( Taste Of Heaven ✔ )

242 4 0
                                    

Isabelle's POV...


Nakangiti akong bumangon at bumaba ng maliit naming hagdan, agad kong inasikaso ang mga pagkain, kinuha ko sa taguan ko ang isang daang papel na inabot kagabi ni X sakin, kipkip ang pera ay lumabas ako sa bahay upang bumili ng almusal kay Aling Azon, maaga pa kaya wala pang gaanong tao sa labas, talagang excited lang ako ngayon dahil may rason na ako, noodles at tuyo ang binili ko, nakangiti akong bumalik sa bahay at nagluto matapos kong ayusin ang pagkain at makakain ng almusal, lumabas na ako sa bahay, agad kong pinuntahan ang silong ni Itel, tulog pa ang kaibigan ko sa loob ng silong nito, gawa sa pinag tagpi-tagping tolda, sako at lumang kumot ang silong si Itel malapit ito sa gitnang bahagi ng tulay, ngunit ang silong naman ni Osang ay nasa pinaka dulong bahagi kung saan wala ng masyadong tao, mas gusto kasi nito ng tahimik kaya doon ito nagtayo ng silong na gawa naman sa tarpaulin at sirang pintuan na galing pa sa isang construction site, medyo mas maayos ang silong ni Osang kumpara sa silong ni Itel matyaga kasing maghanap si Osang ng mga kailangan sa kanyang silong. Tinanggal ko ang pagkakakawit ng pintuan ni Itel sa pako saka ako pumasok sa loob, ng makuta siyang nakahiga pa ay dinaganan ko agad ito, gumalaw ang babae saka ngtalukbong ng kurtina na ginawang kumot

" Itelllllll! Gising na!! May sunoggggggggggg! " Mahinang sigaw ko malapit sa tenga niya, napabalikwas agad ito ng bangon saka tarantang naglilinga habang nanlalaki ang mga mata, humagalpak ako ng tawa sa naging reaksyon nito, nang mapadako ang paningin niya sakin ay agad ako nitong hinampas sa braso, napangiwi ako sa sakit.


" Ikaw talaga Isay! Ninerbyos ako bwiset ka talaga! " Pagmamaktol niya, napatawa ako at humiga sa higaan niya,


" Gumising kana kasi " Ungot ko sa kanya, napairap siya at muling humiga, niyakap ko naman ang maliit na katawan ni Itel

" Itel? Paano ba ang magkaroon ng nobyo? " Tanong ko, hindi ko kasi alam kung paano aalagaan si X, ayaw ko namang dumating sa puntong iwan niya ako kasi hindi ko siya napangalagaan.


" Alam mo kapag nagkaroon kana ng nobyo, kusang aalagaan ng sarili mo ang taong iyon, hindi mo na kailangang magtanong, kita mo yang berto'ng yan! Inalagaan ko siya at minahal pero pinagtaksilan niya ako! Nakakainis siya! " Maktol niya, ou nga pala nobyo ni Itel si Berto na kaibigan ni X, ang balita ay babaero daw ito, gwapo din naman ito at biloy pa sa gilid ng labi, mapusyaw ang pagiging maitim na senyales na umitim lamang ito dahil sa araw.


" Kusa ko na siyang aalagaan? " Tanong ko habang nakangiti na tila nananaginip, muli ako hinampas ni Itel nakatingin na pala ito saakin


" Umamin ka nga Isay may nobyo ka naba? " Deretsong tanong nito, umiling ako, hindi dahil sa kinakahiya ko si X, malaking gulo kasi iyon sa pagitan namin ni Minerva kung sakali, kaya't kahit gusto ko pang ipagsigawan sa buong mundo ay hindi maaari.

Naisipan naming magpunta at tumambay sa may simbahan, matapos naming makaubos ng Sampaguita, kasama na namin ngayon si Osang ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin ito kinikibo, bukod sa kasalanan ko sa kanya na pagtatampo ng walang sapat na dahilan ay nahihiya rin ako sa kaibigan ko kaya't minabuti ko nalamang na huwag magsalita, padilim na rin kaya naisipan kongmauna na sa kanila dahil paniguradong pinagkakaisahan nanaman ang Tiyo Miguel ko, tumayo ako sa pagkakaupo

" Mauna na ako sa inyo, baka hindi pa kumakain si Tiyong " Paalam ko, tumango lamang sila habang naka titig sakin si Osang, yumuko nalang ako saka tuluyang tumalikod,


" Pauwe kana? " Biglang may nagsalita sa gilid, otomatikong napangiti ako ng makita ko ang nagmamay-ari ng malamig at malalim na boses na iyon, nakasuot ito ng pulang T-shirt at cargo shorts na itim.


" Ou " Sagot ko, ngumiti siya sakin, gusto kong maglulupasay sa kilig, lumapit siya sakin saka ako niyakap

" Tara mag date tayo " Yaya niya napangiti ako at tumango, sabay kaming naglakad, gusto ko sanang lumapit pa sa kanya at kumapit sa braso niya ngunit nahihiya ako,

" Kamusta ang Tiyong mo? Nabalitaan kong my sakit raw siya kaya hindi ko na siya nakikitang dumadaan? " Tanong niya, namilog ang nga mata ko, alam niya iyon? Kilala niya si Tiyong Miguel? Hindi naman lingid sa kaalaman ko na hindi kami pansinin sa lugar namin, bihira lang ang nakakakilala sa kanila, iyong mgamalalapit lang talaga, medyo may kalayuan kasi ang tirahan nila Marvin kaya nagulat talaga ako na kilala niya si Tiyong.


" Sa awa ng Diyos ay maayos naman ang Tiyong, nakakalungkot lang dahil mismong pamilya niyaang siyang hindi matanggap ang nangyari parang sinisisi pa siya dahil nagkasakit siya, si Tiyong Miguel nalang ang natitira kong kamag-anak at ayaw kong may masamang mangyari sa kanya lalo't kailangan niya ngayon ng masasandalan " Malungkot na sabi ko, bigla'y tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin, yumuko ulit siya habang naka tukod ang kamay sa tuhod at malapit ang mukha sa mukha ko, ngumiti siya sakin saka kinintalan ako ng mabilis na halik

" Huwag kang mag-alala, nandito ako hindi kita pababayaan, kasama mo ako Mahal hindi ka nag-iisa " Mahina niyang sabi, nawala ang bigat sa dibdib ko dahil sa mgasinabi niya, parang nakahinga ako ng maluwag, napawi ang lungkot sa mukha ko at napalitan ng ngiti, humarap muli siya sa daan ngunit maagap niyang hinuli ang kamay ko at pinag salikop ang kamay namin, nagulat ako sa ginawa niya ngunit hindi nagpatinag tuluyan kong sinabayan ang marahang bawat hakbang niya na para akong inaalalayan, bigla ay binitawan niya ang kamay ko kaya't nanlumo ako ng saglit at muling sumaya ng iakbay niya sakin ang braso niya at hinapit pa ako lalo, kung kanina maglukupasay ang gusto ko ngayon ay gusto kong magtatalon habang tumitili.



***

Sa Jolidee namin naisipang kumain, si X na ang umorder ng pagkain namin, pagbalik niya sa lamesa ay may bitbit na siyang isang try at isang paper bag, nilapag niya muna ang paper bag sa lamesa saka niya nilapag ang tray na may lamang dalawang plato na may lamang Spaghetti, Fried Chicken, dalawang Lumpia Roll, Butchi, nilapag din niya ang dalawang glass na halo-halo at Coke, nagningning ang mga mata ko dahil bihira lang talaga ako makatikim na ganito, napatingin ako kay X na titig na titig pala sakin, ngumiti siya agad ng makita akong nakatingin sa kanya



" Ubusin mo yan ha? " Nakangiti niyang sabi, sunod-sunod akong napatango, dinala niya ang kamay niya sa ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko. Nagsimula kaming kumain.


" Paano ka napunta dito sa Quiapo? " Tanong ko habang kumakain


" Akala ko noon wala ng kamag-anak si Mama, pero bago siya mamatay pinaalam niya sakin na may anak ang kapatid niya kaya lumuwas ako dito " Sagot niya, tumango ako. Nang matapos kaming kumain ay niyaya niya akong maglakad-lakad sa park, nakangiti akong pumayag, akbay akbay niya ako habangnaglilibot kami, simpleng date pero hinding-hindi ko makakalimutan, sobrang saya ko, napatingin ako sa kanya, nanlabo bigla ang paningin ko, napatigil siya at pinunasan ang luha ko

" Mahal? " Nakakunot noo niyang tanong, mababakas sa boses at mukha niya ang matinding pag-alala, umiling ako habang nakangiti.


" Masaya lang ako sobrang saya, kasi ikaw ang unang naging nobyo ko, hindi ako makapaniwala dahil dati tinitignan lang kita sa malayo " Sagot ko, ngumiti siya


" Mahal kita, mahal na mahal kita Isabelle Roxas " Makapagdamdaming sabi niya.



∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Nov,16,2020 - 3:33 PM


-LND

( Revise )


The Jerk's Revenge (Dark Night Society Series: Xerxes Batallier) ✅Where stories live. Discover now