⭐12

1.2K 42 8
                                    

Nica's POV

A bright Saturday made me smile! Kasi ito na yun eh, yung DEBUT ko! Yung pinaghandaan nina Mommy and Daddy for 4 months para lang maging bongga ito.

"FAYEE!! HAPPY 18TH BIRTHDAY! OMFG! DALAGA KA NA!" Sino bang may malakas at matinis na boses ang bubungad sakin pagkagising na pagkagising ko? Syempre si Christine!

"Ewan ko sayo! Ang daldal mo!" Lumabas na agad ako ng kwarto ko at sinarado yun. Baka habulin pa ako ni Christine eh kaya tumakbo ako pababa ng hagdan,parang ewan lang.

"Baby Faye! Dahan dahan baka mapaano ka!" Sobraang OA talaga ni Mommy minsan pero yaan na. Kiniss ko siya sa cheek pati na rin si Daddy as a sign of greeting 'Good Morning'.

"Mamaya ka na namin babatiin baby girl! Kain muna tayo." Si Daddy talaga! Inuna ba naman yung pagkain kesa sakin?

"Baby Faye, may darating dito na make-up artists,designers, and hair stylists mamayang 3PM. The party will start at 7PM okay, Baby Faye?" Ganun na ba katagal yung pagaayos sakin? Grabe ah. Medyo kinakabahan kasi first time ako aayusin ng bongga. Dati kasi puro simple make-up lang pero 18th birthday ko naman kaya... kailangan talaga na magpaganda ako!

Nakachat ko pa si Nico sa Facebook mga bandang 2PM, sabi niya may suprise siya sakin. Baliw talaga yon! Paano pa magiging 'suprise' eh sinabi na sa akin?

Umuwi din si Christine for the meantime kasi nandon daw yung damit niya later and doon din siya aayusan,buti naman. Naligo na din ako para mapadali nalang yung pag-aayos sakin.

At sakto,3PM nandito na sila. Grabe! Andami nilang dala! Kakasya ba yang mga ilalagay nila sa mukha ko? Tss. Goodluck sakin.

Nico's POV

Haay!! Nasabi ko tuloy kay Nica na may suprise ako sa kanya! Kainis. Naexcite kasi ako. Haha!

Pero okay lang yan,tuloy pa rin ang plano! At hinihintay ko nalang ang 7PM ayon sa invitation dun magsisimula ang 18th birthday ng Girlfriend ko.

7PM: NFP Diamond Hotel

Nandito na kami sa venue, balita ko isa ito sa pagmamay-ari ng mga Paras kaya hindi na ako magtataka kung maganda at elegante ang pagkagawa nito.

Nararamdaman ko ngayon? Excited na kinakabahan. Excited kasi makikita ko yung other side niya na nakaayos siya,sigurado akong mas lalo yung gaganda. Kinakabahan, kasi baka pumalpak yung plano ko! Pero nandon naman sina Tita&Tito at Mom&Dad para supportahan ako! Haha! Nandyan din yung mga former classmates ko, sana walang pumalpakat umepal.

Baka kasi kung ano magawa ko sa kanya kapag nasira plano ko, mahigit isang linggo ko din itong pinaghandaan noh!

Everything Changed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon