Chapter 21

13.4K 169 39
                                    

Kiefer’s POV

*knock knock*

Alyssa: Kief? Kief please, gising ka. (after a few seconds) Kief?

Naalimpungatan ako sa boses ni Aly. I quickly checked my phone for the time and when I saw that it was 3 in the morning, I practically ran to open the door. Mukha naman siyang okay, nakangiti although parang nahihiya.

Alyssa: Good morning!

Kiefer: A-anong nangyari? May problema ba?

Alyssa: Wala naman. Magpapabili lang sana ‘ko ng pint ng mango ice cream sa baba, nagke-crave ako eh.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Aly.

Kiefer: Sige. Maghihilamos lang ako tapos bibilhan kita.

Alyssa: Thanks Kief.

Naghilamos ako and then went down to 7-11 to buy Aly’s ice cream. Ngumiti lang ako nung binati ako nung cashier. Wala ‘ko sa mood mag-small talk but I’m sure she’s used to it by now. Normal occurence na kasi ‘tong pagbaba ko ng madaling araw para bumili ng kung ano-ano.

Pag-akyat ko sa condo ni Aly, naabutan ko siyang natutulog sa sofa. Napailing na lang ako. I wasn’t gone for more than half an hour pero nakatulog pa rin siya. Nilagay ko ‘yong ice cream sa fridge and then binalikan ko si Aly and carried her to her bedroom. I tucked her in and kissed her on the forehead.

Kiefer: (bumulong) Ikaw talaga, magpapabili ka ng ice cream tapos tutulugan mo ‘ko. Pasalamat ka mahal kita.

I leaned towards Aly’s tummy.

Kiefer: (bumulong) B1, B2, magpahinga na kayo ah. Wag niyo ng guluhin si Mommy para dire-diretso na ‘yong tulog niya. Bukas niyo na kainin ‘yong ice cream niyo. Good night Babies! Daddy loves you very much.

Pinatay ko ‘yong lampshade ni Aly sa side table niya and went back to my room to sleep. Four hours later, gumising ako at nagluto ng breakfast para sa ‘ming dalawa. After cooking, I placed all the food on a tray and brought it to Aly’s room.

Umupo ako sa gilid ni Aly and took a few minutes to watch her sleep. Maganda na siya dati pa, but now that she’s about to be the mother of my children, she’s become even more beautiful in my eyes.

I insisted to take care of her while she’s on bed rest, pero alam ko na sa huli nito, ako ang talo. I fall in love with her everyday that we’re together but I know that’s not the case with her. Para sa kanya, ako na lang ‘yong bestfriend niya, walang labis, walang kulang.

I took a deep breath bago ko tinapik ‘yong balikat ni Aly.

Kiefer: Ly, gising ka na. Time for breakfast.

Alyssa: Yaaawwwnnn...

Kiefer: Good morning!

Alyssa: Good morning din. Sorry nakatulugan ko ‘yong paghihintay sa ‘yo kanina.

Kiefer: Okay lang. Upo ka na, let’s have breakfast.

Alyssa: (dahan-dahang umupo sa kama) Anong niluto mo?

Kiefer: Bacon tsaka sunnyside up.

Alyssa: Ay. Wala ng iba?

Kiefer: Ayaw mo nitong hinanda ko? Diba kahapon lang eto ‘yong request mo?

Alyssa: Ayoko na niyan eh, parang hindi tugma sa panlasa ko.

Kiefer: Anong gusto mong kainin? Hindi pwedeng hindi ka mag-breakfast.

Alyssa: Hmmm...parang gusto ko ng chicken nuggets. Buuin mo ‘yong name ko ha?

Kiefer: Eh Ly, ‘yong nugge –

Alyssa: Wait, Arroz Caldo na lang pala. Marunong ka ba magluto nun?

Kiefer: Not really, pero pwede ko naman i-google ‘yong instructions.

Alyssa: Wag na Kief, baka kung ano pang kalabasan nun.

Hindi na ‘ko sumagot kay Aly, routine na namin ‘to for the past two weeks. Magluluto ako ng breakfast tapos pag hindi niya nagustuhan, ilang beses muna siyang magpapalit ng isip kung anong gusto niyang kainin before she eventually settles on something.

Alyssa: Alam ko na! Pancakes! ‘Yon ‘yong gusto kong breakfast. Meron pa naman tayo diyan diba? Gawa ka.

Kiefer: Sigurado ka na sa Pancakes? Hindi na magbabago ‘yong isip mo?

Alyssa: Hindi na. Promise.

Kiefer: O sige, mag-fruits ka na lang muna habang niluluto ko ‘yong pancakes mo.

Iniwan ko ‘yong plato ng orange and apple slices sa side table tapos dinala ko ulit ‘yong tray ng pagkain sa kusina. I prepared the batter and then made enough pancakes for Aly. After almost an hour, bumalik ako sa kwarto niya para makakain na siya ng breakfast.

Alyssa: Yey! Thanks Kief!

Kiefer: Kumain ka na. Kelangan ubusin mo ‘tong niluto ko.

Alyssa: Hala. Bakit ang dami? Gusto mo yata ‘kong tumaba eh.

Kiefer: Dinamihan ko ‘yan kasi tatlo kayong kakain. Tsaka, ano ngayon kung tumaba ka? Maganda ka pa rin kahit ano pa maging waistline mo.

Alyssa: Hmph! Ang aga-aga binobola mo ‘ko. (after a few seconds) Akin na nga ‘yan para maumpisahan ng kainin. Hindi mo naman ako titigilan kung hindi ko ‘yan uubusin.

I grinned at Aly and gave her the plate of pancakes. Tahimik ko siyang pinanood kumain habang hawak ko ‘yong baso niya ng juice. Pagkatapos niyang ubusin ‘yong stack ng pancakes na niluto ko, inabot ko sa kanya ‘yong mga meds na dapat niyang inumin.

Kiefer: Gusto mo na ba mag-ice cream? Nasa fridge lang ‘yong pint na pinabili mo kaninang madaling araw.

Alyssa: Ayoko na ng ice cream, iyo na lang ‘yon.

Kiefer: Talaga? Mamaya niyan magpapabili ka na naman ng ice cream sa ‘kin.

Alyssa: Bakit, pag nagpabili ba ‘ko ulit hindi mo na ‘ko bibilhan?

Kiefer: Bibilhan siyempre. Matitiis ko ba kayong tatlo?

Alyssa: ‘Yon naman pala eh. Basta, ayoko ng makita ‘yong ice cream na ‘yon mamaya.

Kiefer: Consider it gone. (after a few seconds) Ano, may iba ka bang gustong kainin? Para mabili ko na.

Hinawakan ni Aly ‘yong tiyan niya tapos yumuko siya ng bahagya.

Alyssa: B1, B2, anong gusto niyong kainin? Dali, bibilhin ni Daddy para sa ‘tin.

Kiefer: Mga Anak, ‘yong mahahanap lang sa 7-11 ha, wala kasing kasama si Mommy dito sa bahay.

Alyssa: Cheetos daw gusto nila.

Kiefer: Cheetos it is. ‘Yong puffs o ‘yong regular lang?

Alyssa: ‘Yong Flaming Hot.

Kiefer: Flaming Hot?! Kelan ka pa natuto kumain ng maanghang?

Alyssa: Ehhhh...basta, ‘yon ‘yong bilhin mo.

Kiefer: Sige. Dadalhin ko lang ‘tong pinagkainan mo sa kusina tapos bababa na ‘ko ng 7-11.

Alyssa: Hindi ka pa ba gutom? Mag-breakfast ka muna bago ka bumaba.

Kiefer: Makakapaghintay ka pa ba?

Alyssa: Oo naman.

Kiefer: Okay, then kakain muna ‘ko tsaka magliligpit bago ko bilhin ‘yong Cheetos mo.

Alyssa: Ay Kief, tawagin mo ‘ko pagbalik mo ah, ayokong kainin dito sa kwarto ‘yong Cheetos, sa kitchen na lang.

Tumango ako kay Aly before going out of her room. Kumain ako ng mabilis, nagligpit, tapos bumaba sa 7-11 at bumili ng Flaming Hot Cheetos. When I got back to the condo, sumilip ako sa kwarto ni Aly para tawagin siya. I helped her sit down on her favorite chair and then I opened the bag of Cheetos for her.

Alyssa: Thanks Kief!

Kiefer: Aly? Alam ko hindi mo mapipili ‘yong paglilihian mo, pero sana alalay sa junkfood. Wala naman kayong nutrients na makukuha diyan eh.

Alyssa: Don’t worry, ngayon lang ‘to.

Kiefer: Nagpapaalala lang ako. Baka kasi masyado kang matuwa diyan sa Cheetos at ‘yan ng ‘yan ang ipabili mo sa ‘kin.

Napabuntong hininga ‘ko at napailing nung ngumiti si Aly sa ‘kin. Alam niya kasi na pag nginitian niya ‘ko, hindi ko na siya kayang pagalitan o tiisin. We both know she’s won this round kaya tumayo na lang ako at kumuha ng ice cream sa fridge. Nung umupo ako ulit sa mesa, napansin kong hindi na niya ginagalaw ‘yong Cheetos niya.

Kiefer: Is there something wrong with it? Pwede kong ibalik ‘yan sa baba.

Alyssa: Wala namang mali, pero alam mo ‘yon, parang may kulang sa lasa?

Kiefer: Sorry, hindi ko alam. Ano ba ‘yong kulang?

Nag-isip si Aly sandali tapos kumuha siya ng Cheetos and coated it with a spoonful of ice cream from my cup. Sinubo niya ‘yong Cheetos and smiled contentedly.

Alyssa: Ayan, sakto na ‘yong lasa. Akin na lang ‘tong ice cream mo ah. Kuha ka na lang ulit.

Kiefer: Ano ‘yan, Flaming Hot Cheetos na merong mango ice cream? Baka naman malito sina B1 at B2 sa lasa niyang kinakain mo.

Alyssa: Nasasarapan kaya sila. Gusto mong i-try?

Kiefer: H-hindi na. Mukhang kulang pa sa inyo ‘yan eh.

Alyssa: No, I insist. Sobrang sarap, you just have to taste it. Dali! Kahit isa lang.
 
Honestly, ayoko talaga tikman. Bukod kasi sa hindi ako mahilig sa mga pagkain na pinaghahalo ‘yong magkakaibang lasa, the Flaming Hot Cheetos with mango ice cream is just too weird for me. Tatanggi na sana ‘ko ulit nung binaba ni Aly ‘yong hawak niyang piraso ng Cheetos tapos nag-pout.

Alyssa: Ayaw mo? Sige ka, magtatampo sina B1 at B2 sa ‘yo.

Kiefer: Wag na kayong magtampo sa ‘kin. Sige na, titikman ko na.

Kumuha ‘ko ng Cheetos dun sa bag, nilagyan ko ng konting ice cream tapos sinubo ko. Naubo ako sa sobrang sama ng lasa pero pinilit ko pa rin ubusin. Aly looked so excited to have me taste it at hindi ko kayang sabihin sa kanya na hindi ko gusto ‘yong pinaglilihian niya.

Alyssa: Masarap ba?

Kiefer: O-oo, masarap. Medyo weird lang ‘yong combo nung maanghang at matamis.

Alyssa: Ang bad taste mo talaga! ‘Yon kaya ‘yong nagpasarap.

Muntik na ‘kong matawa sa sinabi niya. So ibig sabihin, bad taste ‘yong pagka-gusto ko sa kanya? Parang hindi naman. She may not be perfect, but I know she’s perfect for me. Napangiti ako habang pinapanood ko siyang kumakain. Nakakaaliw siya. Sarap na sarap siya sa kinakain niya samantalang ubod naman ng sama ‘yong lasa.

Alyssa: Kief, pwede ba tayong pumunta ng mall? Sige na, kahit sandali lang.

Kiefer: Alam mong hindi pwede, naka-bed rest ka remember?

Alyssa: Bored na bored na kasi ‘ko. Wala naman akong magawa dito sa bahay, lahat inaako mo. Malapit na kaya ‘kong mabaliw.

Kiefer: Ly, we’re only a little over two weeks into your bed rest, may month and a half pa tayo. Kelangan gawan mo ng paraan ‘yang pagiging bored mo.

Alyssa: Ikaw ba, hindi ka pa bored sa pag-aalaga sa ‘kin?

Kiefer: Paano ‘ko mabo-bore eh lagi mo ‘kong tinataranta? Minsan bigla ka na lang nawawala para bumili ng ice cream mag-isa. O kaya maaabutan kita na nagbubuhat ng kung ano-ano.

Alyssa: Hindi ko na kaya inulit ‘yon. (after a few seconds) Ano pa bang gusto mo? I’m already dependent on you for everything. Kulang na nga lang pati pagnguya ko ikaw na gumawa.

Hinawakan ko ‘yong kamay ni Aly na nakapatong sa mesa.

Kiefer: Wag kang mapikon sa ‘kin. Ang gusto ko lang mag-ingat ka. Ly, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may masamang mangyari sa inyo nina B1 at B2.


******


Alyssa’s POV

Denden: Wag ka na magtampo Besh. Try kita dalawin bukas pagkatapos ng shift ko.

Alyssa: Try? Ganun? Hmph! Ganyan ka naman eh.

Denden: Sorry na. Busy lang talaga. Promise, babawi ako sa ‘yo.

Medyo napa-zone out ako sa conversation namin ni Denden nung naamoy ko ‘yong niluluto ni Kiefer. Buti na lang gumaling na magluto ‘yong isang ‘yon, kung nagkataon, either mamamatay kami sa gutom o magsasawa kami sa take out food.

Alyssa: Besh, ba-bye na.

Denden: Bakit? Don’t tell me galit ka sa ‘kin?

Alyssa: Wag kang praning, pwede? Hindi ako galit sa ‘yo.

Denden: Eh bakit ka nagbaba-bye?

Alyssa: Nagutom ako bigla nung naamoy ko ‘yong niluluto ni Kiefer. Ang bango!

Denden: Ahhh...si Kiefer. Ano nga naman ang laban ko dun diba?

Alyssa: Pinagsasabi mo?! Sinapian ka ba ni Ella?

Denden: Wala akong sapi. Baka ikaw ang meron kaya in denial ka pa rin hanggang ngayon.

Kahit hindi ako nakikita ni Denden, I rolled my eyes at her. Baliw talaga ‘tong kaibigan kong ‘to. Simula kasi ng dumating si Kiefer ng Manila at nag-alok ng kasal, wala na silang ibang ginawa ni Ella kung di manggatong at manukso.

Alyssa: Alam mo, kung mang-aasar ka lang tungkol kay Kiefer, ibaba na nga natin ‘tong telepono. Kakain na lang ako ng merienda.

Denden: Oookay. Basta Besh, utang na loob, wag niyo ng gagawing triplets ‘yong anak niyo ha. Sundan niyo na lang sila pag kasal na kayo.

Alyssa: Ay naku. Ewan ko sa ‘yo. Ba-bye na talaga!

Denden: Hahaha...bye Besh!

After saying goodbye to Denden, lumabas na ‘ko ng kwarto ko para puntahan si Kiefer sa kusina.

Alyssa: Ang bango naman niyang niluluto mo.

Kiefer: Umupo ka na diyan, malapit na ‘tong matapos.

Alyssa: Okay.

Dahan-dahan akong umupo dun sa usual place ko, and a few minutes later, nilapag ni Kiefer sa harap ko ‘yong mga naprito niyang turon. He took a pitcher of strawberry milkshake from the fridge and poured some for us before sitting down beside me.

Habang pinagsa-slice ako ni Kiefer ng turon sa plato ko, hindi ko naiwasang maamoy siya. He smells different, parang hindi ‘yong usual cologne niya ‘yong gamit niya.

Kiefer: Anong inaamoy mo?

Alyssa: Ikaw. Anong pabango ‘yang gamit mo? Hindi naman ‘yan ‘yong usual cologne mo ah.

Kiefer: Ah oo, nagpalit ako ng pabango.

Alyssa: Bakit?

Kiefer: Eh sabi mo bumabaliktad ‘yong sikmura mo dun sa dati kong cologne.

Alyssa: Bakit kelangan magpalit? Pwede namang wag na gumamit diba? Besides, nasa bahay ka lang, magko-cologne ka pa?

Kiefer: Masama ba?

Alyssa: May date ka noh? Sinong pinapabanguhan mo? Pakilala mo naman sa ‘kin ng makilatis ko.

Kiefer: W-wala ‘kong date noh.

Alyssa: Kung wala ka talagang date, bakit ka nauutal diyan?

Kiefer: Hindi ako nauutal, imbento ka lang. Tsaka kung makikipag-date ako, sinong kasama mo dito sa bahay? Wala namang ibang magbabantay sa ‘yo kung di ako.

Alyssa: So may date ka nga?!

Kiefer: Wala nga sab –

*ding dong*

Kiefer: Baka sina Tito Ruel na ‘yan. Ako ng magbubukas sa kanila, dito ka na lang.

Tumayo si Kiefer and the moment he opened the door, alam ko ng magulang ko nga ‘yong dumating. Lakas ng boses ni Papa, hanggang dito sa kusina rinig ko.

Kiefer: (nagmano sa magulang ni Alyssa) Good afternoon po.

Ruel and Lita: Good afternoon.

Kiefer: Ay, (kinuha ‘yong mga dala ng magulang ni Alyssa) akin na po ‘yang mga pinamili niyo. Ako na pong magdadala sa kusina.

Lita: Salamat Hijo.

Ruel: Nasan si Princess?

Kiefer: Nasa kusina po, nagme-merienda.

Uminom ako ng tubig to wash down the taste of turon in my mouth. Alam ko kasi na mapapasabak ako ng kulitan kina Papa. Pagtayo ko, saktong papasok ng kusina sina Papa at Mama. Lumapit ako sa kanila para humalik at magmano.

Lita: Kamusta ka na Anak?

Alyssa: Okay naman po, eto sobrang bored na.

Kiefer: Ano pong merienda gusto niyo? Nagluto po ‘ko ng turon tsaka meron pa pong cake diyan sa fridge, dala nina Ella kahapon.

Lita: Naku Kief, wag mo na kaming intindihan ng Tito Ruel mo. Kami ng bahala kumuha. Si Aly na lang ang asikasuhin mo.

Umupo si Mama sa tapat ko at si Papa naman dun sa upuan ni Kiefer. Nag-uumpisa na kaming kumain nung napansin kong wala si Kiefer. Paglingon ko, nakita ko siyang nagliligpit nung mga groceries na dala nina Papa.

Alyssa: Kief, mamaya na ‘yan. Tapusin mo muna ‘tong kinakain mo.

Kiefer: Sige, mamaya. Itatabi ko lang ‘tong mga ulam.

Ruel: Ay Hijo, sabihin mo kung may kulang sa pinamili namin. Ihahabol na lang namin bago kami umuwi ng Batangas mamaya.

Kiefer: Sige po Tito. (after a few seconds) Uhm, salamat po pala sa pagdala nitong groceries. Ang hirap po chumempo ng punta sa supermarket kasi walang maiiwan kay Aly.

Ruel: Ano ka ba Kief, maliit na bagay ‘yan. Kung tutuusin kami ngang dapat magpasalamat sa ‘yo kasi inaalagaan mo si Princess.

Lita: Speaking of pag-aalaga, kamusta? Pinapasakit pa rin ba ni Aly ‘yong ulo mo?

Alyssa: Wow Ma, kung magsalita naman po kayo parang wala ‘ko dito.

Everyone except Alyssa: Hahaha...

Kiefer: Let’s just say Tita that it’s been interesting so far.

Ruel: Baka napapagod ka na sa pag-babantay kay Princess. Gusto mo bang maghanap na kami ng ibang makakasama niya?

Kiefer: Ako na lang po Tito. Mas makakampante din naman po ako kung ako mismo ‘yong mag-aalaga sa mag-iina ko.

Napangiti ako sa sinabi ni Kiefer. Kahit mahigpit pa ‘yan sa jail warden kung magbantay, naa-appreciate ko pa rin ‘yong pagpapasensya niya sa ‘kin. Hindi ko siya boyfriend so he doesn’t have to do all this, pero ginagawa niya.

Lita: Sige, basta kung magbabago ‘yong isip mo, kahit ano pa ‘yong dahilan, sabihin mo lang.

Kiefer: Okay po.

After eating merienda, nakipag-kwentuhan lang sandali sina Papa sa ‘min tapos umalis na rin sila. Dadalawin pa daw kasi nila si Kian bago sila bumyahe pa-Batangas.

Pagkaalis nila Papa, sinamahan ko si Kiefer habang nagliligpit siya sa kusina and then we transferred to the living room to watch TV. Umupo kami sa sofa na nakaakbay siya sa ‘kin at nakasandal naman ako sa kanya. Mga 30 minutes into what we were watching, I sat up straight and looked at him.

Alyssa: Kief?

Kiefer: Hmmm?

Alyssa: Thank you ah.

Tumingin si Kiefer sa ‘kin with a confused look on his face.

Kiefer: Para saan?

Alyssa: Kasi pinagtya-tyagaan mo ‘kong alagaan kahit nahihirapan ka. I mean, you could be anywhere right now pero nandito ka sa tabi ‘ko, wasting time watching TV.

Kiefer: Wala ‘yon. Gusto nga kitang pakasalan diba? Ayaw mo lang.

Alyssa: Awat na sa topic na ‘yan Kief. Okay na ‘tong set-up natin eh. We can raise B1 and B2 as co-parents, as bestfriends. It may not be conventional, but at least it’ll be a peaceful environment for everyone.

I leaned back against Kiefer and turned my attention again to the TV.

Alyssa: Tsaka ayaw mo ba nun, pag na-meet mo na ‘yong babaeng gusto mong makasama for the rest of your life, libre kang pakasalan siya.

Falling in Love Again (kiefly/alyfer fanfic)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora