“Welcome!” wala akong ibang nasa kun'di ayon lang.

“Pero sa susunod, h'wag kayong mabilis mag-paandar ng motor, alam niyo bang muntik ko ng mabitawan 'tong bitbit ko sa bilis niyo kanina?” napa-kamot ang dalawa sa batok.

“Sorry, hindi na mauulit.” sabi nung isa na sa tingin ko ay si Victor. “We're Doctor. Mahalaga ang bawat oras, bawal ang pabagal-bagal.” dagdag niya na nagpa-nganga sa'kin.

“Doctors?”

Big time talaga mga kaibigan ni Ismael. Yayamanin, nahiya naman kami ni Brandon. Speaking of, bakit ang tahimik niya?

“Kumain na tayo, gutom na ako.”

Doon ay hinanap ng mata ko si Brandon. Nag-tama ang aming mata dahil sa'kin din pala ito naka-tingin, napa-kunot nalang ako ng noo nang makita itong ngumiwi bago tumayo.

“Tara.” sabi niya.

“Primo, ikaw nalang pala ang hindi nakaka-kilala sa Kambal, kasi kami ni Brando ay kababata sila.” tumango lang ako sa sinabi ni Ismael.

Pumunta ako sa kusina para ikuha sila ng baso. Sa tingin ko hindi kasiya sa'min ang mga binili ko.

“Sa tingin ko kulang 'yung mga binili ko. Lalabas nalang muna ako para dagdagan---”

“Sasama nalang ako.” sabat ni Brandon.

“Sige, 'yung masarap naman na tinapay. Ikaw na bahala pare ah, alam mo naman mga gusto namin e,” may hinagis na pitaka si Ismael kay Brandon na nasalo naman nito. Anong pinagsasabi niyang tinapay e buko pie yan, merong harina pero hindi naman totally na tinapay 'yun.

Lumabas kami at iniwan sila. Ang awkward kasi kanina lang nahuli nila akong tinititigan siya tapos ngayon magkasama kami.

“Bakit hindi ka nalang nag-stay dun?” simula ko.

“Ayoko, kung ano-ano lang pag-uusapan nila, kilala ko ang mga 'yon.”

“mag-kababata pala kayo, pati 'yung kambal? Mabuti at nag-kikita pa kayo?”

At ginawa niyong meet-up place 'yung bahay ni Lolo.

“Mabuti nga e, minsan lang naman kasi. Tsaka matagal na nung huli kaming nag-sama.” tumango lang ako sa sinagot nito.

Narating namin ang tindahan, hindi kami kila Ate Amy bumili dahil tinapay ang gusto ni Ismael, napaka-arte talaga. Binili na ni Brandon ang mga gusto daw nila Ismael gamit ang pitaka na binato niya.

Kung titignan si Brandon para siyang iba sa kanila. 'yung kambal mukha palang halatang playboy na, si Ismael naman ay maloko at si Hansel...hindi ko alam, wala naman kasing emosyon 'yung Lalaki 'yun.

Gwapo ang kambal na nakita ko kanina, maganda rin ang katawan nila, hindi nga lang kasing ganda ng kay Brandon pero masasabi kong, marami ang Babaeng magka-kagusto sa kanila kahit gano'n lang.

“Bakla! Primo!” halos tumalon ang puso ko dahil sa gulat at sigaw mula sa likod namin. Babae ito at sobrang tining ng boses niya.

Sabay naming nilingon ni Brandon ang Babaeng 'yon. May ngiti ito sa labi at halos kuminang ang kaniyang mata habang tumatakbong naka-tingin sa'kin.

“Ikaw nga!”

Ako nga?

Nang maka-lapit sa'kin ay agad akong sinungaban ng yakap, sobrang higpit nito na parang hindi na ako maka-hinga dahil sa higpit.

Sino ba 'to? Bakit kilala at niyayakap niya ako? Hindi naman siya mukhang baliw.

Napa-tingin ako kay Brandon habang naka-yakap sa'kin ang Babae, pero tinignan lang din niya ako na parang walang pake.

“Kailan kapa bumalik? Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin na bumalik kana pala, mag-tatampo nanaman ako sayo niya'n.” anito.

Kumunot ang noo ko dito, hindi ko nga siya kilala bakit ko naman sasabihin na dumating na ako? At pake ko kung mag-tampo siya sino ba kasi siya?

“Hi-hindi kita kilala.” natigilan ito sa sinabi ko.

“Ikaw naman...” hinampas nito ng mahina ang aking braso. “Prank ba 'to? Paano mo ako hindi nakikilala e kasama mo nga si Brandon?” Dagdag niya kaya napa-tingin naman ako sa Lalaking katabi ko.

Mag-salita ka naman Brandon, wala akong idea sa sinasabi at kung sino ang Babaeng nasa harap ko.

“Wendi, sa tingin ko kailangan natin mag-usap.”

Hinagit ni Brandon ang braso nung Babae, bahagya silang lumayo sa'kin kaya hindi ko marinig ang pinag-usapan nila. Nanatili lang akong nakatayo sa gilid ng kalsada habang inaantay sila.

Ilang minuto ang lumipas na pag-hihintay ko ay bumalik na silang dalawa, kunot ang noo nung Babae na tinawag ni Brandon na Wendi?

“Naiintindihan ko na. Sorry, parang kasalanan namin ang nangyari sayo.” Paumanhin nito. Hindi ko naman alam ang sinasabi niya.

“Pe-pero, paano mo naman nalaman na ako 'yung...alam mo na, sinasabi mong kaibigan mo nung mga bata pa kay—tayo i mean.” tanong ko.

“Well, nakita ko kasi si Brandon. So naisip kita.”

Sabay kaming napa-ngiwi ni Brandon sa sinagot nung Babae.

“Biro lang! Alam ko kasing walang ibang kasama si Brandon bukod sa kambal at kay Ismael. Tapos nung nakita ko kayo, nakakapag-taka kasi ibang mukha ang nakita ko, so ayon na nga, inisip kong ikaw 'yon. I miss you!” muli itong yumakap sa'kin.

“Ah, speaking of kambal at Ismael, nasa bahay sila ni Lolo.” Sabi ko at bumitaw sa yakap niya. Awkward naman kasi.

“Talaga ba! Ang ganda naman ng araw na 'to! Tara sasama ako.”

Dahil kay Wendi ay nabawasan ang pagka-awkward na nararamdaman ko kay Brandon. Ang dami niya kasing kwento, tapos puro siya tanong.

Nag-kwemto rin ito kung paano kami nagka-kilala at naging matalik na magkaibigan, tapos pati nung umalis ako ay nag-kwento parin siya kung paano sila nag-antay ng matagal sa tapat ng bahay ni Lolo nung umalis ako.

Sila pala ni Brandon ang sinasabi ni Lolong mga kaibigan ko na nag-tampo sa'kin at naging dahilan ng trauma ko, panay sorry si Wendi dahil do'n pero sabi ko ay wala na 'yon.

“Alam ni Brandon na bakla ka, h'wag mo nang itago---”

Hindi niya natapos ang binubulong sa'kin nang sumingit si Brandon.

“Naririnig kita Wendi.”

Napa-hagikgik lang kami dahil sa mukha ni Brandon na parang asar na asar, hindi ko mapigilan ang mapa-ngiti dahil sa Babaeng kasama ko.

Parang siya 'yung nag-bigay buhay sa'kin na may pag-asa kami ni Brandon. Ayokong umasa ulit pero umaasa nanaman ako.

Narating namin ang bahay ni Lolo, agad tumakbo si Wendi at sinalubong si Ismael at ang Kambal.

“Na miss ko kayong lahat! Ang ganda ng reunion nating ito.” ani Wendi habang yakap ang tatlo.

“Wendi, kaka-kita lang natin kanina.” ani nung isa sa mga kambal.

“Sorry, na-excite lang bumalik na kasi sa'tin si Primo.” ani Wendi.

Dahil mas nadagdagan kami ay sobrang ingay at saya namin. Maging ako nag-enjoy na kasama sila, kahit unang beses ko palang nakita ang iba ay parang komportable na ako sa kanila.

Lolo tignan mo kami, masaya kami dito sa bahay mo... akala ko hindi na ulit sisigla ang bahay mo Lolo pero look, ang dami kong mga kaibigan na nagpapasaya sa'kin.

Thank you Lolo!

Masaya dahil kahit wala akong maalala tungkol sa pinag-samahan naming lahat ay ang gaan parin ng loob ko sa kanila. Siguro nga isip lang ang hindi maka-kilala sa kanila, pero ang puso ko ay hindi sila nakalimutan. Lalo na ang Lalaking katabi ko.

Brandon

Parang sobrang dami naming pinagsamahan, kaya sobrang gaan na ng loob ko unang kita palang namin, sa sobrang gaan ay wala sa sarili kong nabanggit ang pangalan ni Brandon nung una naming kita.

At sana kung ano man ang alaalang nawala sa'kin noon ay bumalik na, gusto kong maalala lahat ng pinagsamahan namin, mga alaala na hanggang ngayon ay umaasa parin akong maibabalik kasama sila.

Glamir Series: BRANDON (BoyxBoy)Where stories live. Discover now