PRELUDE

4 1 0
                                    

CZACH
—a son of a royalty

written by Czchanstrumn



PAMBUNGAD



"MR. GALORPORT. Are you with us?!"

Naalimpungatan ako sa napakalakas na sigaw ni Ma'am Rasonable sa akin dahil nahuli niya akong nakapikit at hindi nakikinig sa kaniya.

"Uh, yes Ma'am. Sorry," Mahinang usal ko dahil nakatingin na ang lahat ng kaklase ko sa akin.

"Are you sleeping?" Medyo pagalit niyang tanong sa akin at lumapit pa sa direksiyon ko.

"No, Ma'am," Sagot ko nalang, syempre mas pagagalitan ako nyan kapag sinabi ko ang totoo.

It's a prank Ma'am. Tulog talaga ako. Punyeta ka istorbo. Tsk!

"Alright, answer the equation on the board. Di ba nakikinig ka naman?" Medyo sarkastiko niyang sabi sa akin.

Narinig ko namang nagsipagbungis-ngisan ang mga kaklase ko. Halatang pinapahuya na talaga ako. Yumuko lang ako saka bumuntong hininga ng mahina.

Okay. Kalma ma'am, si Czach lang to. High blood ka na diyan.

Napabuntong hininga ulit ako saka tumayo papalapit sa board. The closer I get to the board, the nervous I am feeling now. Wow, english. But that's the truth, kinakabahan talaga ako dahil ang totoo ay hindi naman talaga ako nakikinig sa kaniya.

Nanginginig ang kamay ko na kinuha ang chalk at tiningnang mabuti ang equation sa harap ko. Hanep talaga, di ako prepared. Pinagpapawisan na ako.

"Maghihintay pa ba kami ng pasko bago namin makita ang sagot mo, Mr. Galorport?!" Bakas na sa boses ni Ma'am ang pagka-imbyerna sa pagiging pabebe ko dito sa harapan.


Eh sa hindi ko nga alam to!? Anong magagawa nya? Tsk. I just tried my best to survive this situation. Yari sa akin yang bahay nyo ma'am kapag napahiya ako dito. Papasabugin ko yan.

Bumalik ako sa upuan ko matapos kong sagutan ang limang equation sa board. Hayyy, wala na bang mas hihirap pa doon? Basic.


"That's it?" Nasa tono ni ma'am ang pagkairita sa akin at parang nakukulangan pa siya sa sagot ko.

Hype, pupunuin ko pa ba ng sagot yang buong blackboard na yan? Pasalamat siya sinagutan ko na eh.


"Explain mo sagot mo, tuleg," Bulong sa akin ng seatmate kong si Clydnn.

Sya lang din ang pinakamalapit kong kaibigan kahit na barumbado siya at di ko na ata mabilang kung ilang beses nang lumabas-masok sa office.

Mapipilitan na sana akong tumayo para mag-explain nang nagtaas ng kamay si Kleo.

"Yes Ms. Miranda?" Agad na napangiti si Ma'am pagkabaling nito sa kaniya.

"Seems like Czach is not feeling well Ma'am so would you mind if I'll explain his answer on the board?" Magalang at nakangiting sagot ni Kleo.

Siya ang top 2 sa klase at hindi niya iyon matanggap, maganda at sexy itong si Kleo kaya nga gustong gusto ko siya at nahihiya lang akong magtapat at baka mabasted pa ako, baka hindi nalang ako pumasok sa school ng buong taon.

"Sure. Go ahead," Sagot ni ma'am at tumingin muli sa akin. "Pasalamat ka, may top 2 kayo. Tss, naturingang top 1 pero hindi naman magampanan,"

CZACH-a son of a royaltyWhere stories live. Discover now