Chapter 5

28 4 0
                                    

Jungkook's POV



Ang sakit ng ulo ko nang magising ako. Medyo nahihilo rin ako ngayon. Ano bang nangyari kagabi? Ano bang ginawa ko para magkaganito ang nararamdaman ko? Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Jin hyung na tulog pa. Bumangon ako dahil gusto kong uminom ng gamot para mawala na itong sakit ng ulo na nararamdaman ko.




Pagkalabas ko ng kwarto namin ni Jin hyung ay dumiretso ako sa kusina at nakita ko si Rapmon Hyung na umiinom ng kape. Nagulat siya ng makita niya ako sa may pintuan ng kusina. 




"Good morning Kookie." Bati ni Hyung sa akin.




Umupo ako sa katapat na upuan ni Rapmon Hyung. "Good morning din sa iyo Hyung."


"Hang over? " Tanong ni Hyung sa akin na para bang alam niya ang ginawa ko kagabi.



"Ano bang nangyari kagabi hyung?" Tanong ko kay Rapmon Hyung na sumisimsim ng kape.




"Lasing na lasing ka kagabi Jungkook. Hindi nga namin alam kung bakit ka naglasing. Buti na lang ay nandon yung kapatid ni Ceiz yung wedding singer sa kasal nila Jimin at Veronica. Pasalamat ka na rin na walang nakaalam na nagpunta ka sa Bar at naglasing pa. Malaking issue ang bubungad at kakalat kung nangyari iyon. Mapapagalitan pa tayong lahat lalo ka na Jungkook ni PD nim at Manager nim." Paliwanag ni Hyung.




Unti unti naman lumiwanag ang lahat pero hindi ko pa rin maalala ang mga nangyari kagabi lalo na at sobrang sakit ng ulo ko. Nakita kong tumayo si Hyung at kumuha ng isang basong tubig tsaka gamot. Inilagay niya iyon sa harapan ko.



"Oh ayan inumin mo para mawala ang sakit ng ulo mo dahil sa hangover. Tapos irerequest ko rin  kay Jin hyung na ipagluto ka ng soup para talagang mawala na iyang hangover mo." Tumango naman ako at sabay inom na ng gamot.



"Salamat hyung." Tumango naman si Hyung sa akin saka tinapos ang paglagok ng iniinom na kape.




Pagkatapos Kong uminom ng Pain reliever ay pumasok na ulit ako sa kwarto namin ni Jin hyung. Matutulog na lang ulit ako para naman maging okay okay  na ang nararamdaman ko.




Past 9 am na ako nagising dahil na rin sa sakit ng ulo dahil sa hang over. I check my phone in case Faith called or even leave a message but there's nothing. I sighed, ganito na ba talaga ang gusto mo Faith? Akala ko pa naman suportado mo ako. Akala ko pa naman mahal mo ako. Puro na lang siguro kasi ako akala kaya ako nasasaktan.



Tumayo na ako sa kama at nag-ayos. Lumabas na ako sa kwarto namin ni Jin hyung at nakita kong wala sila hyung. Siguro ay nandoon na iyon sa practice Room namin. Dali dali akong kumuha ng tinapay at lumabas na sa dorm namin. Buti na lang ay nakita ko ang van namin na nandito sa parking lot. Sumakay na ako at dumiretso na sa bighit.



Pagkapasok ko ay pumunta kaagad ako sa practice room at nakita ko sila hyung na sinasayaw ang bago naming kanta. Napatigil sila at lumapit sa akin.



"Oh maknae! Okay ka na?" Tanong sa akin ni Jhope hyung.



"Oo okay na ako Hobi hyung." Nakangiti sambit ko.




"Kinain mo ba ang soup na niluto ko? Nandoon iyon sa mesa." Tanong ni Jin hyung sa akin. Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko naman alam na may iniluto pala siya.




"H-hindi ko kasi nakita..." Palusot ko. Binatukan naman ako ni Jin hyung.




"Ang laki kasi ng ilong ni Jungkook kaya hindi niya nakita! HAHAHAHAHA! " Pangaasar ni Taehyung hyung sa akin at nakita ko pang nakipag-apir pa si bansot hyung sa kanya. 




Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING Donde viven las historias. Descúbrelo ahora