Kabanata 28

1.4K 29 4
                                    

Kabanata 28

Go Home

Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog. I was crying the whole night and I was waiting for Kirk. But he never came around. Nagising ako ng may sumasakit na ulo at namamagang mata dahil sa pag iyak.

Bumaba ako at naabutan kong nag uusap si tito Luisat tita Fien sa living room. Mahina ang mga boses nila kaya naman hindi ko marinig kung anong pinag-uusapan nila.

"G-Good morning po," bati ko pa sa namamalat na boses. They noth turn their head on me. Nagulat si tita habang kalmado lang si tito.

"Thralia, kumusta ka na hija?" Nag-aalalang tanong pa nito sa 'kin. I tried my best to hide the pain that I am feeling. I smiled at them.

"Kumusta na po si Irene?" Tanong ko sa kanila. Ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa sarili ko. I want to know what happened to Irene. Nagising na ba siya? Why is Kirk taking so long to come back to me? Ayaw niya na ba sa 'kin dahil sa nangyari? Pero hindi pa naman niya naririnig ang explanation ko ah. Is he finally giving up on me because I didn't trust him?

"She's stable now, hija. We're only waiting for her to wake up." Tinanguan ko lang ang sinabi sa 'kin ni tita. At least now I know that she's finally okay. Wala rin naman akong kasalanan sa pagkakahulog niya. Ginawa niya 'yun sa sarili niya para pagmukhain akong masama sa paningin ni Kirk at ng mga magulang niya.

"Pwede ko po ba siyang puntahan?" Mahinang tanong ko pa dahilan ng pagtitinginan ng mag-asawa. Nakita kong tinanguan ni tito Luis si tita. Binalingan ako ng paningin ni tita at malalim na nagpakawala ng hininga.

"Okay, go prepare first," hindi na ako sumagot pa at dumiretso na lang ako sa guest room na tinutuluyan ko. Mabilis akong naligo at nag bihis. I really want to check on Irene. I also want to know if Kirk is okay.

Pagbaba ko ay iginiya na ako ng isang kasambahay palabas ng mansion. Naghihintay na roon ang itim na SUV nila sa 'kin. I opened the door in the backseat and went inside. Tito Luis is on the driver seat and beside her is tita Fein.

"Okay na ba?" Tanong pa sa 'kin ni tita. Tumango ako ng maraming beses sa kan'ya. After that we're off to go. Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na baka naniniwala rin silang itinulak ko talaga si Irene.

"If you wouldn't mind hija, pwede ko bang tanungin kung ano talaga ang eksaktong nangyari?" Siguro ay hindi na napigilan ni tita ang sarili niya at nag tanong na talaga siya.

"I really didn't push her tita. Believe me or not but I really didn't push her. I may be a bully but I am not a criminal," narinig ko ang pagbuntong hininga ni tita dahil sa sinabi ko.

"Yes, I believe you dear," naka hinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni tita. "I just want to know what really happened that night at kung paano siya nahulog sa hagdanan," kalmadong tanong nito sa 'kin. Huminga ako at inalala ang nangyari.

"Umakyat po ako papunta sa kwarto ni Kirk gaya po ng sinabi niyo. I want to talk to him. Ask im about the scene that I saw that day. But I was surprised when I saw Irene. Alam po ni Kirk na nagseselos ako kay Irene. I just can't help but wonder why is she in your mansion po."

"Well hija, sa mansion na namin siya pinatulog dahil malakas ang ulan ng gabing yun at hindi talaga kayang ihatid siya. Pero sigurado akong hindi sila magkatabi ni Kirk sa pagtulog."

"Pero ang damit na suot niya ay damit ni Kirk, tita. She even told me that she's Kirk's first love. A-At kung hindi niyo lang daw po talaga pinilit si Kirk na maging fiancé ko ay hindi naman daw po talaga gugustuhin ni Kirk na maitali sa 'kin," pahina man ng pahina ang boses ko ay batid ko paring narinig nilang pareho 'yun dahil sa rahas ng pagpapakawala nila ng buntong hininga.

Controlling the Wild Beast Where stories live. Discover now