Kabanata 18

1.7K 34 1
                                    

Kabanata 18

Fiancee

"She doesn't like him, Beatrice." Si daddy, hanggang ngayon ay nasa ganong pwesto parin ako. I can't believe this is all happening. Hindi ko akalaing gusto pala akong ipakasal ni mommy kay Kirk!

"Oh, I'm a girl, too, Steffen. I know when a girl likes a man when I see one." Si mommy, tumalikod ito kay daddy habang sapo nito ang noo. Ngunit nagulat ito ng makita ako. "T-Thralia!" Kinakabahang tawag niya pa sa 'kin.

Napatingin rin sa gawi ko si daddy at gulat rin siyang makita ako. Nag lakas loob akong pumunta sa kanila para tanungin kung ano ang binabalak nila sa 'kin. "Kanina ka pa ba d'yan, Thralia?" Tanong sa 'kin ni daddy. He used to call me my li'l princess, but not today. Looks like he's also guilty.

"Ano po ang ibig sabihin ng narinig ko daddy? You want me to marry Kirk?!" Inis kong tanong sa kan'ya. Tiningnan ni daddy si mommy at mukhang sinisisi nito si mommy.

"No anak, I know you wouldn't agree since you dislike him so much." Sagot sa 'kin ni daddy.

"So kung gusto ko po siya ayos lang po sa 'yo na mag pakasal ako sa kan'ya?" Puno ng panunumbat kong tanong sa kan'ya. He sighed.

"No. Ayokong pangunahan ka sa bagay na 'yan anak. Gusto kong ikaw mismo ang pumili ng mapapangasawa mo balang araw. I'm always here at your back when you need someone." He answered.

Nilingon ko si mommy. She looks so problematic. "You want me to marry Kirk, mom?" Tanong ko sa kan'ya. Nasapo niya ulit ang kan'yang noo.

"You'll be fine if you marry him. He's a good man, Thralia." She answered. Agad akong napa iling dahil sa sinabi niya.

"Pero ayokong magpakasal sa kan'ya mommy!" Sigaw ko sa kan'ya. Nagulat siya. Hindi ko alam kung anong kinagulat niya, dahil ba sinigawan ko siya o dahil ayokong magpakasal kay Kirk? I don't know which of the two shocked her.

"Oh, I know you like him, Thralia! Saka ano bang pinagpuputok ng butsi mo? Hindi ka pa naman ikakasal ngayon. You'll be married after your 18th birthday!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. My 18th birthday? Second-year college pa ako niyan!

"Ayoko! Why would I marry that guy? I don't want to marry him. Please, mom, don't do this." I pleaded. Ayokong makulong sa isang relasyon na ako lang naman ang may gusto. I like him. I like Kirk, but he doesn't. And I don't want to cage him with this unwanted marriage.

Paano kung may makilala akong lalaking mamahalin ko habang hindi pa kami kasal? I'm just 14 and I still have years to find someone who'll love me unconditionally and Kirk? He finally found his. Kaya nga kapatid lang ang turing niya sa 'kin.

I know there's someone in his heart by now, at isa lang don sa mga babaeng nakita kong kasama niya. Baka nga iyong babaeng humalik sa kan'ya. Dalawang beses ko na silang nakitang mag kasama, and they're sweet. Kaya naman alam kong seryoso siya sa babaeng 'yun.

"Thralia, pag nag mature ka na, maiintindihan mo rin ako. Don't worry, matagal pa naman ang kasal niyo. You'll like him after you know him better." Si mommy.

Ako naman ngayon ang napasapo sa 'king noo. That's not gonna happen! Gusto ko na siya kahit hindi ko pa man siya lubusang nakikilala. I already liked him, the problem is, he doesn't feel the same way!

I know Kirk will not accept this. Kaya uunahan ko na siya bago niya pa ako mapahiya sa harap ng magulang ko. "I will not marry him mom. Kahit pa magustuhan ko siya hindi ako mag papakasal sa kan'ya." I insisted. Pero mukhang hindi tanggap ni mommy ang naging sagot ko sa kan'ya.

"You will marry him, Thralia! For once in your life mag sakripisyo ka naman para sa pamilyang 'to!" She spat to me. Nanlabo ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Pumunta kaagad si daddy sa 'kin para aluin ako. Masakit ang binitawan ni mommy sa 'kin na salita.

Controlling the Wild Beast Where stories live. Discover now