Chapter 14

11 4 1
                                    

Amethyst's POV

Sumakay kami sa kung ano anong rides ni ilong ranger. Sumakay kami sa frisbee tapos sa roller coaster at sa marami pang extreme rides. May pustahan kasi kaming dalawa na kung sino unang sumuko sa mga rides na sasakyan namin ay siyang talo. At ang talo ang manglilibre sa buong group ng meryenda. Syempre ayokong gumastos at ayokong matalo sa pustahan. Tsaka akala ata ng Jungkook na ito matatalo niya kaagad ako pwes! Nagkakamali siya.

Kakatapos lang namin sumakay sa isang ride at nakaupo kami ngayon sa isang bench. Binigay sa akin ni Jungkook ang mineral bottle at tinanggap ko naman ito sabay lagok. Nakatingin lang siya sa akin at kaagad ko naman iniwas ang mukha.

"Don't be shy baby ko." Pangaasar niyang sambit sa akin. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.

"Huwag kang mang-inis Jungkook." Ganti ko sa kanya. Nginisian lang niya ako bago uminom.

"Lapit ka." Utos ko sa kanya. Hindi siya nagdalawang isip na lumapit.

"Nakalapit na ako." Nakangiting sambit niya sa akin.

"Talikod." Utos ko ulit sa kanya.

Tumalikod din naman siya kaagad at tinaas ko na yung shirt niya. Kinuha ko yung towel na baon baon niya at pinunasan ang pawis niya. Tapos nilagyan ko ng powder yung likod niya. Pagkatapos non ay pinaharap ko naman siya. Pinunasan ko naman yung noo niya. Habang ginagawa ko yon ay nakatingin lang siya sa akin. Matapos ko gawin yon ay tinago ko na yung towel at yung powder.


"Ang sweet ata ngayon ng baby ko." Pangaasar niya ulit sa akin. Tinulak ko naman siya at tumawa naman ang loko.

Hindi ko naman talaga gagawin yon kung hindi ko nakita si Faith. Papalapit na sana siya sa amin pero nung makita niya yung ginawa ko ay tumigil siya sa paglalakad. Kunwari ay may kinuha ako sa bag na nasa gilid ko pero gusto ko lang makita yung ekspresyon ng mukha niya. Nakita kong nandoon pa rin siya pero nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay tinapunan niya ako ng masamang tingin. Ngumiti na lang ako at kinawayan siya.


"Oh, Faith nandyan ka pala!" Bati ko sa kanya. Nagulat naman siya at aalis na sana kaso dumating din si Tian.

"Claudette nandyan ka lang pala! Bakit mo ba ako iniwan ha?!" Inis na sambit ni Tian sa kanya. Hinarap niya si Tian at hinila na ito paalis.


Nilingon ko naman si Jungkook at nakita kong nakatingin siya kila Faith at Tian na ngayon ay papalayo na. Tumayo na ako at nakapameywang na tinignan siya. Nilingon na niya ako at nakita niyang nakataas ang isang kilay ko.

"Siya ba yung babaeng nanakit sayo?" Diretso kong tanong sa kanya. Iniwas niya kaagad ang tingin sa akin.


"Alam mo Amethyst huwag mo nang itanong." Sambit ni Jungkook sa akin. Tumayo na siya at hinawakan na ang kamay ko.


"Kung ayaw mong sagutin edi wag." Inis ko kunwaring sambit sa kanya. Inalis ko na yung pagkakahawak niya sa kamay ko at tinalikuran na siya.


"Noona!" Rinig kong sigaw sa hindi kalayuan.

Hinanap ko kung saan yung sumigaw. Nakita ko naman na kumakaway at papalapit na sa direksyon ko si Draven. Nakangiti siyang lumapit sa akin at niyakap niya kaagad ako. Tinapik ko yung likod niya at kaagad din naman siyang kumalas sa pagkakayakap.


"Teka, bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.


"Inimbitahan ako ni Tian kasi nagkita kami kanina. Since na I'm on a vacation naman kaya I'm here right now!" Nakangiting sambit ni Draven sa akin. Nilingon naman niya kaagad yung lalaking nasa gilid namin. Nang makita niya si ilong ay nawala ang ngiti niya at nagsamaan na sila ng tingin.




Magsasalita pa lang sana ako kaso bigla na lang akong hinila paalis ni Jungkook doon sa tabi ni Draven at naglakad na kami palayo. Aangal palang sana ako kaso bigla naman dumating sila Jin at Namjoon. Nang makita nila kaming dalawa ni Jungkook ay lumapit si Jin at kinausap si Jungkook. Nasa tabi lang ako ni Jungkook habang kinakausap siya ni Jin.




"Kamusta naman kayo Amethyst? Nag-enjoy ka ba?" Tanong sa akin ni Namjoon. Nakangiti siya at labas ang dalawang dimples sa pisngi niya.





"Okay naman kami Kuya Namjoon. Actually nag-enjoy talaga ako pero may gusto lang akong malaman." Sagot ko sa tanong ni Namjoon. Nagtatakang tumingin sa akin si Namjoon.




"Ano yung gusto mong malaman?" Tanong sa akin ni Namjoon. Tumingin naman ako kay Jungkook pero nakatingin din pala siya sa aming dalawa ni Namjoon. Hinarap ko ulit si Namjoon.




"Mamaya ko na lang itatanong kapag uuwi na." Pabulong kong sambit. Tumango naman si Namjoon bilang tugon.





Nakahawak pa rin si Jungkook at nung matapos na silang mag-usap ni Jin ay umalis na rin silang dalawa ni Namjoon. Hinila na ulit ako ni Jungkook papunta naman sa ferris wheel. Sumakay kami don at nagsimula nang umandar ang bagon. Nakaupo ako katapat siya. Nakatingin lang ako sa bintana hindi ko naman kasi alam kung anong pag-uusapan naming dalawa. Tsaka mukhang bad trip na naman siya kaya di na lang ako iimik.




"Ano yung pinag-uusapan niyo ni Namjoon hyung kanina?" Tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakasalubong ang dalawa niyang kilay.




"Wala lang yon." Sagot ko sa kanya.




"Kung wala lang iyon, e bakit kailangan mo pang bumulong sa kanya?" Inis na sambit ni Jungkook sa akin.



"Hindi mo na kailangan pang malaman yon." Panggagaya ko sa sinabi niya sa akin. Lalong siyang nainis sa sinabi ko. Ngayon siya naman ang mainis sa sinabi ko. Hmp!





"Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin?!" Naiinis na sambit niya. Frustrated na si Ilong ranger hahaha.





"E sa ayaw ko. Tsaka private conversation yon at ipaalala ko lang sayo hindi ko kailangan sabihin sayo ang lahat kasi hindi naman kita boyfriend or asawa para sabihin sayo lahat." Sagot ko sa kanya. Narinig kong napabuntong hininga na lang siya at hindi na ulit nagsalita.




Tumingin na lang din ako sa bintana. Palubog na yung araw at ang gandang pagmasdan dito sa itaas. Nakatingin lang ako doon at maya maya pa ay pababa na ang bagon namin. Ako na yung nagbukas ng pinto ng bagon at una nang bumaba. Naglakad na ako palayo at bago pa man ako makalayo ng tuluyan ay nagulat ako sa nakita ko.










"HAPPY BIRTHDAY AMETHYST!" Sigaw nilang lahat.









Sheteng malagkit. Birthday ko pala ngayon! Bakit ko ba nakalimutan!

Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING Where stories live. Discover now