Chapter 3

8.1K 145 10
                                    

Dani's POV

*knock knock*

Dani: KUYA!!!

Pagbukas na pagbukas ni Kuya ng pinto ng kwarto niya, sinunggaban ko agad siya ng yakap. Kakatapos lang kasi ng volleyball training namin kaya wala ako sa bahay nung dumating siya galing ng airport.

Kiefer: Hahaha...miss na miss mo 'ko ah. Pasok ka muna.

Dani: Siyempre, lagpas two years kaya kitang hindi nakita. Sina Mommy at Daddy lang naman ang madalas bumisita sa 'yo sa Florida eh.

Kiefer: Paano, masyado kang busy. Kayo ni Thirdy.

Dani: Para namang hindi mo alam ang buhay ng student-athlete at ng PBA player Kuya.

Kiefer: Kamusta na nga pala sa Ateneo? Ganun pa rin ba?

Dani: System's the same, hindi na siguro magbabago 'yon. Pero 'yong campus, iba na 'yong hitsura. I'm pretty sure you won't recognize it. Ang daming old buildings na pinalitan na eh.

Hindi kumibo si Kuya, but I saw the momentary look of sadness in his eyes. Alam kong naisip niya 'yong college years niya at 'yong memories na nabuo niya nun. Ilang minuto ko din muna siyang pinanood habang nagliligpit siya ng mga gamit niya.

Dani: Kuya, nag-uusap pa rin ba kayo ni Ate Aly?

Kiefer: It's been a awhile. Ang huling usap pa ata namin 'yong birthday ni Von two years ago. Magkakasama 'yong barkada tapos tinawagan nila ako sa Skype.

Dani: Ahhh... (after a few seconds) Alam mo na ba na may bago na siyang boyfriend?

Kiefer: Oo. Nabanggit ni Von sa 'kin, magtu-two years na daw. Bakit mo natanong?

Dani: Okay lang sa 'yo?

Kiefer: Bakit hindi? Matagal na kaming wala ni Aly. It's about time na makahanap na siya ng mag-aalaga at magpapasaya sa kanya.

Dani: Sabagay. Mukha namang napapasaya ni Kuya Alfred si Ate Aly eh.

Napatingin si Kuya sa 'kin.

Kiefer: How do you know she's happy?

Dani: Kasi pag naglu-lunch kami ni Ate, mukha siyang masaya, maaliwalas 'yong mukha niya, tsaka ang ganda ng ngiti niya.

Kiefer: Pag naglu-lunch? Gaano ba kayo kadalas magkita?

Dani: We usually meet at least once a month. Minsan kasama namin si Diko, pero madalas kaming dalawa lang. (after a few seconds) Okay ka lang Kuya?

Kiefer: Okay naman, medyo nagulat lang.

Dani: Bakit? Anong nakakagulat sa sinabi ko?

Kiefer: You're my sister. Nakakagulat lang na nagkikita pa rin kayo ni Aly kahit wala na kami.

Dani: Nakalimutan mo na ba Kuya na magkaibigan palang kayo, I already treated Ate Aly like an older sister? And you guys breaking up won't change that.

Kiefer: Okay.

Dani: Baka mas magulat ka pag sinabi ko sa 'yo na madalas pa rin i-invite ni Mommy si Ate dito sa bahay.

Kiefer: Talaga? Part of the family pa rin pala siya.

Dani: Ikaw kasi Kuya pinakawalan mo si Ate Aly. Kung nagkataon baka Ravena na siya ngayon.

Kiefer: Si Aly 'yong nag-initiate ng break-up, hindi ako.

Dani: Bakit ka pumayag? Dapat pinaglaban mo siya.

Kiefer: Paano ko gagawin 'yon if I was half a world away? Kung umuwi naman ako nun, malamang nagalit si Aly sa 'kin.

Dani: Kahit na magalit siya, sana sinubukan mo pa rin. Malay mo kelangan ka lang pala niyang makita para magbago 'yong isip niya?

Falling in Love Again (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now