CHAPTER 9

7 1 0
                                    

Women of Tieria Dominions

"Alam mo Cayenne, kahit ako hindi ko aakalain na kaya mo kong patayin." Livy said as she walks out of the boxing ring.

"Compliment ba 'yan?" Natatawang tanong naman ni Cayenne na kasunod n'ya papunta sa akin.

"Ito namang si Kassia, tingnan ka lang parang napatay ka na n'ya nang ilang beses sa utak." Baling sa akin ni Livy nang makalapit. I look at them with boredom. Kung ano-ano pa ang pinag-usapan nila habang nagbibihis kami sa locker room.

Nasa headquarters kami ngayon at inuubos ang oras sa gym. Katatapos lang ng sparring ng dalawang kasama ko. Nang matapos ay pumunta kami sa cafeteria dahil nagrereklamo si Livy na nagugutom na. Umorder kami at naupo sa pang-apatan na lamesa. Cayenne sat beside me, sa harap ko naman ay si Livy.

"Ganito pala ang buhay kapag wala ang boys." Livy spats as she eats her meal. Kapwa kami natawa ni Cayenne sa tinuran n'ya. The four guys are busy with their own things. Sa nakalipas na ilang linggo ay hindi pa kami nagkaroon ng misyon na magkakasama kaming lahat. Noong isang araw ay magkasama sa isang misyon si Cayenne at Kreo. Ngayon naman, ay may misyon silang apat na magkakasama leaving the three of us in headquarters.

"You mean, tahimik? Having a peace of mind na walang mag-ta-tantrums any moment?" Natatawang sabi ko dahil simula kaninang umaga ay tahimik na buhay naming tatlo. Marami kasing drama sa buhay ang apat na 'yon at kadalasan ay nadadamay kami.

"Walang Cairo na mayabang at maingay, walang Travis na nang-aasar, walang Kreo na pasmado ang bibig, at walang Pierre na tatahi-tahimik pero nasa loob ang kulo." Livy added at nag-high five pa kami.

"Oy grabe naman kayo, nakaka-miss din naman sila." Cayenne defended them. Sabay namin s'yang tiningnan nang masama na pinagkibit-balikat n’ya lang.

"Hi, kayo lang?" Naputol ang pag-uusap namin nang may lumapit sa amin na babae mula sa ibang team. Hindi yata sila sanay na kaming tatlo lang ang nakikita.

"Obvious ba? Sino ba sa mga 'yon ang hanap mo, Ria?" Dere-deretsong banat ni Livy na nagpapula sa pisngi ni Ria. Naiiling na lang ako dahil paniguradong isa sa mga kasamahan namin ang kalandian nitong babaeng 'to. She's beautiful with her soft features and round face, caramel skin, light brown hair deep-dyed almost full length with shades of crimson, and voluptuous body.

"I bet it's Travis." Nanghahamon na sabi ko na parang hindi naririnig ng babaeng kausap namin.

"It's Kreo." Cayenne said.

"Cairo 'yan. Spill it na girl!" Sabi naman ni Livy na natatawa na sa ginagawa naming pustahan.

Pare-parehas naming nilingon si Ria at hinihintay ang sagot. Halatang nag-aalangan s'yang sabihin sa amin. Sa bagot ko ay sumimsim pa ako ng tubig habang nakatingin sa kan'ya.

"S-si C-commander Eiveldan" Halos maibuga ko ang iniinom ko sa sagot n'ya. Maging ang dalawang kasama ko ay natigilan. Nagkatinginan kaming tatlo dahil walang tumama sa amin. Nang tingin ni Ria ay wala s'yang makukuhang sagot sa amin ay umalis na rin s'ya dahil sa hiya. Nanatili kaming tahimik dahil sa nalaman.

"Ang dami palang babae ni Pierre." Si Cayenne ang unang bumasag sa katahimikan namin. Kapwa kami napatingin sa kan'ya ni Livy. Napakunot ang noo ko.

"I didn't expect that. He's stone cold and serious. May nagkakagusto pala sa kan'ya." Iyon naman ang pinapakita n'yang imahe sa organisasyon. Sa aming team lang n'ya pinapakita ang iba pang ugali n'ya.

"Pero gwapo pa rin." Tili ni Livy na inirapan ko.

"Ikaw nga, umamin ka nga. Type mo?" Pang-aasar ko kay Livy. Sandaling katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa hindi na niya napigilan ang pagkawala ng tawa.

Rogue and ProwessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora