayusin yan kung hindi ka makikipag-usap sa kanya? Isipin mo rin yung bata"



Sa totoo lang, may plano naman na akong ayusin ang lahat. Kung sila na uli, masakit pero tatanggapin ko. Siguro ganon talaga ang buhay. And yes, buntis ako. Kaya todo ingat ang mga ginagawa ko. Si tita at Ivy pa lang ang nakakaalam ng kalagayan ko. Ayoko na munang ipagsabi kahit sa magulang ko. Natatakot pa ko.



"Sige teh. Sinagot mo ang tanong ko" Nabalik naman ako sa realidad kaya sumubo muna ako bago sumagot, "Mamaya uuwi na ako. Sigurado na ako dito. Kakausapin ko siya"



"That's better. Ayusin nyo yan, ha?" Hindi na ako kumibo at kumain na lang muli dito.



Inayos ko na ang gamit ko. Kinakabahan ako. Anong magiging reaksyon niya pag nalaman niyang buntis ako? N-natatakot ako sa pwedeng mangyari.



Napatingin ako sa pintuan ng kwarto nung bigla itong bumukas, nakita kong nakasilip si Ivy, "May naghihintay sa'yo sa baba"



"Dare?" (Dare = sino)



"Basta. Bilisan mo na lang dyan. Mukhang siya na rin ang maghahatid sa'yo" Kahit hindi ko alam kung sino yon ay tumango na lang ako at inayos ang mga gamit ko.



Pagkababa ko ay nakita ko ang taong matagal ko ng hindi nakikita. Dinamba ko siya agad ng yakap kaya napatawa siya ng mahina, "Masyado mo naman akong namiss"



"Syempre! Tagal na nating hindi nagkikita" Sabi ko sa kanya



"I missed you, too. May time ka ba? Labas muna tayo"



Tumango ako at nagpaalam na kila tita, "Hoy Ryuji, ikaw na bahala dyan ha. Bye!" Sabi ni Ivy bago isara ang pinto.



Pumasok na kami sa kotse niya at nagsimula na siyang mag-drive. "Kamusta ka naman?"

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon