25. Too late

49.2K 1K 50
                                    

25. 

“Angela!” I caught her before she fall down.  Hindi ko na ininda ang lahat ng sakit nararamdaman ko. Ni wala na akong pakialam na buhay pa si Xyrus. Ang mahalaga ngayon si Angela.

“Angel, bakit mo ginawa yun?” I caress her face. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko habang nakatingin ako sa kanya. Nakasandal siya sa akin at hindi ko maatim na tingnan ang dugo na unti unting kumakalat sa damit niya. I can’t bear seeing her like this.

Tumingin siya sa akin, smiled at caress my face.

“I love you Johann.” I brushed the tears that fall down her eyes. Kahit kailan hindi ko pinagsisihan ang lahat ng ginawa ko para sa kanya. Ang lahat ng sakripisyo just to have her back. Dahil alam ko, kung hindi ko gagawin ang mga yun magiging walang silbi din ang buhay ko. I know from the very start that it is worth loving her. That it is worth risking my life for her. At kahit ulit ulitin pa ang lahat ng sakit na naramdaman ko, I would still be willing to undergo all those basta sa huli magkakasama pa din kami.

And katulad ng sinabi ko nung araw na sinagot niya ako, alam kong siya lang ang babaeng mamahalin ko ng ganito. And I would trade anything  para lang mailigtas siya. At ngayon, kung nanaisin, I am willing to bargain with the devil himself para lang hindi mawala si Angela sa akin.

“Hindi mo dapat ginawa yun!” Ngayon, galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya pero hindi ko magawang ipakita sa kanya ang galit ko. Ang tagal ko siyang binantayan at inalagaan. Ginawa ko ang lahat para maprotektahan siya and here she is willing to sacrifice her life for me. How ironic that the person I’ve tried so hard to protect is so willing to give up her life for me.

“Mahal kita.” She said softly. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit para iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal pero natatakot akong baka lalong lumala ang sugat niya.

                           

“Can’t you just show me by being safe? By staying alive?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin ang nararamdaman ko. Why can’t she let me protect her? And now I felt so helpless.

“It wouldn’t make sense kung mamamatay ka.” Napamura ako sa sinabi niya. At ano ang ibig niya sabihin? Na pag siya ang namatay everything would make sense? Hindi niya alam ang sinasabi niya. Hindi niya alam na pag namatay siya mas gugustuhin ko na ding mamatay.

Tears of Angel (The Sequel)-In His Point of ViewOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz