"Maupo kayong lahat." Maotoridad na sigaw ni Tito Gryant. Ngayon ko pa lamang s'yang nakitang ganito. Kadalasan ay kamaldo s'ya ngunit ngayon ay kakikitaan ko rin s'ya ng inis. Kaya naman wala sa sarili namin s'yang sinunod lahat. Bumalik kaming nakatayo sa pwesto at umayos ng upo.

"We don't want to repeat what happened before. This is how Tieria Dominions died years ago." He directed his gaze to Dreffil before continuing. "These kids deserve the truth. They are part of the organization, Dreffil."

"Are you—!" Tumaas ang boses ni Dreffil sa narinig ngunit agad itong pinutol ni Tito Gryant.

"Wenschil!" May pagbabanta ang boses nito at maging ako ay hindi maiwasang kilabutan sa narinig. I thought Dreffil Wenschil is the one in control of everything in Tieria Dominions but seeing Tito Gryant like this and how Dreffil subsides prove that it's the other way around.

Nakita ko ang mariing pagpikit ni Dreffil sa harap bago tumikhim upang kuhanin ang atensyon ng lahat. Napadako naman ang paningin ko kay Pierre na hanggang ngayon ay tahimik.

Nabahag na ba ang buntot n'ya?

Dreffil opened the huge monitor in front and it displays Zana Vashti's profile. Iilang pictures din ang pinakita nito kasama na roon ang Mommy ko at si Mileiya. They seemed to be good friends back then. Iba't ibang pictures pa ang nakita namin bago ito tumigil sa huling larawan. Ramdam ko ang pagsinghap ng mga kasama ko sa gulat nang matanto naming lahat kung ano iyon.

It is a picture of Zana Vashti with King Saachl Viado.

Kapwa nakangiti ang dalawa habang nakatingin si Zana sa paligid at nasa kan'ya naman ang atensyon ng tinitingalang hari ng Erdavistan. Magkahawak ang kanilang kamay na tila namamasyal sa isang hardin. If I am not mistaken, it is a place in Del Erde Palace, that is used to be a home for the royal family.

Sa hindi malamang dahilan ay napatingin akong muli kay Pierre na nakatingin din sa monitor. Nakita ko kung paano lumambot ang kan'yang ekspresyon habang tinitinganan ang larawan. Hindi ko maiwasang magtaka sa naging reaksyon n'ya.

"I guess this picture alone gives you a hunch." Panimula ni Dreffil kaya nabaling muli ang atensyon namin sa kan'ya. Ngumiti s'ya sa amin na tila ba sumuko na at handa na n'ya sabihin ang lahat.

"Zana Vashti and King Saachl were in a secret relationship before she joined us. Zana was not from a wealthy family, who possessed great mind and skills to enter a prestigious university and became a journalist." Hindi s'ya nakasama ni Mommy sa university, si Mileiya lang. Maybe their friendship started in this organization. But why did she join us?

"Her status was the reason why their relationship remained secret. She may excels in her field but that wasn't enough to be the Queen of Erdavistan." Mababakas ang lungkot ni Dreffil sa bawat salitang binibitiwan. Hindi ko maiwasang isipin na ang mga naunang miyembro ay hindi lang basta magkakasama kung hindi ay kaibigan at pamilya ang turingan nila. Maybe this also the reason why they are having a hard time in disclosing this information to us.

Hindi ko maiwasang makonsensya sa mga iniisip ko laban sa kanila. This whole thing—the augur rings and Zana Vashti—is something personal to Tito Gryant and Dreffil.

"At iyon ang naging alas ni Helios Alvadrid laban sa Hari. He used Zana to threatened King Saachl, that's when she became a dominion. She needed protection and found it in this organization." Dagdag ni Dreffil na nakikitaan ko ngayon ng lungkot, galit, at pagsisisi.

Katahimikan ang muli ang yumakap sa aming lahat. Tila ba'y pinipilit intindihan ang mga rebelasyon. Kahit ako ay hindi ito maproseso agad. Buong akala ko ay walang direktang koneksyon ang Tieria Dominions sa royal family at sa grupo ni Helios Alvadrid, iyon pala, una pa lang ay sangkot na ang organisasyong ito sa sigalot ng dalawang panig.

Rogue and ProwessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon