CZACH 4

4 0 0
                                    

CZACH
—a son of a royalty
written by Czchanstrumn

IKAAPAT NA KABANATA

"KAIN LANG CZACH, haha!"


Nasa labas kami ng campus at kumakain na naman ng street foods. Nakasanayan na namin ang ganitong gawain kapag lunch time kaya hindi na ako magtataka kung isa sa mga araw na 'to, may biglang humandusay sa amin at isugod sa hospital dahil sa sakit sa atay. Pero deadma lang kami.



Nakaupo kami ni Kleo sa bench at 'yung iba naming tropa ay nandoon pa sa stall ng street food vendor na ayaw na atang humiwalay dahil nakipagdaldalan sila doon. Hindi naman ako chismoso kaya sinabi kong uupo nalang ako. Laking tuwa ko namang sumunod sa akin si Kleo.



Tahimik lang kaming kumakain at minsan naman napapangiti sa isa't isa. Naisipan ko nang basagin ang katahimikan.



"Ah, Klay. May plano ka ba ngayong weekend?" Nahihiya kong usal paharap sa kaniya.



Akto naman siyang nag-iisip.



"Wala naman, bakit?" Patanong niyang sagot.



"Aayain s-sana kitang lumabas kung ayus lang."



"G! Ayus lang sa akin." Natuwa ako sa pagpayag niya agad. "Wala namang meaning 'diba?"



Halos manlumo ako sa sinabi niya pero ngumiti naman ako ng pilit.



"Ikaw bahala, kung bibigyan mo ng meaning. Haha!" Pilit akong tumawa, nakitawa naman siya.



Nagkwentuhan lang kami tungkol sa ibang bagay dahil halos pareho kami ng interes sa buhay. Pero ako lang ata may interes sa kaniya.



Maya-maya pa ay natanaw ko na naman mula sa kalayuan ang babaeng weird na 'yun. Since inamin niya na'ng sinusundan niya talaga ako, hindi na ako nagulat na sumusulpot siya bigla. Pero nandoon pa rin ang uneasiness sa loob ko.



"Czach, nakikinig ka ba?" Agaw pansin sa akin ni Kleo.



"A-Ah oo naman," Pilit akong ngumiti sa kaniya.



Nawala saglit sa isip ko ang babaeng yun.
Narinig namin ang bell ng campus tanda na pasukan na sa afternoon period kaya sabay-sabay na kaming pumasok sa gate. Lumingon pa ako sandali sa kinaroroonan ni 'barbie girl' pero parang wala na siya agad doon.



Wow, ninja.


Naging active na ako sa recitation at class namin sa hapon. Hindi ko alam, pero feeling inspired ako ngayon. Siguro dahil nakausap ko ulit si Kleo at pumayag siyang lumabas kasama ako.



Nung mag-dismissal ay agad ako'ng lumapit sa kaniya. Friday ngayon kaya gusto ko'ng kunin 'yung number niya para mai-text ko siya bukas. Binigay niya naman iyon nang walang malisya saka na naunang umuwi.



Halos tumalon-talon pa'ko sa tuwa dahil doon. Mabilis akong umuwi sa amin at naghanda na'ng pumasok sa trabaho. Wala ako'ng naabutan sa bahay kaya umalis na din ako ng mabilisan.



Masaya lang akong nagtrabaho at mukhang napansin 'yun ng mga kasama ko.



"Happy ka ata loverboy?" Pansin ni kuya Kart.



"Hindi naman bawal maging happy, no kuya Kart?" Nakangiti kong sabat sa kaniya.



"Oo naman, lalo't nariyan ang inspiration mo," Sabi niya saka tinuro ng tingin 'yung babaeng nakaupo malapit sa counter.



CZACH-a son of a royaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon