Kabanata 38

1.8K 45 12
                                    

Cruel

"Excuse me," nag mamadali akong tumayo para lumabas ng bar. I want to talk to him, and explain that what he saw is nothing. Lumabas ako ng bar at agad kong inilibot ang paningin ko sa buong lugar nagbabakasakaling makita ko si Kirk. Hindi ako mapakali dahil alam kung nakita niya ang nangyari.

I want to explain what happened. Muli ko pang inilibot ang paningin ko sa buong lugar, ng masiguro kong wala si Kirk ro'n ay saka ako tumalikod. I will look for him inside. I'm sure hindi pa siya nakaka alis. Papasok na ako ng makasalubong ko siya. Agad nag liwanag ang mukha ko. Finally.

Ngunit agad rin akong nadismaya ng makita kong may kasama siyang babae. It's Irish, nakayakap ito sa bewang niya at hindi ko matanggal ang tingin ko sa nakapulupot nitong braso sa bewang niya.

"Kirk," natutulirong tawag ko pa sa kan'ya. Tiningnan niya lang ako ng may pagtataka.

"Anong -bakit kayo magkasama?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kan'ya. I'm trying my hardest not to be mad at him. Bakit kasama niya na naman ang babaeng 'yan? Akala ko patutunayan niya ang sarili niya sa 'kin dahil iyon ang sinabi niya kagabi. That he will never let me go, kaya bakit kasama niya na naman ang babaeng 'yan?

Dahil ba sa sinabi ko sa kan'ya kanina? Na wala lang sa 'kin ang nangyari sa 'min kagabi?

"Bawal ba?" Nakagat ko ang labi ko dahil sa isinagot niyang yun sa 'kin. Bawal nga bang magkasama sila? Pero anong gagawin nila? Nakikita kong lasing na si Irish at halos hindi na nga nito maidilat ng maayos ang mga mata nito. But I can't understand why they need to be together. Magkasabay ba silang pumunta dito?

Mag kasama rin ba silang umuwi?

"Excuse me, we need to go." We both stared on each other's eyes. Naputol lamang iyon ng tuluyan na nila akong malampasan. Para akong na estatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagawal. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Halo halong emsoyon iyon at hindi ko iyon mapangalanan.

Kusang kumilos ang katawan ko at nilingon sila. Nakita ko kung paano niya inalalayang sumakay si Irish sa kotse niya. Siya pa mismo ang nag kabit ng seat belt rito bago siya tuluyang umikot sa driver's seat. Mariin kong kinagat ang ibaba kong labi upang mapigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

This is just so insane! Kanina lang ng mag kausap kami sa phone ay gustong gusto niya akong pakasalan. Dahil lang ba talaga iyon sa nangyari sa 'min? Talaga bang wala na siyang ibang rason para pakasalan ako?

Bago pa man sila maka alis ay nauna na ako sa pag pasok sa bar. Dumiretso ako sa pwesto namin upang mag paalam na babalik na ako sa hotel. They're still playing truth or dare ng makabalik ako. Napa tingin agad si Francis sa gawi ko at nagtagpo ang paningin namin. Agad kong iniwas ang sa 'kin dahil naiilang ako sa kan'ya. He kissed me! Damn, Francis kissed me.

"Where have you been?" Napa buntong hininga lang ako sa tanong ni Francis. Hindi ko siya matingnan ng diretso dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin malaman ang dahilan niya kung bakit niya ako hinalikan.

"Guys," kuha ko sa atensyon nilang lahat. Kaagad silang natigil at napatingin sa 'kin. I smiled at them.

"The thing is, I need to get going. May flight pa kasi ako bukas ng umaga pabalik ng Spain." Nginitian ko ulit sila.

"Bakit ang bilis naman ng balik mo?" Si Sassy na halatang lasing na dahil lalango lango na ito kung mag salita.

"May trabaho ako, girl. Kailangan ko na 'yung balikan." Nginitian ko ulit siya.

"Ihahatid na kita," malakas na sabi ni Francis. Agad na naghiyawan ang mga kasama namin. Kinakantyaw kaming pareho. Agad kong ikiniling ang aking ulo.

Controlling the Wild Beast Where stories live. Discover now