Kung Wala Ka

30.7K 1.2K 199
                                    

Napabalikwas ako ng bangon ng may marinig na ingay mula sa labas, agad akong tumayo at tumungo upang alamin kung saan iyon nanggaling. Nakita ko si nanay na nagluluto at kakauwi palang ni tatay galing sa trabaho sa bukid.

Anak kain kana. sabi ni nanay habang nakangiting tumingin sa akin

Sandali lang po nay. sabi ko naman at tumungo muna sa banyo para makahilamos, agad akong pumunta sa kusina pagkatapos ay naghanda ng makakain.

Nay, mamaya po maglalakad lakad muna ako para naman ma exercise ko po ang katawan ko. sabi ko habang ngumunguya ng pagkain

OO naman, basta huwag kalang lumayo at baka mapahamak ka, alam mo naman.

Opo nay.

Matapos kong kumain ay nagligpit ako ng mga pinag kainan, gusto ko ngayong araw ay makapaglakad at makalanghap ng sariwang hangin sa labas. Maganda ang tanawin dito at mababait din ang mga tao, bawat taong nadadaanan ko ay bumabati sila sa akin.

Magandang araw Flaire! masayang tugon naman ang ganti ko sa kanila. alam kong hindi pamilyar sa akin ang lugar nato at para bang sa ibang lugar ako nanggaling ngunit wala akong maalala, hindi ko na masiyadong iniisip ang mga bagay nayon at baka makasama pa sa akin, at kung ano man ang nakaraan ko noon ay parang ayoko nang balikan o maalala pa, dahil sa bawat ala ala na gusto kong balikan ay kirot ng dibdib naman ang hatid nito.

Magandang araw para sa isang magandang babae. Hindi na ako nagulat ng biglang sumulpot si Yulo sa aking harapan at may dala dala pa itong bulaklak na alam ko naman ay pinitas niya sa kanilang hardin.

Tigilan mo nga ako yulo. sabi ko at siya'y aking inirapan at tinalikuran, masiyado kasi itong makulit at bali balita pa na isa itong playboy sa aming bayan, kaya ako umiiwas sa kanya.

Grabe ka naman Flaire, araw araw akong nag e effort para lang mapansin mo tapos tatalikuran mo lang ako, ang sakit naman sa dibdib. akoy natawa sa kanyang reaksyon at may pikit mata pa itong effect na para bang totoong nasasaktan. natigilan ako ng ito'y ngumiti sa akin, kumunot ang noo ko ng siya'y tignan.

Ang ganda mo talaga pag tumatawa. sabi niya na alam ko namang niloloko niya lang ako

Ano na naman bang kailangan mo ha? sabi ko sa kanya nakangiti parin ito na parang loko

Wala gusto lang kitang makita at kumustahin.

Well, nakita mo naman Okay ako diba? so makakalayas kana. pagtataboy ko sa kanya ngunit ni hindi lang man ito natinag, kaya ako nalang ang lumakad papalayo sa kanya, hindi ko namalayan na putikan na pala ang nalakaran ko at muntik ng madapa mabuti nalang at may humawak sa aking baywang.

Mag ingat ka naman Flaire! seryosong sabi ni Yulo sa akin na parang naiinis dahil muntik na akong madapa.

S-salamat. na gu-guilty na sabi ko dahil sa nasungitan ko siya kanina peru ito ngayon at iniligtas niya ako.

Mabuti nalang talaga at walang nangyaring masama sayo at sa anak mo. sabi nito at tumingin sa tiyan ko, 6 buwan na akong buntis at eto ako ngayon masiyadong pabaya. Nakatulala akong nakatitig sa kanya sa kadahilanang may naalala ako.

Ayos kalang? Gusto mong umuwi? tanong sa akin ni Yulo, umo-o naman ako kaagad dahil biglang naging masama ang aking pakiramdam, habang kami ay naglalakad sa daan ay marami itong mga tanong sa akin,

Anong gusto mo ipangalan sa baby? tanong niya sa akin na agad ko namang ikinagulat kahit naman walang kagulat gulat sa tanong niya.

Kapag babae gusto ko Tiara, pag lalaki naman siguro Trace. halata sa mga binigkas kung salita ang kasiyahan habang binibigkas ang mga pangalan na iyon.

Kung Wala KaWhere stories live. Discover now