2.8

794 19 0
                                    

Awkwardness




Nica's POV




Buong araw ako nagkulong sa assigned room namin ni Christine dahil naaalala ko yung nanagyari kanina at kagabi.




Tinanong nga ako ni Christine Kung anong problema ko, kaso ayoko sabihin sa kanya baka mandiri siya sakin.




"Nica, dinner na. Baba ka na pleasee?" Hindi ko napansin na maggagabi na pala, maghapon pala akong nag-isip tungkol doon.




Buti nalang gutom ako kaya bababa na ako. Nakakawalang gana din kasing kumain kung sino man ang nasa sitwastyon ko ngayon.




Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba. Kung tatanungin man nila ako tungkol sa pagkulong ko sa kwarto maghapon, sasabihin ko nalang na masama ang pakiramdam ko.




Nakita kong hinihintay ako ni Christine, Hindi ko naman kasi alam Kung saang restaurant kami kakain.




"Bakit ka ba nagkulong sa taas buong maghapon? You missed all the fun!" Halata namang nangiinggit 'to, tss. Inirapan ko nalang siya.




"Masama pakiramdam ko eh."




Pagkaupo ko sa tabi ni Christine, pinasabog nila ako ng mga tanong, like:




"Anyare?!"

"May sakit ka ba?"

"Bakit hindi ka nakababa kanina?"




Nararamdaman kong may tumititig sakin, pagtingin ko si Nico! Iniwas ko ang tingin sa kanya,feeling ko tuloy namumula ako.




"Uy! May sakit ka ba talaga? Namumula ka eh!" Tanong ni Anna. Maya-maya naramdaman ko nalang na nagtutubig mata ko, maski ako hindi makapaniwala sa sarili ko, pinagtaksilan ko isa sa mga bestfriend na mayroon ako! I'm really really sorry Anna.

Everything Changed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon