EPILOGUE

139K 3.6K 683
                                    

Dakota's POV.

"Ayoko ngang puntahan yung VIP na yun, ang sungit nun"

"Sige na, ikaw na please? Ang hirap kuhanan ng dugo eh"

Napahinto ang paglalakad namin ni Celestine ng marinig namin ang bulungan ng dalawang nurse.

"What's wrong?" nakataas na agad ang kilay nito sa dalawa, pakiramdam ko ay mas natakot pa ito ng makita sya.

"Miss President, kayo po pala"

"What's the problem ba? Anong meron sa VIP?" I asked in a nice way.

"Nagpapatulong lang po kasi dito kay Nurse Meryl dahil po sobrang sungit sakin nung VIP patient natin" Nurse Joy answered.

Hindi pa nakakasagot si Nurse Meryl ay narinig ko na ang lagatok ng heels papaalis ni Celestine.

"It's okay, kaya nya na yan, ipagdasal nyo na lang yung VIP natin ha?" sabi ko bago sila kinindatan at sumunod na kay Celestine.

"Hey, you need to calm down, baka-

Huminto ito at tumingin sakin.

"Alam mo may kailangan ako sayo" diretsa nitong sabi sakin.

"What?"

"I need you to stay right here, ako na ang pupunta doon, cause I cannot have my" itiniklop nya pa ang dalawang daliri sa parehas na kamay na parang sinasabi nya ang quote and unquote "little angel, while I do my thing there, so please shooo muna Sy"

"Hoy grabe ka maka Sy" sabi ko.

She laughed.

"He is not popping the question yet? Aw, my little brother, sa tingin mo nagse second thoughts na sya?"

"Hoy Celestine!"

Instead of answering me, tumalikod ito at nag wave hands sakin.

"Sino yan?!" narinig kong sigaw nung pasyente sa VIP room. Hindi sumagot si Celestine at pumasok na roon. "M-miss President, w-what brought you here?" naririnig ko pa lang ay ramdam ko na ang takot sa boses nito.

"Aigoo, I really hate noisy people, you know you can't keep shouting at my nurses like that, mabilis mag init ang ulo ko Silvanno"

Iiling-iling ko silang iniwan doon. My day started like that, doktor pa rin ako sa hospital. It's been a year, Storm and I are really taking it slow, we go out on dates, family dates, or kaming dalawa lang. We still don't live in the same house, he said he wants when I am really ready.

Ready na kaya ako, hindi ko lang alam paano sasabihin, at baka isipin nyang patay na patay ako sa kanya.

I don't know how he can manage do be a good boyfriend and being a great dad to Archer and Elle while he is running the Montenegro Corp.

Madalas na tanong na sakin kung magpapakasal na daw ba kami ulit pero hindi ko pa kasi ramdam yun, pakiramdam ko yung hindi ko pagpunta noon sa supposedly grand proposal nya ang isa sa mga dahilan.

He is either scared or he is taking time and I do not mind. Masaya naman ako, masaya naman kami.

My sister Paris is focusing on her work and gaining popularity in architecture industry outside the country. From time to time ay umuuwi ito visit Elle.

Elle is now an official Montenegro, she is my niece biologically pero parang anak na rin talaga namin sya ni Storm. Ilang buwan lang ang pagitan nila ni Archer and Archer feels like he is the kuya.

Leo and Gabriella are also attending physicians in here pero mas madalas lately ay nasa labas sila, doing medical missions together.

Celestine is the same old Celestine, I prefer not to talk about her lovelife, dahil she wanted to tell you all about it herself.

WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon