Chapter 26

14.2K 182 17
                                    

Kiefer's POV

Alyssa: Hon, hindi 'to 'yong daan papunta sa park.

Kiefer: Hindi nga.

Alyssa: Ha? Diba magwo-walking tayo? Bakit hindi tayo sa park pupunta?

Kiefer: Hindi ka pa ba sawa dun? Sa iba naman tayo mag-walking.

Alyssa: Okay, pero saan? Masyado pang maaga para mag-mall.

Kiefer: Basta. I have the perfect place in mind.

Hindi tumigil ng pangungulit si Aly, she kept asking where we're going. I just continued driving while responding to her questions with either smiles or quick kisses pag naktigil 'yong kotse. Nung malapit na kami, dun niya lang na-realize kung saan kami papunta.

Alyssa: Wait, are we going to Ateneo?

Kiefer: We are. (after a few seconds) Ayaw mo ba?

Alyssa: Okay lang naman, pero bakit mo biglang naisip mag-Ateneo?

Kiefer: Diba 'yong huling tambay natin sa Ateneo nun pang bago 'ko umalis papuntang US four years ago? I just thought it's about time na makita nina Aki at Kia kung saan ko na-meet at minahal 'yong Mommy nila.

Alyssa: Hmmm...I think you mean kung saan mo na-meet at biniktima 'yong Mommy nila.

Kiefer: Nabiktima talaga Hon? Bakit parang sa lahat ng nabiktima, ikaw ata 'yong masaya't kinikilig?

Alyssa: Willing victim eh. Bakit ba?!

Kiefer and Alyssa: Hahaha...

Nagtatawanan pa kami ni Aly while I was parking the car at the Upper East Carpark. Afterwards, inalalayan ko si Aly pababa ng kotse tapos kinuha ko 'yong backpack ng snacks and drinks na hinanda ko bago umalis ng bahay.

Kiefer: Let's go? (tumango si Alyssa kay Kiefer) Where do you want to go first?

Alyssa: Okay lang ba kung sa Blue Eagle Gym muna tayo? Baka sakaling maabutan pa natin 'yong training nina Dani.

Kiefer: Kahit saan mo gustong pumunta o umikot Hon, your wish is my command.

Ngumiti si Aly sa 'kin at hinalikan ko siya sa noo bago ko kinuha 'yong kamay niya and intertwined our fingers. It took us more than 15 minutes to get to the Blue Eagle Gym. Kabuwanan na kasi ni Aly kaya medyo hirap na siya maglakad.

Pagdating namin sa loob, nakita naming patapos na 'yong training. Umupo muna kami ni Aly sa may bleachers at nung na-dismiss sina Dani, tumakbo siya agad papunta sa 'min.

Dani: Ate! Kuya! (bumeso kina Kiefer at Alyssa) Anong ginagawa niyo dito?

Alyssa: Dito kasi naisip ng Kuya mo na mag-walking kami. Sayang nga lang hindi namin naabutan 'yong training niyo.

Dani: Okay lang ba Ate na mag-walking ka? Hindi ba delikado kasi na-bed rest ka dati?

Alyssa: Hindi naman. Si Dra nga actually 'yong nag-suggest na maglakad-lakad ako para daw hindi ako masyadong mahirapan manganak.

Dani: Ahhh... (after a few seconds) Kelan ba labas nitong mga pamangkin ko?

Kiefer: Due date ng Ate mo sa 21, pero safe na siya manganak anytime.

Natawa 'ko ng konti nung yumuko si Dani palapit sa tiyan ni Aly. She's seen me talking to Aki and Kia kaya alam ko na 'yon din 'yong gagawin niya ngayon.

Dani: Babies, hindi pa ba kayo lalabas? Excited na si Tita makita kayo eh.

Kinuha ni Aly 'yong kamay ni Dani and placed it at the left side of her tummy. Siguro sumipa 'yong isa sa kambal.

Falling in Love Again (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now