Kabanata 29

1.5K 31 2
                                    

Kabanata 29

Childhood Friends

Napatingin sa 'kin si Francis ng muli niya na naman akong marinig na suminghot. It's just that I can't stop the tears! Sobrang lungkot lang talaga. I sobbed again. Francis handed me a tissue at agad ko iyong kinuha. Sumingha ako sa rolyo ng tissue na nasa kamay ko.

"Fudge!" Hindi ko pinansin si Francis.

"And I am iron man," napa-iyak na talaga ako ng tuluyan ng mag snap ng fingers si Iron Man. He died.

"Bwiset naman eh! Bakit siya kasi yung namatay?" Napapa-iling na lang si Francis sa 'kin. Isang linggo na akong nanatili rito sa mansion nina Francis. Pinanood na namin ang lahat ng marvel series. Mula simula hanggang sa katapusan.

Ngayon ko lang tuluyang na intindihan ang palabas. Iron Man is my favorite among them all. Matalino siya at gusto ko ang character niya. Isang linggo na akong hindi umuuwi sa mansion.

Hindi ko kasi makayanang mag kulong sa kwarto ko buong mag damag habang umiiyak. I can't let Frantiska see me like that. Ayokong mag iba ang pananaw niya sa pakikipag relasyon dahil sa nakikita niya. Alam niyang nandito ako. I already told her na pagtakpan muna ako kina mom at dad.

Mukhang maayos naman ang ginagawa niyang pagtatakip dahil wala pa namang sumusundo sa 'kin. Ang Kirk? Hindi ko pa siya nakikita. Hindi na rin ako nakakapag padala ng voice messages sa kan'ya dahil naiwan ko sa mansion ang cellphone ko. Mukhang hindi niya rin naman ako kino-contact dahil busy pa siya.

"Tara, let's go have some snacks. Grabe tatlong araw akong walang maayos na tulog dahil sa kakapanood natin niyan ha?" Natawa ako dahil sa sinabi ni Francis. Totoo ngang wala kaming maayos na tulog. Minsan ay tatlo o apat na oras lang ang itinutulog namin at balik na naman kami sa panonood.

We're watching it on his room.

"Tara, gutom na rin ako," bahagya ko pang hinimas ang tiyan ko. Sabay na kaming bumaba para pumunta sa kusina.

"Grabe, matutulog talaga ako mamaya." Sinuklay niya pa ang medyo nagulo niyang buhok. Para siyang bagong gising. Gusot rin ang sandong sout niya. Napanguso ako sa hitsura niya.

Pagdating namin sa baba ay may narinig agad kaming mga boses na nag-uusap. Mommy iyon ni Francis at mukhang may bisita ito. Hindi ko pa matukoy kung sino ang bisita dahil hindi naman ito nakaharap sa 'min.

"It's really surprising that you're here, Josefien," dahil sa narinig ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Josefien? Tita Fien? What is she doing here? Kilala niya ang mommy ni Francis?

Natigil ako sa paghakbang ng mapagtanto kong si tita Fien nga! "Well, I just want to visit, Cheska. Wala akong magawa sa 'min. I'm bored. Kaya naman nai-sipan kong puntahan ka," I can't move. Kasama niya ba si Kirk?

"Bakit bigla kang huminto?" Napa tingin ako kay Francis dahil sa lakas ng pagkakatanong niya sa 'kin. Nakagat ko ang ibaba kong labi at napatingin sa gawi nina tita Fien. Tama nga ako sa hinalang nakatingin na rin silang dalawa sa 'kin.

Tita Fien looks calm and collected while looking at me. Parang hindi nga ito na surpresang makita ako rito. Habang ako naman ay gulat na gulat.

"Mabuti naman at bumaba na kayong dalawa sa taas. Akala ko ay buong mag damag na naman kayo sa kwarto," sabi pa ni tita Cheska. Nakita kong nag iba ang paraan ng pag tingin sa 'kin ni tita Fien.

"Mag damag sa kwarto?" Taas ang kilay na tanong pa nito.

"Oo, tong dalawang to mag damagan yang tambay sa kwarto habang nanonood ng Fifty Shades," talagang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni tita Cheska. What the hell, right?

Controlling the Wild Beast Where stories live. Discover now