23. Sacrifice

43.5K 846 16
                                    

23.

Pumunta akong mag isa sa lugar na sinabi sa akin na pupuntahan ko. Kabilin bilinan sa message na ako lang mag isa at hindi ko pwedeng ipagsabi  or mapapahamak si Angela.  And I didn’t want to take that risk.  The important thing is mapuntahan ko si Angela para makasigurado akong ligtas siya.

Pagkadating ko sa lugar, agad akong nilapitan ng tatlong lalaki at iginiya papasok sa isang van. Doon nila tinali ang mga kamay ko at nilagyan ako ng blindfold. Hindi na ako naglaban because I know that it would be futile.  Nagbyahe kami ng mga isang oras tapos tumigil ang sasakyan at ipinasok ako sa isang lugar.

Then pinasok nila ako sa isang kwarto.

“Johann!!”  Nakahinga ako ng maluwag nung marinig ko ang boses niya. Thank God, she is safe.

“Angela!” Niyakap niya ako ng mahigpittapos inalis ang blindfold ko at ang pagkakatali ng mga kamay ko. I looked at her intently para makasiguradong okay lang.

“Are you alright?” Tumango siya at napansin ko ang pamumula ng pisngi niya. Naningkit ang mga mata ko. Makatakas lang kami dito ako mismo ang papatay sa hayop na yun.

“That son of a bitch!” Hindi ko napigilan ang mapamura tapos hinaplos ko ang pisngi niya na may bahid pa ng sampal ng lalaking yun. I kissed her cheek and hugged her. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag may nangyaring masama sa kanya. Ngayong nakasama ko na siya medyo napanatag na ako kahit na alam kong er are both in danger.  

“Tatakas tayo dito okay? Wag kang mag alala. Itatakas kita dito. Kahit anong mangyari Angel, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo.” Pinaupo ko siya sa kama at tumingin tingin sa paligid para makita kong may pwede kaming daanan para makaalis kami.

“Paano tayo tatakas dito kung ang daming nagbabantay?”

“I’ll find a way.” I assured her para kahit papaano kumalma siya. At kahit ano ang mangyayari gagawin ko ang lahat mailigtas lang siya.

“Johann, sabihin mo sa akin. Ano ang nangyayari? Bakit nila ako kinidnap? Sino sila? Sila ba yung sinabi mo sa akin the other night na nagligtas sayo?”  Her eyes are still full of questions. At wala na ding dahilan para itago ko pa ang lahat sa kanya. Nangyari na ang bagayna pinakaiiwasan ko. Napahamak na siya ng dahil sa akin. There’s no more secrets to keep.

“No Angel, hindi sila ang tumulong sa akin.” Sila ang dahilan kung bakit kailangan kong magpanggap na ibang tao. Kung bakit kailangan kong mag iba ng identity.

Tears of Angel (The Sequel)-In His Point of ViewWhere stories live. Discover now