( Mag-asawa ✔ )

295 15 1
                                    

Isabelle's POV...

Matapos kong makalma kinuha niya ang mga gamit kong nalaglag sa sahig ng semento saka sinuksok iyon sa loob ng bag na dala niya, inakay niya ako palayo sa lugar na iyon, Nagpahatid kami sa tricycle sa malapit na terminal ng bus byaheng Laguna, pa Biñan laguna ang byahe namin may maliit daw kasi silang bahay doon na naiwan ng ina niya, doon daw kami magsisimula ng panibagong buhay, magkatabi kami sa upuan ng bus, akbay-akbay niya ako na pinasuot sakin ang jacket niya, naka shorts lang kasi ako at tshirt, Pagdating namin ng Biñan, mapuno ang lugar kaya malilim, presko din ang hangin, maliit lang ang bahay tama lang Para sa isang pamilya, nilapag niya ang mga gamit namin sa isang lumang lamesa na puro alikabok, nanghiram si X ng balde, walis tingting, walis Tambo at dustpan sa katabing bahay, kilala raw niya ang mga yun si Aling Mameng at Mang Ador mag-asawa ang mga iyon, hindi man tabi-tabi ang mga bahay pero magkakalapit lang ang mga yon, winalisan niya ang sahig pati ang bawat sulok at nagtanggal ng mga sapot, gusto ko man siyang tulungan pero pinalabas niya lang ako at binigyan ng upuan sa ilalim ng puno ng mangga, ako daw ang reyna niya kaya pagsisilbihan daw niya ako, nang matapos niyang walisan ang buong bahay ay nagbuhos siya ng tubig mula sa balde na may sabon na binili niya sa tindahan, ang tubig ay inigib niya sa may malapit na balon, dalawang bahay mula dito, nang matapos niyang linisin ang bahay at habang pinapatuyo ang sahig, niyaya niya akong magpunta ng palengke para mamili ng gamit, una kaming pumunta sa bilihan ng mga damit.

" Napansin ko kasing ilang piraso lang ang mga damit mo kaya bibili muna tayo dito bago tayo mamili ng mga gamit " Sabi niya at inalalayan akong magpunta sa isang pwesto ng damitan, hinayaan niya akong pumili ng mga shorts at damit pati na din duster, 4 na shorts at 3 damit saka 4 na duster ang kinuha ko na siya ang pumili.

" Underwear mga suki baka gusto nyo? Mga branded yan mall pull out maganda ang mga tela at hindi agad nasisira ang garter pili na suki mura lang yan! 35 lng sa panty at 65 sa bra bili na may boxer din kami dalawa singkwenta " Alok ng nagtitinda namula ang pisngi ko

" Pili na misis " Nakangiting sabi ni x, kumuha ako ng 5 panty

" Anung size ba ng bra misis? " Tanong ng nagtitinda halos magkulay kamatis sa pula ang buong mukha ko, napatingin ako kay X na seryoso lang na nakatingin inaantay ata ang sagot ko

" 3-----36 B po " Sagot ko tumingin ako kay x at ang hinayupak ngingisi ngisi, kinurot ko nga! Nang binabalot ng tindera ang pinamili namin ay nakarinig ako ng bulungan

" Baka buntis at hindi hiyang ang babae " Bulong ng isang tindera sa malapit, napahigpit ang kapit ko kay X! Porke gwapo lang yung kasama ko at maitim ako kailangan husgahan agad-agad?

" Opo lalake kasi ang anak namin " Sagot ni X sa mga iyon saka ngumiti, kinurot ko siya sa tagiliran at pinandilatan ng mata.

" Anung buntis? Walang laman to noh! Anu pangit ako ganun? " Tanong ko na pinandidilatan siya ng mata.

" Wala pa nga pero mamaya magkakaron! At lalake yun sigurado! Hahah anung pangit sinong may sabi? Anung akala mo sakin walang taste? " Sagot niya namula ang pisngi ko. Matapos naming mamili ng mga damit ay nagpunta kami sa tindahan ng mga plastik, bumili siya ng timba planggana balde, tabo at lagayan ng mga plato, pumili naman ako ng mga pinggan, baso kutsara tinidor na tig aanim na piraso, sandok kawali at kaldero saka kalan na maliit iyong super kalan, kumuha din siya ng lagayan ng tubig, ng matapos ay sa bilihan namin kami ng mga orocan nagpunta, kumuha siya ng isang orcan iyong drawer, ilang kumot bedsheet punda unan at huli ang kutson, ng maayos ay iniwan muna namin saglit ang mga binili namin saka dumaretcho sa grocery store na malapit, bumili siya ng mga de lata, mga gulay mga sangkap, bigas at kung anu anung kailangan sa pang araw araw tulad ng kape asukal at iba pa, ng makapag bayad ay nasilip ko ang laman ng pitaka niya isang libo nalang yun at tig bebente

The Jerk's Revenge (Dark Night Society Series: Xerxes Batallier) ✅Where stories live. Discover now