Kabanata 25

1.6K 26 0
                                    

Kabanata 25

Movie Date

"Do you really love me?" I asked Kirk as I brush my lips against his. He equaled the kiss I gave him. Napakapit ako sa laylayan ng puti niyang shirt. He pulled from the kiss when we both can't breathe. Nasa flower farm nila kami ngayon. Nasa loob kami ng maliit na kubo.

"I love you," bulong niya pa sa tainga ko. Bahagya pa akong nakiliti dahil sa ginawa niya. Dalawang araw na ang lumipas at hindi parin ako makapaniwalang mahal niya na ako. Hindi muna ako pumasok ngayon dahil sigurado akong ipapag-check lang naman kami ng mga testpapers. Sobrang bilis ng mga naging nangyari.

They announce that it's also our engagement party. It shocked the guest, hindi kasi nila alam ang tungkol sa engagement party. Ang akala nila ay birthday party ko lang iyon. My friends were also shocked.

"Bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagay na 'to? Akala ko ba mag pinsan tayo?" Salubong ang kilay na tanong sa 'kin ni Myles. Nakita ko rin ang ginawang pag-irap sa 'kin ni Frantiska.

"Naku, yan rin ang itinanong ko sa kan'ya ng malaman ko ang bagay na 'to," si Frantiska.

"I'm sorry guys, hindi ko lang naman talaga alam kung paano ko sasabihin sa inyo eh. Pero alam niyo naman na," nakanguso kong sagot sa kanila.

"Okay na! Ang importante masaya ka ngayon," napangiti ako sa sinabi ni Yeshua. I really love them. Naging malaking usapin ang naganap sa kaarawan ko. Naging headline pa kami ng balita. Ngayon ay alam na ng lahat na engaged na ako kay Kirk.

"Bakit mo hinayaang halikan ka ni Irene sa pisngi? At nakita ko pa talaga yun!" Reklamo ko sa kan'ya habang naka sandal ako sa malapad niyang dibdib. We're peacefully watching their sunflowers. Nililipad ng hangin ang aking buhok at tumatama iyon sa kan'yang pisngi.

Sinikop niya ang buhok ko at nilagay sa magkabilang gilid ng balikat ko. Narinig ko ang marahas niyang pagpapakawala ng hininga.

"I didn't expect that to happen. Nabigla rin ako sa ginawa niya," sagot niya sa 'kin. "Pero alam ko namang kaibigan lang ang turingan namin sa isa't isa. Malalim na rin ang pagkakakilala namin sa isa't isa dahil magkababata kami. Bukod sa pagkakaibigan namin ay wala ng ibang namamagitan pa sa 'min."

"Pero sabay rin kayong nag l-lunch," may pagtatampo kong saad sa kan'ya. Narinig kong mahina siyang natawa sa sinabi ko.

"That's because she's my classmate and we're partner in a project," sagot niya sa 'kin na mas lalong ikinatulis ng nguso ko.

"Ibig sabihin magkikita at magkikita parin kayong dalawa," nadagdagan lalo ang pagtatampo ko dahil sa narinig. Paano kung agawin siya ni Irene? Alam kong may gusto siya kay Kirk dahil nakikita ko naman iyon. I'm not blind to not see how she stares at my man.

"Sa 'yo naman na ako eh. You don't need to worry anything." Hindi na ako sumagot. Sabay na lang naming pinagmasdan ang mga sunflower na sumasayaw dahil sa umiihip na hangin. "Gusto mo bang iwasan ko siya?" Tanong niya pa sa 'kin.

Gusto kong iwasan niya si Irene pero, ayokong isipin niyang napakaselosa ko dahil pati ang childhood friend niya ay piangseselosan ko. Ayoko ring maisip niya na wala akong tiwala sa kan'ya. I'm giving him my full trust, and I know he won't destroy that.

"I believe in you, Kirk. Alam kong hindi mo ako sasaktan dahil 'yun ang ipinangako mo. Sapat na sa 'king malaman na mahal mo ako." Hinigpitan niya ang yakap niya sa 'kin mula sa likuran.

"Gusto mo bang ikaw na ang magpatakbo kay Jack?" Tanong niya sa 'kin. My face lit up at what he said.

"Papayagan mo na ako?" Tuwang tuwang tanong ko sa kan'ya.

Controlling the Wild Beast Where stories live. Discover now