( May Bukas ✔ )

426 17 2
                                    

Isabelle's POV...


Matamlay ako habang nakatambay kami nila itel sa simbahan, hindi ko kinikibo si Osang, sunod sunod din ang pag hinga ko ng malalim, mula sa gilid ng mga mata ko ay nakikita kong kanina pa ako sinusulyapan ni Osang maging si Itel ay paminsan-minsan rin ako kung sulyapan, alam ko naman na napapansin nila ang pagiging mailap ko ngayon ngunit hindi ko talaga mapigilang magtampo kahit pa nga ba kung tutuusin ay wala naman akong karapatan isa pa ay kaibigan ko si Osang. Nang umalis saglit si Osang ay kinalabit ako ni Itel.

" Psst galit kaba kay Osang Isay? " Tanong ni Itel habang kinukulbit ang balikat ko, umiling ako

" Pagod lang ako Itel " Pagrarason ko.

" Eh bakit parang galit ka ata? Sabagay kung tutuusin nga dapat ka ngang magtampo, tayo dahil mas maganda siya satin! " Sagot niya natawa naman ako habang tipid na nakangiti at umiiling.


" Ou kasi parehas tayong maitim! " Nagkatinginan kami ay sabay ding nagkatawanan.




" Kaya mas lab kita kesa kay Osang eh tayo kasi ang magkakulay " Pahabol pa nito, napailing ako



" Nakita mo naba si Utoy? Iyong naligaw sa silong ni Osang, inampon nalang ni Osang ang batang iyon? Alam mo sa tingin ko mayaman talaga ang batang iyon naligaw lang, napaka gwapo, ang puti at kinis ng balat yayamanin" Sabi niya, ou si Utoy iyong batang naligaw at inampon ng kaibigan kong si Osang, maliit lang itong bata pero pag mag-isip ay daig pa kami, matalino din ito at marunong magingles,


" Ayan ka nanaman kahit bata pinagnanasaan mo " Natatawang sabi ko.

" Pano kaya magkakatuluyan si X at si Osang eh lagi ng nakabantay si Utoy kay Osang naku naku lablyf na nawala pa " Sabi pa niya, sukat doon ay mas lalo akong nawalan ng gana kaya di nalang ako nagsalita at nanahimik nalang, sakto namang ang pagbalik ni Osang kasama si Utoy,



" Anjan na si X! " Sigaw ng mga tambay, napatingin ako sa grupo ng mga lalaking papunta sa nakasanayang pwesto nila, napaiwas ako ng tingin ng makitang nakatingin din sakin si X.




" Ayan nanaman si X! Pasulyap sulyap nanaman sayo Osang hindi nalang kasi manligaw agad-agad " Sabi ni Itel habang nakatingin kay X na dito nga nakatingin sa pwesto namin, napabuntong hininga ako uuwe nalang muna siguro ako

" Tsk " Napatingin kami kay Otoy ng pumalatak ito habang nakatingin kay X, napailing si Itel

" Ayan ang ibig kong sabihin paano magkakalablyf itong kaibigan nating si Osang kung may bantay " Dagdag ni Itel, tumayo na ako mula sa pagupo ko sa batong upuan




" Osang, Itel, Utoy? Uwe nako ha baka kasi dumating na si Tiyong Miguel " Sabi ko tumango lang sila kaya umalis na ako para umuwe, habang naglalakad ako ng nakatungo papunta sa eskinita napahinto ako sa kmang pagliko ng may tumikhim, napa-angat ang mukha ko ay siyang pagtama ng mga mata namin ni Marvin, napakunot ang noo ko, akma palang akong nagtatanong rito ng magsalita ito.





" Teka Isay, gusto ka raw kausapin ni X! Parating na iyon antayin mo lang sandali " Sabi niya, umiling ako, pagkuway iniwasan ko siya baka tumigil na din siya sa pagsunod sakin, dahil parang ang sistey Gagawin akong tulay nila X at ang kaibigan kong si Osang bahala sila basta wag nila akong guguluhin!



" Hinahanap na kasi ako sa bahay " Pagdadahilan ko, para anu pa kasi! Sa ginagawa niya pinapaasa niya lang ako, biglang naghuramentado ang tibok ng puso ko ng maramdaman ko ang paghinto ng kung sino sa likuran ko, umatras si Marvin at pagtikhim nalang ng lalakeng nasa likod ko ang sumunod na narinig ko, napapikit ako, ngayong iniiwasan ko siya, siya naman ngayon ang lumalapit.



The Jerk's Revenge (Dark Night Society Series: Xerxes Batallier) ✅Where stories live. Discover now