Chapter 9

16 4 2
                                    

Amethyst's POV

Dinala ako ni Jungkook sa dorm nila at nandito lahat ang mga co-members niya pati sila ate Veronica, ate Wendy, ate Ylise, ate Mikey at ate Sashy. Nandito din yung mga anak nila. Nakatingin silang lahat sa akin at kay Jungkook na nilalapatan ng ice compress ang ulo ko at nilalagay ng band aid yung mga sugat na natamo ko. Hindi ko naman kasi ineexpect na ganoon ang kahahantungan ng lahat.


Masyadong brutal at aggressive ang mga fangirls nila. Hindi ko alam kung paano nakayanan ng bangtan wives ang sitwasyon na iyon. Napaagik ako sa sakit nung madampian ni Jungkook yung kalmot sa pisngi ko. Hays, my pretty face. Nagkaroon na ng sugat ang maganda kong mukha.

"Dahan dahan naman... Masakit kaya!" Sigaw ko sa lalaking malaki ang ilong. Sinamaan naman niya ako ng tingin at seryoso ulit na gumamot ng mga sugat ko.

"Ano bang nangyari? Bakit ang dami mong pasa at sugat?" Tanong sa akin ni Hoseok. Bago pa man ako makasagot ay pinukpok siya ni Jin ng pink na pamaypay niya.

"Malamang sumabak sa giyera yang babaeng iyan kaya ayan! Wasak ang magandang skin at face niya." Mataray na sambit ni Jin. Nagpeace sign na lang si Hoseok at nilambing na lang ang pangalawang anak.

"Dapat kasi hindi ka na nakisali o sumagot pa sa mga iyon." Seryosong sambit ni Jungkook sa akin.

"Kung akala mo aatras na lang ako sa mga fangirls mong ulol na ulol sa iyo pwes hindi ako yung tipo ng tao na iyon. Hindi ako pinalaki nila Mom and Dad na umaatras sa lahat ng bagay." Matapang na sagot ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin at itinigil niya ang paggamot sa mga sugat ko.


"Hindi sa lahat ng oras kailangan mong lumaban. Kailangan mo rin matutunan na umatras lalo na kung dehado ka na sa simula pa lang." Seryosong rebuttal naman na sagot ni Jungkook sa akin. Hindi ako makasagot sa kanya. Napatingin lang ako sa mukha niya at napatahimik na lang ako.

Matapos niyang gamutin ang mga sugat ko ay tumayo na ako at balak umalis na pero hindi ako pinaalis nila Ate Ylise. Hinatak nila ulit ako paupo hindi ko alam kung anong trip nila.


"Mga ate aalis na ako." Tatayo sana ulit ako pero wala akong nagawa because they all pinned me down. 





"Hindi ka pa pwede umalis." Seryosong sambit ni Ate Veronica. Napakunot naman ang noo ko.



"Bakit naman hindi ako pwede umalis?" Naiinis na tanong ko.






"Hindi mo ba alam na viral na sa lahat ng social media platform ang video mo at nung mga fans ni Jungkook na nagrarambulan kayong lahat. At sinabihan kami nila Manager nim at PD nim na huwag kang paalisin dahil nasa baba na rin yung mga media." Paliwanag naman ni Ate Ylise. Nanlaki naman ang mata ko sa mga nalaman. Ano ba itong gulo na pinasok ko?! Nako naman Amethyst!




"Okay bitawan niyo na ako hindi naman na ako aalis." Sagot ko sa kanila. Binitawan na nila ako at umupo na lang ako sa sofa. Ano ba naman Ito! For sure, alam na nila Mom and Dad ang nangyari at baka pati sila ginugulo na rin naman press.





Teka! Asaan na naman si Tian? Shit nawala sa isip ko siya kanina. Baka siya naman sinabunutan nung mga nagwawalang fangirls. Kaagad kong hinanap ang phone ko buti na lang nandoon yung bag ko sa table at wala naman nawala na mga gamit ko. Agad kong dinial ang phone number ni Tian at sinagot din naman niya kaagad.






"Kamusta ka Amethyst? Okay ka lang ba?" Tanong ni Tian sa akin.





"Okay naman ako Tian. Ikaw? Kamusta ka?"




"Okay lang din naman ako. Tsaka huwag ka munang aalis kung nasaan ka man ngayon. Maraming press ang nandito sa bahay niyo at nanggugulo sila sa labas ng bahay niyo. Nandito na rin naman sila Tita at Tito. Alam na rin naman nila ang gagawin. Basta huwag ka munang aalis ah! Take care!" Paalala ni Tian sa akin. Napangiti naman ako dahil okay lang sila at nagpapasalamat talaga ako na may kaibigan akong katulad ni Tian.






"Thank you so much Tian! Oo hindi ako aalis. Take care din kayo diyan! Sorry sa gulong ginawa ko."






"Ano ka ba! Huwag ka ngang magsabi ng sorry. Hindi mo naman kasalanan na mapalapit ka kay Jungkook. Kasalanan naman ng mga fangirls iyon masyado silang maissue. Basta kita kits na lang kapag humupa na ang lahat." Matapos naming mag-usap ay tinapos ko na yung tawag.





Instant artista ka na rin ngayon Amethyst. Sikat na sikat ka na ngayon. Baka pati accounts mo pinuputakte ka na rin ng mga media, fans, bashers, at mga tsismosa. Baka puno na ng mga hate comments at angry react ang fb account ko. Tapos sa twitter naman puro tag na sila. Tapos sa YouTube marami ng views. Well, viral ka na ngayon self! Peymus kaagad.





"You should eat. Mamaya darating na sila Manager nim at PD nim." Rinig kong sambit ni Namjoon sa akin. Tinanggap ko naman yung isang plate na may isang slice ng bavarian cake.




"Ah sige, salamat." Tumango naman si Namjoon at umalis na sa harapan ko. Pumunta na siya doon sa loob ng kitchen. Siguro nandoon silang lahat ngayon at nagkakaroon ng meeting.





Kumain na ako ng cake at naramdaman ko naman na umupo sa tabi ko yung anak na babae nila Taehyung. Ano nga ba ang pangalan niya? Basta yung umpisanh letter ay nagstastart sa Y. Parang katunog din iyon ng pangalan ni Ate Ylise. Ano nga ba... Aha! Naalala ko na! Si Ylishya.





Dalaga na siya at marunong na rin pomustura. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at nakacross ang arms niya. Tinignan ko rin siya at ngumiti naman siya sa akin. Nagulat ako dahil akala ko tatarayan niya ako.






"Ang tapang mo Ate Amethyst. I thought you will be like those girls na aalis na lang at hindi ipaglalaban ang sarili nila despite na dehado sila sa laban na iyon. You are a strong woman! I adore you now. I want to be like you too." Manghang sambit ni Ylishya sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Basta napangiti na lang ako sa papuring sinabi niya.





"Thank you." Tipid kong sambit. Tumango naman si Ylishya sa akin.






Maya maya pa ay lumabas na si Jungkook sa kitchen at masama pa rin ang tingin niya sa akin. Nakita ko pang napabuntong hininga pa siya at lumapit sa akin. Umalis na si Ylishya at iniwan kaming dalawa ni Jungkook. Hindi ko alam kung anong gagawin niya sa akin pero kung gagawa siya ng kabalastugan pwes! Hindi ako magdadalawang isip na basagin at tadyakan ang precious egg niya. At baka masapak ko pa yang gwapo niyang mukha.





"Nakausap na namin si Manager nim at PD nim through call. Hindi na sila pupunta dito dahil maraming media sa labas at baka bukas magbigay tayo ng press conference." Paliwanag ni Jungkook. Tumango naman ako bilang sagot.





"Ano naman ang napag-usapan niyo?" Tanong ko sa kanya. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko at nagulat ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya.
















" Ipapalabas natin na may relasyon tayong dalawa at iaannounce natin iyan bukas sa press conference."





WTF!

Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING Where stories live. Discover now