Kabanata 49

1.9K 40 3
                                    

Kirene

"Anong ginagawa mo rito?" Walang emosyon niya akong tiningnan. She's more mature than before. Nag-iba na ang hitsura niya. Umikli rin ang kan'yang buhok.

"I'm here for Kirk, Thralia. Hindi ikaw ang inaasahan kong makita at makausap. Hindi ko nga alam kung bakit ka nandito sa unit namin ni Kirk." Tumaas ang isang kilay ko dahil sa kasinungalingan niya. Pero ang hitsura niya lang ang nag iba dahil ang pag-uugali niya ay wala paring ipinagbago. She's still a liar.

"My husband's not here, Irene," nakita kong nagulat siya dahil sa narinig. Yes bitch, he's already my husband. Kaya lumayo layo ka sa 'min kung ayaw mong sirain ko ang buhay mo. Hindi na talaga ako mag dadalawang isip na sirain ang buhay niya. I can do that, Lalo na at mag kakaroon na kami ng anak ni Kirk. I don't want her to ruin my relationship with Kirk again cause she has done that before.

"Husband, huh?" She smirked at me. I equalled it with mine. Unti unting nawala ang ngisi niya sa labi, she looked at me coldly.

"Tell me? How did he ask you to marry him? Pinakasalan ka lang naman ni Kirk dahil sa kompanya, 'di ba?" Hindi ko ipinahalatang nagulat ako dahil sa sinabi niya. How did she know about that? Kaming dalawa lang naman ni Kirk ang nakaka alam tungkol sa bagay na iyan.

"Bumalik ka pa pala?" Napakalamig ng pagkakasabi niya sa 'kin ng mga katagang 'yon. Ngunit ang walang emosyon niyang mukha ay biglang napalitan ng galit. Bakit siya pa ang may karapatan para magalit sa 'kin? Siya ang sumira sa relasyon namin ni Kirk dati. Pero kung umasta siya ay parang ako ang may kasalanan.

"Bakit ka pa ba bumalik? Kirk and I were just doing fine but you came back and ruined things again." Matalim ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya. She can't fool me again. Hinding hindi na ako magpapaloko sa kan'ya.

"Irene, you're still a liar and a desperate bitch. Why do you keep on forcing yourself on my husband?" Nginisihan niya ako na ikinakulo ng dugo ko. I really hate her! I hate everything about her. She ruined my life before, she ruined our relationship and now she's back to ruin us again.

"Am I forcing myself to your husband, Thralia? Hindi ba't ikaw 'yon? Kaya nga kayo ikinasal 'di ba? Kasi pinagpilitan mo ang sarili mo kay Kirk." Hindi ako nagpa apekto sa sinabi niya.

"Dati ka pa namang gan'yan eh. Ipinagpilitan mo lang rin ang sarili mo kay Kirk, kaya nga na engaged kayo eh." I shouldn't listen to her nonsense, but I'm here, standing in front of her listening to all her shits.

"I know your style, Irene. Sa gan'yang paraan mo rin nasira ang relasyon namin ni Kirk. You're a conniving bitch, dapat talaga ay nag ingat ako sa 'yo noon." Huminga ako ng malalim.

"Look here, Irene. You can't destroy us, okay? Not today not ever. Tapos na ako sa mga kasinungalingan mo. Kaya pwede ba? Stop chasing someone who's already own by someone else. Wala ka na bang natitirang hiya r'yan sa katawan mo? Alam mong may asawa na, humahabol ka parin!" Galit ko siyang tiningnan. I can still remember how she ruined our relationship. Kung paano niyang nakumbinsi si Kirk na ako ang tumulak sa kan'ya sa hagdan.

"Why should I be ashamed, Thralia? Sa 'yo pa talaga?" Napa iling na lamang ako sa kan'ya. Aalis na lang ako rito, wala rin naman akong mapapala sa babaeng 'to. Ayaw ko na ring pakinggan ang mga kasinungalingan niya dahil bukod sa nakakapang-init lang iyon ng ulo, nag didilim na rin ang paningin ko sa kan'ya.

Ayokong humantong kami sa pisikalan dahil hindi na ako nag-iisa. My top priority is the baby inside me. I need to protect it no matter what.

"I'll just go, wala rin naman akong mapapala sa 'yo. Mag patuloy ka lang sa pag hihintay, I'll tell my husband that you want to see him." Tinalikuran ko na siya at nag simula na akong mag lakad palayo sa kan'ya.

Controlling the Wild Beast Donde viven las historias. Descúbrelo ahora