CZACH 3

1 0 0
                                    

CZACH
written by Czchanstrumn

IKATLONG KABANATA


"GOOD MORNING HANDSOME!"


Tatlong linggo na ang lumipas at napaka-toxic pa rin talaga ng buhay ko. Char! Pero stay pogi pa din at virgin. Chos ulit.


Halos makasanayan ko na ang pagod sa trabaho, mga kuda ni nanay sa umaga, at ang mga pagsamba ng mga schoolmates ko sa akin. Dejk. Puyat pa rin ako kapag pumapasok pero hindi na tulad noon, nakapag-adjust na ako. Kahit nga naasar na ako sa katabi kong si Clydnn, nginingitian ko na lang sya pero sa loob-loob ko, pinaplano ko na ang libing niya, ganun lang.



Stay chill lang ako sa life, kahit minsan nahihirapan na ako. Ika nga sa kasabihan, "Life is like a dick. When things get hard, spurt it all out to make it soft again."



Medyo wholesome naman 'yung quote kaya parang gusto ko siyang gawing motto in life.



So far, wala naman nang insidenteng nangyayari sa akin, wala nang babae lagi sa fast food chain, wala na din akong pangamba sa daan ko papauwi, at lalong hindi na ako nasisilaw sa kalbong ulo ni kuya Klesto. Ay hanep, pa'no nasali 'yun?




Medyo nakakahinga na ako ng maluwag kapag naiisip ko na parang wala nang sumusunod sa'kin or 'yung feeling na may nags-stalk sa akin. Matapos kasi nung huling gabi kong nakita ang babae sa fast food chain na pinagtatrabahuan ko, tahimik na ulit ang buhay ko.



Para nama'ng sobrang daming nangyari? Pero para sa akin, sobra na 'yun. Ang weird lang kasi, nung gabi'ng 'yun ay pinakatitigan ko lang ang suot nitong bracelet tapos nahuli niya akong nakatitig pala sa kaniya kaya bago ako makalapit ay kumaripas na siya ng takbo. Iisipin ko sanang may sayad nga talaga 'yung babaeng 'yun pero sa huli ay naisip ko ding baka may naiwan lang siyang sinaing sa bahay nila kaya worried siya na baka butas na 'yung kalderong pinagsaingan niya.



Inalog ko nalang ang brains ko para hindi na ulit maisip 'yung weird na babae. Inisip ko nalang si Kleo, 'yung crush ko. Habang tumatagal ay mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko, matapos noong 'subsob to her dede' scene namin ay naging mabait at medyo close na kami sa isa't isa.



Siyempre, bilang binatang Pilipinong maginoo at gwapo, natutuwa na ako sa kaniya at pasimpleng lumalapit na sa kaniya. Sa totoo lang ay mas maputi pa ako sa kaniya. Wala naman akong skin care.



Lalo ngayong magkasama kami, may groupings kasi sa PE at swerte ko namang magkagrupo kami. Sasayaw lang naman ng mga makalumang sayawin tulad ng Waltz, Tango o ano pa diyan. Ayus lang naman sa akin yun, lalo't itong si Kleo ang makaka-partner ko.



Magkatabi kami ngayong nakaupo sa bench, kaharap namin ang mga kagrupo at nakikinig lang kami sa instructions niya, siya kasi ang napiling leader kaya wala kaming angal. Takot lang naming masupalpal niya, may katarayan pa naman ang isang ito.



Kalaunan ay nakapag-perform naman kami ng maayos at kami pa nga ang nanalo, sa galing ko ba namang gumiling, 'Totoy Bibo' ata 'to.



Mas naging close kami ni Kleo, napalapit na din ako sa ibang tropa niya from STEM at ABM. Isinasama nila ako sa mga gimik nila, syempre nadadaklot ko din minsan si Clydnn para hindi ako masyadong ma-OP sa barkada nila. Mababait naman sila, mukha nga lang mga adik tulad ng best friend ko. Char!



Masaya din naman silang kasama at puro tawa lang ako sa mga kalokohan nila. Papakabog pa ba ang kaibigan ko'ng barumbado? Syempre hindi. Kaya siya na ang bumibida madalas. Tulad ngayon, kinakamay niya ang mga pearls mula sa milk tea niya, makaani lang ng malulutong na halakhak mula sa amin.



CZACH-a son of a royaltyWhere stories live. Discover now