CZACH 7

3 0 0
                                    

CZACH
—a son of a royalty

written by Czchanstrumn


IKAPITONG KABANATA



"BADTRIP KA ATA brad?"




Ngumiti ako ng pilit kay kuya Kart, napapansin nga nila ang pagiging bugnutin ko ngayon. Masyado na akong nanliliit sa sarili ko, nagising na lang kasi ako sa isang malaking mansyon na hindi ko alam kung kanino. Last time I remembered, hinihila ako ni Sveniana papunta sa black limousine. Akala ko na-kidnap ulit ako kaya agad akong kumaripas ng takbo pagkagising ko kanina.




"Bakit kasi ang init ata ng ulo mo ngayon?" Pang-uusisa naman ni ate Lei.




"Inubusan kasi ako ng ulam sa bahay," Palusot ko nalang para hindi na sila magtanong pa.




Tumango-tango pa sila na parang naiintindihan talaga nila ako. Badtrip lang kasi pinagmukha akong tanga noong Sveniana na yun! Tsk! May pa—'my lord' effect pa siya, gusto lang pala akong kuhanin. Naku, mga modus talaga sa panahon ngayon.




"Huy, Czach," Tawag sa akin ni ate Lei, walang gana ko lang siya'ng tiningnan, "Yung chix mo andyan na,"




Tumingin ako doon sa itinuro niya, si Sveniana nga! Pucha, dinagundong ako ng kaba. Baka kuhanin na naman ako niyan? Hindi ko na namalayan ang oras, 9pm na pala. Okay, isang oras nalang ay mag-aout na ako kaya hindi ko nalang siya pinansin. Pakiramdam ko nanlulumo ako at nanghihina ngayon.




"Czach!" Tawag sa akin ni bossabos kaya lumapit ako sa kaniya, "Pogi, may gustong kumausap sayo,"




Nabahala ako sa ngisi niya, "Sino po?"




"Yung babae noong nakaraan," Tss, sabi na eh, "Ambagal mo kasi, sabi sa'yo ligawan mo na," pabiro niya pa akong hinampas saka ako tinalikuran.




Hinabol ko sya, "Teka, boss. Pwede po to sa trabaho?" Naninigurabo lang, baka mamaya wala na naman akong trabaho.




"Out mo na. Binayaran niya na," Kinabahan ako, baka tinanggal na naman ako! "Tapos na ang shift mo, balik ka nalang bukas,"



30 minutes na lang naman at tapos na din ang shift ko. Nagbihis nalang ako saka lumapit kay Sveniana kahait labag sa loob ko. Pasimple pa akong sinundot ni kuya Kart sa tagiliran nung madaanan ko siya. Ang issue talaga naku.




"Uy," Pambungad kong bati kay Sveniana.




"Pleasant evening my lord," Tumingin ako sa paligid, buti walang nakarinig, "Why did you ran away this morning?"




"Sinong hindi tatakbo kapag na-kidnap ha?" Pangra-rant ko sa kaniya.




She motioned her hands to calm me down then offer a chair opposite to her direction. Gusto kong tumanggi pero sayang ang offer niya, marami pa naman siya'ng in-order. Baka lang naman, gutom na din ako.




"Glad you take a seat first my lord," napatigil ako sa aktong pag-upo ko.




"Bakit?"



CZACH-a son of a royaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon