Chapter 12

7.8K 147 45
                                    

Alfred’s POV

Alfred: ‘By, nasaan ‘yong –

Naputol ‘yong sinasabi ko nung nakita ko si Aly na nakangiti habang nakatingin sa phone niya. Hindi ko alam kung may binabasa lang siyang kung ano o kung ka-text na naman niya si Kiefer.

Alfred: Ang ganda naman ata ng ngiti natin. Sino ba ‘yang ka-text mo?

Alyssa: Ha? Hindi ako nagte-text. I’m just reading some tweets.

Alfred: Tweets ni Kiefer?

Alyssa: No. I’m brows –

Aly looked up from her phone with a look of disbelief on her face.

Alyssa: Ano ba ‘By, Kiefer na naman? Bakit ba lagi ka na lang nagseselos sa kanya? How many times do I have to tell you that you don’t have anything to get jealous about?

Alfred: Can you blame me? He’s your ex and he was a big part of your life. Ano namang laban ko dun?

Alyssa: Hindi mo kelangan makipag-kumpitensya sa kanya. Oo, ex ko siya, pero ikaw ang boyfriend ko, ikaw ang present ko.
 
I would love to believe what I’m hearing right now, pero hindi ko talaga magawa. Iba kasi ‘yong nakikita ko sa sinasabi ni Aly. Kahit ilang beses niyang sabihin na wala ‘kong dapat pagselosan, pag nakikita ko ‘yong epekto ni Kiefer sa kanya, I can’t help myself.

Alyssa: Sana ‘By wag mo naman akong pahirapan dahil lang ex ko si Kiefer. Hindi ko na mababago ‘yong tapos na.

Alfred: Palagay mo ba hindi ako nahihirapan makita na mas napapasaya ng ibang lalaki ‘yong girlfriend ko?

Alyssa: What do you mean? You think you don’t make me happy? Masaya ‘ko sa ‘yo, sa kung anong meron tayo.

Alfred: I always thought I made you happy, but since Kiefer came back, hindi na ‘ko sigurado.

Alyssa: Anong kelangan kong sabihin para maniwala kang napapasaya mo ‘ko?

Alfred: Wala. You don’t have to say anything because your actions already do the talking for you.

Alyssa: I don’t get it. Anong gusto mong palabasin?

Alfred: That Kiefer makes you happy.

Alyssa: What?! Of course not.

Alfred: Kung makikita mo lang ‘yong expression sa mukha mo when you talk about him or when you’ve just spent time with him, you’ll say the same thing.

Alyssa: Hindi ko alam kung anong nakikita mo, but I’m sure you’re just imagining it.

Alfred: I’m not imagining anything. I guess that’s just how it is when someone naturally fits into your life. He doesn’t have to do much pero napapasaya ka niya na hindi mo napapansin.

Alyssa: Sige ‘By, sasakyan ko ‘yang sinasabi mo na Kiefer makes me happy. Ano naman ngayon if he does? Ikaw ang mahal ko, hindi siya.

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Aly. Naniniwala naman akong mahal niya ‘ko, pero naniniwala rin kasi ‘ko na marami lang siyang hindi napapansin tungkol sa kanilang dalawa ni Kiefer. And when she starts noticing those things, dun niya mare-realize na si Kiefer talagang mahal niya.

Alyssa: Bakit hindi ka kumikibo diyan? Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko? (after a few seconds) Tell me, nagkulang ba ‘ko ng pagpaparamdam sa ‘yo na mahal kita? Sabihin mo naman para magawan ko ng paraan.

Alfred: Alam kong mahal mo ‘ko. Don’t blame yourself kasi wala kang pagkukulang. I’m just doubting if I can ever make you as happy as I know Kiefer can.

Alyssa: ‘By, bakit pakiramdam ko parang you’re about to give me up?

I took a deep breath and tried to look Aly straight in the eye. Ilang araw ko ng pinag-iisipan ‘tong sitwasyon namin. Ayoko nitong gagawin ko, pero alam kong kelangan. Hindi ko na kasi kaya eh. Masama na kung masama, but I need to walk away now, because if I don’t, baka kung saan ako pulutin pag iniwan niya ‘ko para kay Kiefer.

Alfred: I’m sorry Aly, pero hindi ko na kaya. Let’s end things now kesa magkasakitan pa tayo lalo.

Alyssa: Hindi mo na ba ‘ko mahal? Akala ko ba walang bibitaw?

Nilayo ko ‘yong tingin ko kay Aly when she started crying. Hindi ko siya kayang panoorin na umiiyak. Masakit, pero hindi ako pwedeng magpadala. More than anything else, I need to stick to my decision for my own sanity.

Alfred: Mahal kita, kaya la –

Alyssa: Kaya lang ano? Hindi ka na sigurado sa ‘ting dalawa? (after a few seconds) Would it help if mag-convert ako to INC?

Alfred: Why would you convert?

Alyssa: Para mas mapanatag ka na sa ‘yo lang ako.

Alfred: Hindi mo kelangan gawin ‘yon. Kung magko-convert ka man, I want you to do so because you believe in what we believe in.

Alyssa: Eh anong gusto mong gawin ko?

Alfred: I want you to let me go.


******


Kiefer’s POV

Von: Thanks Babe! Magpahinga ka na, ako ng magliligpit dito mamaya.

Ella: Okay, wag kayo masyadong maingay na dalawa ha? Baka mabulahaw ang kapit-bahay.

Von: Yes Babe! Good night!

Ella: Good night Babe!

Grabe talaga ‘tong dalawang ‘to, sobrang sweet. Hindi ba nila alam na may ibang tao dito? Dapat ata nag-insist ako na dun na lang kami sa bahay namin manood ng Basketball World Cup.

Ella: Good night Kief!

Kiefer: Good nigh –

*phone ringing*

Ella: Excuse me lang.

I smiled and nodded at Ella before she moved away to answer her phone. I was about to turn my attention back to the TV when I saw the worry on her face. Sino kaya ‘yong tumawag? Sana wala namang problema. After niya makipag-usap sa phone, lumapit siya kay Von.

Ella: Babe, aalis muna ‘ko.

Von: Ha? Saan ka pupunta? Late na ah.

Ella: Pupunta lang ako kay Aly, may problema eh.

Von: Anong problema? May emergency ba siya?

Ella: Wala naman, but (tumingin saglit kay Kiefer) she and Alfred just broke up.

Bigla ‘kong napatingin kay Ella nung narinig ko ‘yong sinabi niya. I opened my mouth to say something pero hindi na kami hinintay ni Ella na mag-react, pumasok na siya sa kwarto nila ni Von. Nung medyo nag-sink in na sa ‘kin ‘yong nangyari, tumayo ako para ligpitin ‘yong gamit ko.

Von: O Kief, saan ka pupunta? Hindi pa nag-uumpisa ‘yong game ah.

Kiefer: Sasamahan ko si Ella pumunta kay Aly.

Von: Bakit ka pupunta kay Aly? Ikaw bang tinawagan niya?

Kiefer: Hindi nga, per –

Von: Paps, alam kong mahal mo siya and you want to be there for her, pero wag ka na muna makisali. Hindi naman siya pababayaan ni Ella eh.

Hindi ako nakasagot agad kay Von. Naiintindihan ko naman ‘yong sinasabi niya and I know Ella will take care of Aly. But I still want to see for myself that she’s okay. Yes I love her, but before anything else, I am her bestfriend at gusto kong panindigan ‘yon.

Makikipagtalo na sana ‘ko kay Von nung biglang lumabas si Ella sa kwarto nila. Nakatayo pa rin ako habang si Von naman nakatingin sa ‘kin.

Ella: Babe? Kief? Okay lang ba kayong dalawa?

Sabay kaming lumingon ni Von kay Ella.

Von: Ah, yeah. We’re okay. Aalis ka na?

Ella: Oo. Uhm Babe, hindi ko sure kung anong oras ako makakabalik ah. I’ll try to be back as soon as I can pero depende kasi kay Aly ‘yon.

Von: No worries. If you need to stay the night, okay lang. Mag-text ka lang para alam ko.

Ella: Sige. Bye Babe. (humalik kay Von tapos tumingin kay Kiefer) Alis muna ‘ko Kief.

Kiefer: Okay. Ingat sa pagda-drive.

Ngumiti si Ella sa ‘min tapos naglakad na siya papunta sa pinto to leave for Aly’s condo.

Kiefer: Uhm, Ella?

Kita mo ‘yong pagtataka sa mukha ni Ella nung tumingin siya sa ‘kin.

Kiefer: Ikaw ng bahala kay Aly. Sabihan mo na lang ako kung may matutulong ako.

Ella: I will Kief. Steady ka lang, don’t worry too much.

Pagkaalis ni Ella, Von and I settled down again to wait for the basketball game to start. Nag-umpisa at natapos ‘yong laban na hindi ko halos namalayan. Exciting ‘yong game, sigaw nga ng sigaw si Von, but I just couldn’t concentrate on it. Hindi kasi maalis kay Aly ‘yong isip ko. I really hope she’s okay.

*phone ringing*

Nagkatinginan kami ni Von nung nag-ring ‘yong phone niya. I lowered the volume on the TV just as he answered the call.

Von: Hello Babe? ... Ah okay, kamusta si Aly? ... Are you sure? Okay lang naman sa ‘kin if you stay there longer ... Sige, kayong bahala ... Ingat ka pauwi ... Bye Babe! ... I love you too!

Kiefer: Kamusta daw si Aly?

Von: Okay naman, kumalma na daw. Ella’s on her way home.

Kiefer: Ha? Bakit niya iniwan si Aly mag-isa? Wouldn’t it be better if she just stays there?

Von: ‘Yon din naman talagang balak niya, kaya lang si Aly na daw mismo nagsabing umuwi na siya.

Kiefer: Ah okay. (after a few seconds) Ay Paps, alis na rin ako. Malayo pa biyahe ko eh.

Von: Sige, ingat ka pauwi.

Wala pa naman talaga ’kong balak umuwi, nagpaalam lang ako kay Von para mapuntahan ko si Aly. She may have told Ella to go home pero sigurado ‘ko na hindi siya kasing okay ng gusto niyang palabasin.

*ding dong*

It took more than a few minutes bago ‘ko nakarinig ng kaluskos sa kabilang side ng pinto. Sa totoo lang nag-uumpisa na ‘kong kabahan na baka may nangyayari ng masama kay Aly sa loob. Muntik ko na ngang tawagan si Ella na bumalik dito eh.

Nung binuksan ni Aly ‘yong pinto, nakita kong namamaga ‘yong mata niya. Hindi na siya umiiyak pero halatang-halata mo ‘yong lungkot sa mukha niya. Magsasalita palang ako to ask if she needs someone to talk to when she suddenly hugged me and started crying.

Niyakap ko siya pabalik tapos hinagod ko ‘yong likod niya para kahit papaano hindi siya masyadong mahirapan huminga.

Kiefer: (bumulong) Sige Ly, iiyak mo lang ‘yan. I’m just here, akong bahala sa ‘yo.

Falling in Love Again (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now