Kabanata 8

1.7K 27 0
                                    

Kabanata 8

Nineteen

Tanaw ko ang pag iiba ng kulay ng kalangitan, ang kulay asul ay unti unting nagiging kulay kahel. Wala akong ibang nagawa kung 'di ang tignan ang pag iiba ng kulay nito. Mamaya ay ang kulay kahel na kalangitan ay kakainin ng kadiliman at muling sisikat ang araw kinabukasan.

Napabuntong hininga ako at napangiti. Tatlong araw na ang lumipas, and my punishment hasn't been lifted yet. I still have two more days. Ngunit habang iniisip kong makakawala na ako sa punishment ko ay hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot.

Sa nakalipas na tatlong araw ay walang araw na hindi ako tinulungan ni Kirk. He helped with everything, halos araw araw siya kung pumunta roon para tulungan ako. Suspended pa rin siya at next week pa ang balik niya. Iyon na lang siguro ang iisipin ko para hindi na ako tuluyan pang malungkot. .

"Tahimik ka yata?" Napabaling ako sa katabi kong si Frantiska. Mapunuri ang mga mata niyang nakatingin sa akin na tila binabasa ang laman ng aking isipan.

Nag kibit balikat ako sa tanong niya at mas lalo ata niyong pinukaw ang kan'yang interest na malaman ang laman ng utak ko. "Tss, I'm just thinking about something, okay?" Sagot ko na lang sa kan'ya.

"Anong iniisip mo?" Mapanuring tanong pa nito sa akin. Nanatali akong tahimik sa tabi niya habang umaandar ang SUV namin. "Kanina ka pa tahimik. May problema ka ba?" Tanong niya pang muli sa akin.

"Well, I just wonder why mom wants you to be in our mansion." Sabi ko sa kan'ya, totoo naman ang sinabi ko. Iniisp ko kung bakit gusto ni mommy na pumunta si Frantiska sa bahay.

I mean, we're cousins. But what's with all this invitation?

"Well, I heard darating raw iyong best friend nina mommy and tita. Bibisita raw. It's a family gathering." Sagot sa akin ng aking pinsan. Mangha ko siyang tinignan.

"How did you know about that? Hindi man lang ako sinabihan ni mommy ng tungkol rito." Saad ko pa sa kan'ya.

"Well, I have my ways." Nakangising sagot nito sa akin. Nag patuloy kami sa pagkukwentuhan ni Frantiska hanggang sa makarating na kami sa mansion.

Agad binuksan ng guard ang gate ng aming mansion upang makapasok kami. Bahagya pa nitong niyuko ang ulo para mag bigay galang sa amin ni Frantiska.

"I think they are here," tukoy ko pa sa bisitang sinabi ni Frantiska. Sabay kaming pumasok sa mansion. Sinalubong pa kami ng iilan naming kasambahay.

"Where's mom?" Tanong ko rito ng makuha nito ang aking bag ganon na rin ang kay Frantiska.

"Nasa dinning na po sila, ma'am, kasama nila ang mga bisita." Sagot sa akin ni Sali, she's around the twenties and she's my favorite.

"Should we change our clothes first?" Tanong ko kay Frantiska na agad naman akong tinanguan. May damit siya rito sa mansion dahil madalas ay dito siya nag papalipas ng gabi dahil sa pagiging bagot niya.

Sabay kaming nag bihis muna ni Frantiska. Ngunit naligo muna ako bago ako nag palit. Galing pa lang ako sa pawis at ayokong mapahiya sa bisita dahil amoy pawis ako kahit hindi naman.

Lumabas na ako ng kwarto ko ng nakapag bihis na ako. Nakita kong naghihintay na sa akin si Frantiska sa living room. Nang makita niya ako ay agad na siyang tumayo.

Nakasuot siya ng isang puting bestida, mas lalo tuloy siyang nag mukhang bampira. Maputi si Frantiska, kasing kulay niya ang snow.

Tinignan ko ang sarili kong damit. I'm wearing an off-shoulder dress. Kulay itim iyon. Tuyo na rin ang basa kong buhok dahil blinow dry ko iyon.

Controlling the Wild Beast Where stories live. Discover now