Chapter 10

14 4 1
                                    

Amethyst's POV


Dinalhan ako ni Tian ng damit na susuotin para sa press conference mamaya. Pinadala niya na lang through Grab hindi kasi siya makakaalis ngayon dahil may mga media pa rin na nag-aabang sa kanila sa labas ng bahay. Ano ba kasi itong pinasok ko? Tsk. Kainis naman! Nandito pa rin ako sa dorm nila Jungkook at nagstay ako sa kwarto ni Jungkook at Jin. Kung tinatanong niyo kung saan natulog si Jungkook, well, sa sahig siya natulog at ako sa kama.

Nasa labas ang bangtan at ako nag-aayos na dahil maya maya ay magsisimula na yung press conference. Nilabas ko na sa paper bag yung damit na pinadala ni Tian at WTF?! Bakit ganito ang damit na Ito?! Seriously?! Humanda talaga si Tian kapag natapos na itong issue. Lagot ka talaga sa akin!

No choice ako kaya sinuot ko na lang ang  damit. Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako. Nasa living room sila at lahat sila ay lumingon sa gawi ko. Nandito din ang mga asawa nila Taehyung, Jimin, Hoseok at Suga. Lumapit naman sa akin si Ate Sashy.

"Wow! Ang ganda mo amethyst! You are pretty like me!" Manghang sambit ni Ate Sashy sa akin. Pilit akong ngumiti sa kanya. Dahil sa totoo lang ayoko at hindi ako comfortable sa suot ko.

"Wifey..." Rinig kong tawag sa kanya ni Yoongi. Lumapit naman si Ate Sashy sa asawa niya at nakita ko naman na tumayo si Jungkook at palapit na siya sa akin.

Nang magtama ang mga mata namin at nang makalapit siya sa akin at nakita kong tumingin siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung bakit parang naconsious ako sa tingin niya. Feeling ko may mali sa akin dahil sa uri ng tingin niya.

"You should change." Seryosong sambit niya sa akin.

"Wala akong pampalit at ito lang yung damit na pinadala ni Tian sa akin. Kaya no choice ako na ito ang suotin ko." Paliwanag ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan at hinawakan niya ang kanang kamay ko.

Hinila niya ako papasok sa loob ng kwarto nilang dalawa ni Jin at pinaupo niya ako sa kama. Lumapit siya sa cabinet niya at may hinalungkat doon. Maya maya pa ay binigay niya sa akin yung isang black hoodie at boxer shorts. What the... Wag niyang sasabihin na ganito ang susuotin ko sa harap ng maraming press?! Pwes, no freaking way! Mas okay pa na suotin ko ang damit na pinadala ni Tian kaysa magmukhang parang nasa bahay lang ako. Ayokong magmukhang out of place.

"No thanks. Mas gugustuhin kong suotin na lang Ito kaysa magmukhang ewan sa harap ng maraming media." Sabay bigay ko sa kanya nung damit na binibigay niya sa akin.

"Sige, maghintay ka lang dyan at bibili ako ng disenteng damit." Sambit niya at hindi pa man ako nakakaangal ay lumabas na siya sa kwarto at naiwan akong nakatanga.


Lumabas na ako at nakita kong tumingin ulit sa akin lahat sila. Hinanap ko si Jungkook pero wala siya dito ngayon. Seryoso? Siya talaga ang bibili ng damit para sa akin? Woah. Tsaka malapit na yung press conference tapos umalis pa siya.

"Tara upo ka rito Amethyst. Panigurado mamaya pa iyon si Kookie." Sambit ni Ate Veronica sa akin. Umupo ako sa tabi ni Ylishya. Nginitian niya ako at ganoon din ang ginawa ko.


"Alam mo Amethyst, iba talaga tama mo kay Ilong ranger. Hindi ko pa kasi nakikita yan ganyan sa ibang babae." Puna ni Ate Sashy sa akin. Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya sa akin. Wews! Ate Sashy huwag po ako.



"Nagkakamali ka dyan Sashy!" Tutol ni Jimin.


"That's a big no no!" Tutol din ni Hoseok habang umiiling pa.


Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon