20. The kid she saw

Start from the beginning
                                    

"Matapos kong maglayas sa amin ay maraming tao ang humahabol sa akin dahil sa mga nagawa ko noon. Wala akong ibang mapupuntahan," dagdag niya.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Balak ko na sanang magsalita nang unahan niya 'ko.

"Anyways. Your horrible tea still saved my life. Anong magagawa ko para makabawi sa'yo?"

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

Seryoso niya 'kong tinignan. "I don't like having a dept. Ayoko na magkaroon pa ng utang na loob dahil sigurado akong ibabalik lang din ito sa akin. Kaya anong gusto mong gawin ko para sa'yo?"

Tumaas ang kanang kilay ko. "Anything?"

"Anything. I can even kill anyone," deretsong sagot niya.

Kumurba ang labi ko sa isang ngisi. Ibinababa ko ang hawak-hawak kong tasa sa libingan ni Evan at umupo.

Seeing his face... the look on his eyes. He reminds me of myself when I was young, and when I needed to do crimes just to live a day.

"Very well... I want you to kill me," nakangiting sambit ko.

Natigilan ang lalaki sa sinabi ko. Hindi kaagad siya nagkaroon ng reaksyon at nakapagsalita.

"H-Ha?" hindi makapaniwalang sambit niya.

I rest my chin on my palm—still has a smirk on my face. "Kill me, kid," pag-uulit ko.

Napahakbang siya paatras. "Nababaliw ka na ba? Bakit ko naman gagawin iyon?"

Napabuntong-hininga ako. "Akala ko ba kaya mong gawin ang lahat? Huwag kang mag-alala. Sa oras na mamatay ako, sa'yo mapupunta ang lahat ng kayamanan na meron ako."

Muling kumurba ang labi ko sa isang ngisi. Will this kid can be able to end my suffering?

I'm sure na hindi siya makatatanggi sa offer ko. Sino ba naman ang tatanggi?

Papatayin mo lang ang isang batang ngayon mo lang nakita at makakakuha ka pa ng pera.

Isang tanga lang ang tatanggi-

"No," mariin na sagot ng lalaking kaharap ko.

Nawala ang ngisi ko sa labi sa sinabi niya. "Why? Hindi mo ba gusto ng pera?" pagtataka ko.

Ilang segundo bago siya sumagot sa akin. Tila natigilan ako nang magtama ang mga tingin namin.

He really... reminds me of myself.

"How can I kill someone who's not even honest with herself?"

Hindi ako nakaimik. Nang balak ko ng magsalita ay parehong naagaw ang pansin namin nang may mga taong nagsisitakbuhan. Rinig ang pagtapak nila sa malulutong na mga dahon.

"Hanapin ninyo 'yong lalaki!" Rinig kong sambit ng isa sa kanila.

Bakas ang kaba sa lalaking kaharap ko. Hindi ako nagdalawang isip na tumayo..

"Hide," walang kaemo-emosyong sambit ko.

Nag-alangan pa siya no'ng una pero sumunod din siya sa akin at nagtago sa isa sa mga libingan.

Hindi nagtagal ay umabot sa pwesto ko ang grupo ng mga tao. Nakuha ng pansin ko ang mga tattoo nila sa iba't ibang parte ng katawan.

They're from an open Guild.

"Bata, may nakita ka bang lalaki rito? Hindi rin gaano kalayo ang edad sa'yo?" tanong sa akin ng isang babae.

Walang ekspresyon akong humarap sa kaniya. "No," tipid na sagot ko.

Pinagtaasan ako nito ng kanang kilay na mukhang hindi naniniwala sa akin.

"Sigurado ka? Isang kriminal ang lalaking iyon. Marami na siyang napatay noon. Isa siyang myembro ng isang underground assassins," dagdag pa ng isang lalaki.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako bago ko maramdaman ang pagbabago ng mga mata ko.

Nang muli ko itong minulat ay pare-parehong natigilan ang mga Gifteds nang mapagtanto kung sino ako.

"Again, I didn't saw anyone," ma-awtoridad na sambit ko.

Tanging paglunok na lang nang malalim ang nagawa nila bago magtinginan sa isa't isa.

"W-We see... maybe he went to a different direction."

Wala silang nagawa kung hindi ang umalis.

"T-Thank you. Sorry for bothering you, Principal Helena," pahabol ng isa.

Pinanood ko silang umalis. Nang nawala sila sa paningin ko ay naramdaman ko ang pagsulpot ng lalaki sa likod ko.

"Y-You're a Gifted?! And a freaking Principal?!" hindi makapaniwala niyang tanong.

"P-Pero bakit? Bakit mo 'ko pinagtakpan? Tama ang sinabi nila... isa akong kriminal," dagdag niya.

Tinapunan ko siya ng tingin. Nangungusap ang mga mata niya nang makita ko ito.

"I could ask you the same. You're a criminal. You've killed someone before. So why didn't you kill me?" balik na tanong ko.

Tila napakagat siya sa ibabang labi niya. Hindi siya nakasagot.

Hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa iyon. Pero parang hindi na 'ko nasanay...

Mula nang maging Principal ako ay ilang kriminal na rin ang pinagtakpan ko.

"What's your name, kid?" pag-iiba ko.

Umiwas ng tingin sa akin ang lalaki bago sumagot. "Gin."

"Very well, Gin. Tinanong mo sa akin kung ano ang magagawa mo para makabawi."

"Maybe start from having a new start."

Sinimulan ko siyang talikuran at maglakad papalayo.

"After atoning for your sins, you can come to my Academy."

"Be my student, be my kid. And I swear, you won't have to suffer again."


The Forgotten Queen: The Cursed GiftedWhere stories live. Discover now