⭐8

1.1K 42 8
                                    

Ako lang ata ang Author na sinisipag gumawa ng update kapag may sakit . Haha!

-CA12

⭐⭐

Nico's POV

Her face was priceless! Pfft. Takot na takot siya eh halos umabot sa puntong umiyak na siya! Haha!

I'm such a meanie,I know. Malay ko ba kung matatakutin siya? Malay ko ba na hindi niya alam yung Unfriended? Haha!

At talagang hindi pa tinapos yung movie! Pwede naman kumapit sakin,kapag natatakot. Haha! Libre chansing pa siya,iwas pa ng pagsayang ng pera! LOL.

Dahil mabait ako at gentleman,sinundan ko siya palabas ng sinehan. Kaso may lahi atang kabayo yon at ang bilis mawala! Baka mamaya kung ano na mangyari dun, hindi ko makakaya.

Malamang eh uuwi na yun,nakalimutan niya atang may driver kami,nagalit ko ata ng sobra. Hehe.

"AAAHH!!!" Punyemas! Boses ni Nica yun!

Nakita ko siya kasama ang dalawang lasingero! Hawak siya ng isang lalaki at yung lalaki naman hahawakan na sana ang pisngi ni Nica! No, I 'll never let anyone to do that to Nica!

Kinuha ko agad ang kwelyo ng lalaki at sinuntok ito,yun tumaba agad lasing eh. Yung isang lalaki naman ,iniwan yung kasama niya dito at tumakbo palayo. Baliw.

Tinignan ko si Nica sa mga mata niya una kong nakita ang takot. Kaya wala sabi-sabing niyakap ko agad siya.

*sob*

Hay. Baka matrauma to! Grabe siya umiyak. Bakit ba kasi andami nang manyak sa mundo?!

"Ssshh... Tahan na Nica,nandito na ako.." Mga ilang minuto ko din na tinatahan siya,hanggang sa tumigil na siya sa pag-iyak.

Ang cute niya! Haha! Yung ilong niya medyo red pati na rin yung siopao niyang cheeks!

*PAK*

Aray! Bakit bigla nalang to namamatok? Siya na nga yung tinatahan diyan! Inis!

"Dahil sayo kaya... kainis ka!!" Oh. I get it! Ako nga pala yung may kasalanan! Kahit masakit eh,hindi ako umiilag kasalanan ko eh.

Pero nung medyo sunod-sunod na at napaparami na siya..

"Hoy! Tigil na! Aray! Ano ba! Aw!" Hinawakan ko yung dalawa niyang kamay para tumigil na siya. Tss,ang sakit kaya!

Para hindi na siya makapalag binuhat ko na rin siya, ang bigat kaya niya! Pero syempre joke lang yun,ang payat niya kaya. Haha!

Nandon na daw yung driver ko sa parking lot ng Mall, buti nalang malapit yun kundi bali na buto ko! Joke. Payapa naman yung daan namin papunta sa mansion nila, nakatulog kasi si Nica.

Siguro doon nalang ako sa kanila matutulog bukod sa gusto ko makita yung mansion ng mga Paras, pagod na din ako 9PM na kaya.

Magpapaalam nalang ako sa mga maids na doon ako matulog kapag kasi si Mom tinext ko baka hindi niya makita. Tss.

Nandito na kami sa mansion nila,tulog pa rin 'to! Haynako. Matapos kami maihatid sa pinto pinauwi ko na yung driver ko, sinabi kong bukas nalang ako babalikan.

"Hoy taba,gising na!" Ang sama ko diba? Ang bigat niya kaya,papunta na kami sa room niya eh. Ipapadala nalang yung dinner namin sa kwarto niya.

"Hmm..." Nailapag ko na siya sa queen size bed niya. Akalain mo yun? Mas mayaman pa 'to samin ah.

At kahit lalaki ako, may curiousity din na namumuo sakin. May nakita akong frame na nakalapag sa study table niya. Dalawang babae na magkaakbay, yung isang morena at medyo mataba yung cheeks,alam kong si Nica yun.

Sino yung isa? Malabo namang si Christine yan eh medyo singkit yung mata na nandito sa frame. Kinuha ko na yung frame kasi parang pamilyar yung babaeng singkit sakin.

"Nico!" Ay takte! Muntik ko nang mahulog yung frame!

"Gising ka na pal---" Biglang hinablot sakin ni Nica yung frame at nilagay sa walk-in-closet niya. Tsk. Baka magalit na naman sakin yun!

"Sino nagsabi sayong pakialaman mo yung mga gamit ko? Tsaka bakit ka nandito sa kwarto ah? Hindi ka pa uuwi?" Ano ba 'to? Galit na concern ba 'to sakin? Haha! Pero ramdam kong mas malaki yung porsiyento na galit siya sakin. Lol.

"Chill Nica! You're welcome,by the way" Hindi man lang nagthank you sakin,ang galing! Sinamaan pa ako ng tingin. Geh.

*knock**knock*

"Sorry for interupting Ma'am,Sir. Ito na po ang dinner niyo.*bow*"

Nilapag ng maid yung pagkain na nasa maliit na table  sa bed ni Nica tapos lumabas ng kwarto,kami nalang ulet yung nandito.

"Whatever. Oh,kain na tayo" May kabaitan naman pala to si Nica. Haha!

Medyo good mood na si Nica,masama talaga kapag nagigising ang mga tulog-mantika. Tsk.

"Hindi ka ba uuwi? Buti nalang at wala si Mommy dito, baka akalain niya Boyfriend kita. Yak." Maka-yak naman to! Rinig na rinig naman.

"Dito ako matutulog,gabi na eh. Sino pala yung babaeng nasa picture frame?" Curious lang! Baka mamaya magalit na naman 'to sakin.

Bumuntong hininga siya ng malalim na malalim, may problema ba?

"I think I can trust you..."

⭐⭐

Pasuspense. LOL. Thank you for supporting this guys! #659 in Teen Fiction tayo! Yey!❤

This chapter is dedicated to my former classmate/ friend littleprincessonfire ❤

Everything Changed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon