18. Assumption

38.2K 776 30
                                    

18



“Johann!”  Nakikita ko sa mga mata niya ang recognition pati na din ang galit. It’s too easy to distinguish my twin’s emotions. Ilang beses ko na bang nakita ang mga expression na yan.  Kung dati pinagtatawanan ko lang, ngayon may kahalo ng takot.

He came to me with a definite purpose and I almost anticipated kung ano ang gagawin niya.  Pwede kong ilagan ang suntok niya. Kung nanaisin ko, hindi niya ako matatamaan at pwede akong umilag pero hindi ko ginawa. Dahil alam kong kung umilag man ako, hindi siya titigil hanggang hindi niya ako napapatamaan ng suntok niya.

And besides katulad ni Angela, I owe him too and I deserve his anger.  Ilang beses ba nag offer ng tulong ang kakambal ko sa mga panahong nalulungkot ako? Ilang suntok ba ang natanggap ko mula sa kanya  nung sinisira ko ang buhay ko?  But never did I turn to him for help. Sinarili ko ang sakit, ang lungkot at kinalimutan kong  kakambal ko siya. I turned away from him, from Joanne and from my parents.

And worst, pinasalo ko ang responsibilidad ng buong business namin sa kanya. Gone is the happy go lucky Jeannie Paolo Zamora. Para ko na ding sinira ang buhay niya. Para ko na din siyang ninakawan ng kaligayahan.

So I have to reason to dodge his blows. 

Nung tumama na ang suntok niya, I automatically touched my lips para pahiran ang dugo.

“What the hell! What the hell is wrong with you?”  I managed to ask kahit alam ko na ang dahilan ng pagsuntok niya. I still have to pretend that I am still John.  And Paolo doesn’t have the right to punch John.

Lalo siyang nagalit dahil sa tanong ko.

“What the hell is wrong with me? You’re seriously asking me that? Di ba ako dapat ang nagtatanong niyan Johann?”  I guess as much. Pero kung paano niya nalaman yun ang gusto kong alamin. I shouldn’t have underestimated my twin. Once he sets his mind into something gagawin at gagawin niya ang lahat para makuha yun. Whatever it takes.

“What are you saying? I don’t know what you’re talking about.”

“Pwede mong lokohin ang lahat pero hindi ako. Nasa sinapupunan pa lang tayo kilala na kita. Kaya hinding hindi mo ako maloloko Johann.” I gave out a sigh confirming his assertion. There’s no use lying to him.

“I don’t know your reason for doing all of this. I just hope that you have a damn good reason sa mga ginagawa mo. For putting us all into this misery. Dati pa naman ganyan ka na. Mahilig kang magsarili ng problema. You never told anyone except me. Pero hindi ko alam kung ano ang nangyari na pati sa ako pinagtataguan mo. Bro, we’re brothers. We’re twins and nung akala ko nawala ka, parang nawala na din ang kalahati ng buhay ko. Ngayon hindi ko alam kung matutuwa ako dahil buhay ka or magagalit ako sayo kasi tinago mo sa amin ang totoo. But one thing’s for sure. I’m glad that you’re alive.”  Hindi ko ineexpect ang mga sinabi niya. I have expected him to beat the hell out of me dahil sa ginawa ko but instead I saw his overwhelming brotherly love for me. Ang pagmamahal ng isang kapamilya na matagal kong iniwasan. At sa kauna unahang pagkakataon, nakita kong umiyak ang kakambal ko. Kung kakaiba siguro ang sitwasyon, pinagtawanan ko na siya. Natukso ko na siyang bakla pero sa pagkakataon ngayon, wala akong naramdaman kundi guilt dahil sa mga ginawa ko sa kanila.

    

“Paolo... I’m sorry.” Yun lang naman ang kaya kong sabihin sa lahat dahil hindi ko na kayang ibalik  ang mga nangyari.

“Hindi na ako magtatanong ng kung ano pa man. I just want to ask you na sana huwag mong ipagkait sa amin ang sarili mo. Kahit niloko mo pa kami, hindi maalis ang katotohanan na isa ka pa ring Zamora. Anak ka nina Mommy and Daddy, kapatid ka namin at kakambal kita. And we terribly miss you, Bro.”Hindi ko inakalang matatanggap niya ang lahat ng ganito na lang and that he would forgive me this easily. It’s too good to be true.

At nung niyakap niya ako, I fight the urge to cry.

“I'm sorry Pao. Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo ang totoo. At least not now. But in time, I will.” Nasabi ko pagkatapos naming magyakapan. He just nodded na parang sinasabing naiintindihan niya ako. And I’m glad that he didn’t asked further.

“It's okay. I'm just glad that you're alive. I just can’t understand bakit sa kanya nasabi mo ang lahat pero natiis mo kaming pamilya mo.” Hindi nakaligtas sa akin ang panibugho sa boses niya and I know that  he meant Angela.  

“She doesn’t know.”  Mahinang sabi ko.

Or so I thought. 

Tears of Angel (The Sequel)-In His Point of ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon