Juu-kyu.

3.9K 64 0
                                    



Angie Rianne Evangelista on the top!



"Babe!!" Sabi ni'to sabay yakap kay Aivan. Sino siya? Bakit 'babe' ang tawag niya?



Kumalas naman si Aivan sa yakap at tumingin sa babaeng ito, "Anong ginagawa mo ri'to? Nasa Pilipinas ka diba?"



"Syempe, sinusundan ko ang boyfriend ko which is you. Hihi"



"Angie, matagal na tayong wala. Kaya kung pwede lang" Cold na sagot ni Aivan sa kanya



Ngumuso naman itong babae kay Aivan. Ugh! Kakairita mukha niya! "Fine, babe. Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Pagpapa-cute pa niya. Leche!



Napa-bugtong ng hininga si Aivan bago papasukin yung babae. Tumingin siya sa'kin ngunit umiwas lang ako ng tingin. Nakita kong napailing siya bago sundan yung ex niya.



Andyan na pala ang totoong mahal niya. Bakit bigla akong nalungkot? Bakit ang sakit? Bakit naiinggit ako? Akala ko okay na kami pero bakit bigla na lang siyang dumating muli?



Pumasok ako at nag-lakad papuntang kwarto. Pagkaupo ko sa kama ay nag-uunahang tumulo ang mga luha ko.



B-bakit? Bakit kailangan pa niyang bumalik? B-babawiin na ba niya si Aivan sa'kin? Iiwan na ba ako ni Aivan? Ahh!!!!



Iyak lang ako ng iyak. Halos isang oras rin akong umiiyak dito. Maya-maya pa'y may narinig akong kumatok, "Hara, kakain na tayo" Kakain kasabay yung babaeng yon? Hindi ako kumibo kaya kumatok siya muli, "Please Hara"



Kainis naman e! Bakit kahinaan ko ang please niya?! Ugh! Naghilamos ako saglit at lumabas na rin. Di ko siya pinansin at nag tuloy-tuloy sa lamesa. Nakita kong nakaupo si Angie doon, tinaasan niya ako ng kilay. Bahala siya dyan. Naupo ako sa katapat niya at umupo na rin naman si Aivan sa gitna naming dalawa.



Tahimik lang akong kumakain, eto namang si Angie ay daldal ng daldal. Nakakairita! Silang dalawa lang ang nakakaintindihan. Nakaka-OP dito. Sht.



Nang mag-sandok ako ng ulam ay hindi ko napansing may mushroom pala itong niluto niya. Dahil sa nakasanayan ko na, tinanggal ko ito at nilagay sa plato ni Aivan.

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon