CZACH 8

3 1 0
                                    

CZACH
a son of a royalty

written by Czchanstrumn


IKAWALONG KABANATA




"KUYA SKY! AGA mo atang nakauwi ngayon?"





Binati ko kaagad si kuya Sky pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. Kauuwi ko lang galing trabaho, himala nga at sobrang agang umuwi ngayon ni kuya, lagi kasi syang ginagabi talaga sa trabaho tapos hindi na namin siya maabutan sa umaga dahil sobrang aga niya'ng pumasok. Lakas lang kumayod ni kuya Sky, lodi ko to eh.





"Uy, Czach," Tapik niya sa balikat ko saka tumingin sa likuran ko, "May kasama ka pala, papasukin mo muna,"





Lumingon ako sa likuran, ay oo nga pala. Hinatid na naman pala ako ng 'the great Sveniana'. Actually, hatid sundo niya na ako nitong mga nakaraang araw. Nasanay na ako, menus gastos pa kaya sinunggaban ko na. Hindi ko naman ata siya ginagamit diba? Siya nagkukusa niyan eh.





Nilingon ko siya saka sinitsitan, "Psst, huy. Come inside,"





Lumingon siya sa akin at nag-bow saka parang robot na pumasok sa loob. Napangiti ako ng pilit kay kuya Sky dahil sa 'slight' na kahihiyan dito sa kasama ko. Baka impression ni kuya, nagdala pa ako ng weirdo dito sa bahay. Pero hindi inaasahang reaksyon ang nakatanggap ko mula kay kuya.




Sa ikinagulat ko, nag-bow si kuya kay Sveniana, "P-Princess, it's my pleasure to serve you inside our humble home,"





I was literally jaw-dropped by that. P-Princess? Nagpalipat-lipat ang paningin ko sa kanilang dalawa, nagtataka kung anong kalokohan ang inaarte nila sa harapan ko. Sveniana's weirdness is really contagious, pati si kuya nahawaan na!





"Come low, Skythor. You're not in the Kingdom," Walang galang niya'ng sagot.





S-Skythor? Napakawalang-galang niya naman! Pano niya nalaman ang true name ni kuya? Stalker talaga siya! Pasimple ko siya'ng dinunggol sa braso at pinandilatan sa mata. Gusto ko kahit papaano umakto naman siya'ng magalang, naku. Pero parang hindi niya yun nakuha at inignora lang ako, tibay talaga!





"Let me offer you a seat, your higness," Parang tangang usal ni kuya, "Pardon for the unpleasant scenery inside—"




"No trouble, Skythor,"





Aba't pinutol pa ang sasabihin ni kuya!? Sagaran na talaga siya sa kawalan ng modo ah! Hindi niya na kami hinintay at naglakad na doon sa sofa at komportable pang naupo. Lumapit si kuya sa akin saka ako siniko.




"Hindi mo sinasabi, nandito pala ang Princess Louisse of Belgium," Parang nahihiyang bulong na sabi ni kuya sa akin, "Kailan pa siya rito?"






"Hindi ko alam kuya, pasulpot-sulpot na siya sa buhay ko eh," kumamot ako sa ulo saka tumingin uli sa kanya, "Teka kuya, pano mo siya nakilala? Saka, bakit tinawag mo siya'ng 'your higness'?"





Umiling si kuya, "Kinukuha ka na ba niya?" Balik-tanong niya sa akin kaya kumunot ang noo ko, "Alam na ba nila nanay ang tungkol dito?"






"Ha? Kuya, di ko naiintindihan. Anong kinukuha? May dapat bang kunin?"






"Oo, ikaw," deretsa niyang tugon, kinabahan tuloy ako.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CZACH-a son of a royaltyWhere stories live. Discover now