Chapter 18

101K 2.7K 609
                                    

Dakota's POV.

"Heather, that was amazing" nakangiting bungad sakin nung isang member ng grupong nagko concert ngayon.

"Yeah, I told you man, when I saw her playing abroad, I knew she is really good" dagdag nung isa.

"Thank you for having me" sabi ko.

"No, thank you for playing for us, we will continue to get in touch with you, para kang anghel kanina, lahat ng atensyon ng tao ay nasa iyo, napakaganda mo" their Manager told me.

I just smiled at her. Matanda lang sya siguro sakin ng 2 or 3 taon.

"Thank you, pano, I have to go" sabi ko sa kanya.

"Na-uh, you are staying, sasama ka sa eat out namin after the concert, bawal tumanggi, right boys?" sabi ni Manager Hazel.

Tumango naman yung ibang member.

"This is Travis, Cleo, Sam, and Emmanuel" pakilala ni Hazel sa mga nagpe perform kanina na tinitilian ng ilang libong babae. "I am introducing you to her dahil itong si Heather ay hindi fan ng mga boyband like ours so malamang ay hindi nya kayo kilala"

Tumingin ako sa apat at nahihiyang ngumiti, bakit ba kasi hindi man lang ako nakapag research sa kanila.

"Mamaya na kayo mag get to know pa, boys last song perform well ha" sabi ni Hazel.

Nag akyatan naman yung apat. Hindi man ako pamilyar sa music nila ay masasabi kong maganda iyon, lalo na yung apat na lalaking yun, they looked nice.

"Wag ka ng tumakas Dakota, sasabunutan kita" sabi ni Hazel.

Natawa nalang ako, Hazel and I met 3 years ago. Nagsisimula pa lang sya pagiging manager and look where she is right now.

"Should I tell them your real name, pang screen name mo lang kasi ang Heather"

"Totoong pangalan ko pa din naman yun, second name nga lang" sabi ko.

"Sure ka bang ayaw mong sumama na lang at mag continue as guest sa tour namin?" tanong nya.

"Hmmm, I told you, may arrangements ako"

"Kapag pumayag ang magiging producer namin, papayag ka na? Pipirma ka na ng contract with us?"

"Ugh, who am I to decline that, di naman ako mayaman, syempre kapag pumayag kayo sa arrangement ko then deal pero humanap ka muna ng bagong producer nyo para sa world tour na pinaplano mo"

"You're mean! Wala ka bang tiwala sakin?"

Tumawa na lang ako at umupo sa isang gilid. I can never say no to her, Hazel helped me a lot lalo na nung nagsisimula ako. Hindi naging madali ang magsimula lalo na at lumaki akong mayaman. I had to drop everything, ang pagiging Sy, ang pagiging Montenegro, lahat ng bagay na makakapagpasakit sakin.

Kinailangan kong mag move on. Kinailangan kong maging matatag.
I lost so many years. I fought too many painful battles na ni isa ay hindi ko naipanalo.

I read sa isang book,

One can give up many things for love,
But should not give up oneself.

When I fell inlove with Storm many years ago. Umikot ang mundo ko sa pangarap na maging asawa nya lang, na maging perfect wife para sa isang Montenegro. Just because he didn't love me back, I gave up my passion, which is playing harp. I gave up on myself. Nakalimutan kong mahalin ang sarili ko.

I forgot what I deserve. I forgot the woman who I really am. I was all about love and storm. Sa lahat ng bagay at desisyon ko ay nakabase kay Storm.

WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)Where stories live. Discover now