Chapter 25

14.4K 186 38
                                    

Denden's POV

Bea and Dani: Ate Ella! Ate Denden!

Paglingon namin ni Ella, nagulat kami nung nakita namin sina Bea at Dani na tumatakbo papunta sa 'min. Nakasunod sa likod nila sina Thirdy at Jolo, dala 'yong mga regalo nila para kay Aly at sa kambal.

Ella and Denden: Bea! Dani!

Nagtatatalon kaming apat habang nagyayakapan at tumatawa. Daig pa namin 'yong hindi nagkita ng tatlong taon samantalang last week lang magkakasama kami, pinag-uusapan 'tong surprise baby shower ni Aly. Nung napirmi na kami ni Ella, bumeso sina Thirdy at Jolo sa 'min tapos binaba nila 'yong mga regalo nila dun sa table sa tabi namin.

Dani: Ang ganda ng set-up, para talagang 'yong pinag-usapan natin.

Ella and Denden: Thank you!

Bea: Ay Ate, may aayusin pa ba? Pwedeng magbuhat si Thirdy.

Dani: Tsaka si Jolo.

Denden: Grabe kayo maka-volunteer ah, parang kayo 'yong mapapagod.

Thirdy: Okay lang 'yon Ate, mas gugustuhin na namin na kami 'yong mapagod kesa sa kanila. Love namin sila eh.

Ella: Ahhh...akala ko sasabihin mo kasi under kayo sa mga girlfriend niyo.

Bea: Totoo rin 'yon Ate Ella.

Dani: Idol nila si Kuya eh.

Nakakatuwa talaga 'tong apat na 'to. On one hand, para lang silang magkakabarkada kung magkulitan, but you can still see the love that they have for each other. Ella and I are even in agreement that they are so much like Kief and Aly. Pare-parehas kasi 'yong kwento nila, nag-umpisa as friends tapos na-in love, lahat pa sila basketball player-volleyball player pairing.

Everyone except Thirdy and Jolo: Hahaha...

Jolo: May aayusin pa nga ba Ate?

Ella: Wala na, naka-set up na lahat. Hinihintay na lang natin 'yong ibang guests tsaka siyempre, sina Kiefer at Aly.

Denden: Upo na lang kayo sa table niyo and have some refreshments o kaya mag picture kayo dun sa photo wall.

Thirdy: Sige Ate, pero kung may kelangan pang gawin, tawagin niyo lang kami.

Ella and Denden: Sige.

Pagpasok nung apat sa venue, marami pang nagdatingan na mga bisita, 'yong mga dati naming teammates sa Ateneo, sina Kim at 'yong iba pa naming teammates ni Aly sa National Team, 'yong mga pinsan nina Kiefer at Aly, 'yong mga teammates ni Kiefer sa PBA, pati mga dating officemates ni Aly sa IBM.

Inaayos namin ni Ella 'yong mga regalo dun sa table nung lumapit si Nico sa 'min dala 'yong cake na pinick-up niya sa bakeshop.

Nico: Den, saan ilalagay 'tong cake?

Denden: Hanapin mo si Juami sa loob, may mesa kaming inayos malapit sa stage para diyan.

Nico: Okay.

Denden: Thanks Nics.

After Nico left, napansin kong nakangiti si Ella sa 'kin na parang nakakaloko. Hay naku...eto na naman po tayo sa panunukso sa 'min ni Nico. I swear, nakakapagod na 'to.

Denden: Anong problema mo?

Ella: Wala. (after a few seconds) Alam mo, bagay talaga kayo ni Nico. Ang cute niyo tignan, para kayong kape't gatas.

Denden: Bakit ba ayaw niyo kong tigilan ni Aly ng kakatukso kay Nico? Nilalagyan niyo ng malisya 'yong hindi naman dapat lagyan.

Ella: We just want you to be happy.

Falling in Love Again (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now