Chapter 5

9.8K 155 25
                                    

Alyssa's POV

Denden: Good morning!

Boses ni Denden ang una kong narinig pagkagising ko and when I opened my eyes, it took me a few seconds before I realized where I am. Kasal na nga pala nina Ella at Von ngayon at nag-overnight kami sa Edsa Shangrila para magkakasama na kami para sa preparations.

Alyssa: Good morning! Kanina ka pa gising?

Denden: Hindi naman.

Alyssa: Ang Bride ba gising na?

Denden: Ewan ko. Tara, bulabugin natin?

Alyssa: Tara!

Nag-unahan kami ni Denden tumakbo sa kwarto ni Ella at pagbukas namin ng pinto nakita namin si Ella na nage-emote sa tabi ng bintana.

Denden: Oy, bawal ka umiyak. Mamamaga 'yang mata mo. Sige ka, baka pumangit ka sa picture.

Ella: Kahit talaga kelan panira ka ng moment!

Alyssa and Denden: Hahaha...

Alyssa: I-reserve mo na lang 'yang tears mo Besh pag naglakad ka na sa aisle.

Denden: Oo nga, dun ka na mag-emote. Sabayan mo si Von, I'm sure aagaw ng eksena 'yon mamaya.

Ella: Ang sama niyo kay Von.

Denden: Uuuy...pinagtatanggol niya 'yong asawa niya, este mapapangasawa pala.

Alyssa and Denden: Hahaha...

*ding dong*

Ella: Baka 'yan na 'yong mga wedding suppliers ko.

Alyssa: Ako ng bahala sa kanila, maligo na kayong dalawa.

Iniwan ko sina Ella at Denden na naghahanda para maligo. Pagkabukas ko nung pinto ng hotel suite namin, andun si Carmi at ang kanyang Bading Brigade na maghe-hair and make-up sa 'min at sa iba pang members ng entourage.

Alyssa: Good morning. Pasok kayo.

Carmi: Hi Ms Aly, ready na ba ang Bride?

Alyssa: Naku, kakapasok lang sa banyo para maligo. Inuna pa kasi ang page-emote kanina eh.

Carmi: Normal lang naman 'yon Ms Aly. I'm sure pag ikaw na ang kinasal, mage-emote ka rin.

Alyssa: Hahaha...matagal pa bago 'yong page-emote ko na 'yon.

Carmi: Basta kami maghe-hair and make-up sa 'yo when the time comes ha?

Alyssa: Baka mamuti mata niyo sa paghihintay.

Carmi: Okay lang 'yon. Ay Ms Aly, saan pala kami pwede mag-set-up ng gamit namin?

Alyssa: Hmmm...okay ba sa inyo malapit sa may bintana?

Carmi: Yeah, that's fine.

Alyssa: Sig -

*ding dong*

Alyssa: Wait lang ha?

Iniwan ko muna sina Carmi sa may living area para tignan kung sino 'yong nag-doorbell. When I opened the door, nakangiti akong binati nung videographer at photographer. Pinapasok ko din sila at wala pang five minutes nag-ring ulit 'yong doorbell. This time 'yong delivery naman ng mga flowers at bouquet ang dumating kasabay ni Ate Joyce.

Alyssa: Hi Ate!

Joyce: Hi Aly! Andiyan na ba sina Carmi?

Alyssa: Kakadating lang. Nagse-set-up pa sila ng mga gamit nila, pero pwede ka ng pumila for hair and make-up. Naliligo pa naman si Ella tsaka si Denden eh.

Falling in Love Again (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now