( Worst )

227 11 0
                                    


Isabelle's POV.....

Pagbalik ko sa ospital ay pinauwe ko na si aling martha, buong magdamag akong gising at binabantayan at pinapanood ang anak ko, Unti-unting tumulong muli ang luha sa mga mata ko, sa tuwing magigising siya ay agad ko siyang papangkuhin para maayos na mapasuso, hanggang ngayon kasi ay breastfeed parin si baby Lexi, kung sa pisikal na pangangatawan ay masasabi mo talagang walang sakit ang bata, matakaw padin kasi ito at bibo yun nga lang ay madaling hingalin, habang kalong ko ang saggol na nagmula sakin ay hinaplos ko ang pisngi niya, buong puso akong ngumiti, inalala ko ang unang araw na masilayan ko siya, kakaibang tuwa ang naramdaman ko noong unang beses ko siyang buhatin sa mga bisig ko, kung paano niya napunuan ang mga kulang sa buhay ko ng marinig ko ang unang iyak niya, ang pakiramdam ko noon unang beses niyang dumede saakin, ang unang utal na pagbigkas niya sa nanay, hindi ko na napansin na napahagulgol na pala ako, pingsawa ko ang mga mata ko sa pagtitig kay baby Lexi, panag-hahalikan ko din ang halos buong katawan niya, mula sa maliit niyang hinlalaki sa paa, sa sakong, sa binti, sa tuhod, sa hita, sa tiyan, sa sikmura, sa dibdib, sa leeg, sa balikat, sa pisnge, sa tenga, sa mata niyang kulay chocolate tulad ng sa ama niya, sa ilong, sa noo, sa buhok at pati ang diaper na suot niya ay hindi ko pinalampas, pakiramdam ko ay mamamatay na ako kapag hindi ko iyon ginawa, hindi ako halos natulog magdamag, umaga na na ngunit dilat na dilat parin ako, pinagsawa ko lang ang mata ko sa pagtitig sa anak namin ni X na mahimbing ang tulog, ng akma kong papangkuhin si baby Lexi bumukad sa pinto ng kwarto ni baby Lexi si Marife, ang babaeng kasama at kaulayaw ng asawa kong si X, noong maabutan ko sila sa eskinita, lumapit ito agad saakin,

" Nabalitaan ko ang nangyare kay X at sa anak mo, napakaswerte mo kay X, matagal ko na siyang mahal alam mo ba iyon? Kaya kahit magbayad ako sa kanya noon okay lang atleast nakakasama ko siya kahit sandali lang, alam ko naman na hindi niya ako papatulan kasi p*kp*k ako, madami ng naikamang lalake, bayaran at malandi pero minahal ko siya, siya lang ang bukod tanging niluhuran ko at hinalikan ko sa labi pero imposible kasi alam ko naman kung paano ka niya tignan, hindi kita masyadong kilala isabelle, ang akam ko lang ikaw iyong negra kung tawagin hindi ka nga halos pansinin, hindi ko nga akalain na magugustuhan ka ni X, pero napakaswerte mo kasi ikaw ang mahal ni X, sinasabi ko ngayon sayo ito hindi para iwanan mo si X, sinasabi ko sayo ito para malaman mo kung gaano ka kaswerte, nagpunta siya saakin, lumuhod siya sa harap ko para humiram ng pera, may nangyare saamin alam ko naman na labag sa kalooban niya iyon pero ginawa parin niya, hindi ko binigay ang perang pinag-usapan namin, ang sabi ko sa kanya, iwanan ka niya at sumama saakin, hindi na niya iisipin ang bata pero tumanggi siya dahil ayaw ka daw niyang saktan, umalis siya ng hindi kinukuha ang pera. " Mahabang sabi nito, hindi ko alam kung anu ang mararamdaman ko, inabot niya sakin ang isang puting sobre,

" Sampung libo iyan, sana makatulong kahit papaano, iyon lang ang gusto kong sabihin sayo, pagkatapos nito hindi na ako magpapakita pa sainyo, papaalis na ako papuntang Japan, sana mahalin mo si X, dahil mahal na mahal ko ang lalakeng iyon " Huling sabi niya saka umalis, napahagulgol ako, ang sakit sakit hindi dahil sa pagtataksil niya,naiintindihan ko si X sa bagay na iyon ang pinaka masakit lang ay ang katotohanang alam kong iiwan ko na ang mag-ama ko, hindi ko alam kung paano na ang buhay ko pagkatapos nito.




________________


Pagkatapos kong magbayad sa ospital para sa operasyon ni baby Lexi, ay agad akong dumeretcho sa presinto kung saan nakakulong si X, ng makita ako nito ay agad siyang, bumungad sa rehas,

" Ga, kamusta si baby Lexi? Pasensya kana, Ga. Imbes na makatulong ako sayo naririto ako sa kulungan, pero pangako malapit na akong lumabas " sunod-sunod na sabi ni X, habang pilit hinahawakan ang kamay ko, nakapagbayad na ako ng pang pyansa ngunit sinabi ko sa warden na kapag nakaalis na ako saka niya ilalabas si X,

The Jerk's Revenge (Dark Night Society Series: Xerxes Batallier) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon