CZACH 2

1 0 0
                                    

CZACH
a son of a royalty

written by Czchanstrumn


IKALAWANG KABANATA


"LATE NA ATA AKO, ampucha!"


Bandang alas siyete y media na nang matapos ako sa makasaysayan kong paglamon sa lugawan diyan sa malapit. Sadyang gutom na gutom na talaga ako at hindi ko na mainda pa ang sakit ng tiyan ko na parang sirang alarm clock na tunog ng tunog ng 'kruk-kruk' maya't maya.



7:40 pa ang first class namin dahil puro pasipsip time pa muna ang magaganap bago magsimula ang klase. Ansarap nga ibitin ng patiwarik ang mga kaklase kong naglilinis-linisan sa classroom kahit hindi naman sila ang cleaners. Mapansin lang na masipag ng teachers.



Anyway, hindi na ako nag-abala pang pumila doon sa hanay ng mga late comers. May mga parusa kasi sa late like papupulutin ng mga kalat o buhay. At dahil hindi ako ganun kabuting estudyante, pogi lang, pwede naman akong tumakas. Pwede namang lumusot, bakit magpipinitensya pa?



Patakbo akong naglalakad papunta sa building namin at saka tinanaw mula sa baba ang floor namin. Nasa taas kasi ang room ng mga senior high kaya halos magka- rheuma ka muna bago mo maabot yung floor namin gamit ang hagdan.



Nakita ko namang umuusok pa ng alikabok sa floor namin—na alam kong winawalisan pa—ay nagbumagal pa muna akong naglakad pataas gamit ang hagdan. Siyempre no choice ako, hagdan lang ang meron dito. Asa naman akong magkaka-escalator dito sa school. Saka ako tumanaw-tanaw sa bawat classrooms ng junior high na parang artista.



"Uy, siz. Si koya Czach oh. Hihi," Narinig kong bulong ng isa sa mga babeng estudyante sa katabi niya."Lakas ng dating, hanep,"



"Ay, bet. Saan niya ba nabili yang mukha niya? Bakit sobrang pogi? Buti nalang hindi ako nag-panty siz," Yuck, kadiri naman tong isang to.




"Eh ano naman?" Nagtatakang tanong ng kausap nito.




"Paniguradong malalaglag eh," Malanding bulong naman nito pabalik sa kausap nito saka sila humagikgik ng tawa.


Napatawa naman ako sa isip ko dahil sa sinabi niya. Grabe, pa-wild ng pa-wild ang mga kabataan ngayon.


"Ay, true. Alam mo siz, hinihigpitan dapat ang kapit sa panty kapag may gwapong gaya niya na dumadaan. Lalo na kapag si Koya Czach na talaga," Payo nito sa kasama.




Napangiti na lang ako sa kalandian nitong mga batang to. Humihina na ang mga boses nila dahil pataas na ako at malalagpasan ko na ang floor nila. Pansin ko pa din ang mga titig ng ibang mga babae sa akin. Parang nako-conscious na tuloy ako sa tingin nila.


Sanay na ako sa araw-araw na papuri ng mga babae o maging ng mga bakla sa akin kapag nakakasalubong o nadadaanan ko sila. Hindi ko alam kung sadyang malakas lang ang pandinig ko sa mga papuri o nilalakasan talaga nila iyon para marinig ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero may ikayayabang din naman ang hitsura ko.



Ako ang pinakamatangkad at pinakamaputi sa klase. Syempre, pinakagwapo din. Hindi ko alam, pero sabi nila ay baka ampon lang daw ako kasi klarong klaro na iba daw talaga ang lahi ko. Hindi ko nalang pinapansin ang mga side comments nila dahil happy naman ako sa hitsura ko at hindi ko naman naisip na ampon lang ako.



May hitsura din naman ang mga parents ko, may hitsura nga ang tae parents ko pa kaya. Mas lalo pa ako. Tsk! Mga judgmental lang talaga ang tao.



CZACH-a son of a royaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon