⭐4

1.4K 52 6
                                    

Nica's POV

Patay.

Nakita ako ni Nico! Ang sabi ko masakit ulo pero eto ako ngayon,gumagala.

At hindi ko alam na may girlfriend na pala siya!

"Uy Nica! Kala ko masakit ulo mo?" Ito na nga ba sinasabi ko eh,kung gusto niyo man lang tanungin magaling ako magpalusot!

"Pinilit ako ng kaibigan ko eh, by the way! Hindi mo sinabing may girlfriend kana ah!" Para naman layuan ko na to baka kasi magselos pa girlfriend niya.

"Hindi ko siya gf,baliw. Insan ko to oh!" Oh. Sorry naman.

"Ah. Hi,ako si Nica Faye. Ikaw?"

"I'm Princess Julia Padilla. Hihi!" After that bumalik na si Christine for our orders tapos nagkuwentuhan na kaming apat,Yes kasama si Nico! Buti nga eh nakakarelate siya.

Nauna na umuwi si Christine ako naman umuwi na din. Pagkarating ko sa mansion nagulat ako nakita ko si Mommy! Minsan lang siya makapunta dito eh.

Hinalikan ko pisngi niya."Mommy."

"Hey Baby Faye! Nandito ako kasi,aware ka naman na 4months after eh 18th Debut Birthday mo na! So simula palang ngayon gusto ko nang magplano tayo ng maaga. Okay lang ba yun Baby?" At dahil hindi ako marunong humindi kay Mommy umoo nalang ako,sila naman gagastos eh. Haha!

Aakyat na sana ako sa taas nang tawagin ulit ako ni Mommy.

"Baby Faye! Hanap ka na ng escort mo next week! Magppractice na kayo ng dance steps,okay?"

Escort? Eh wala naman akong kaibigan na lalaki!

Si Nico pala! Kaso baka hindi yun pumayag eh, pero tatanungin ko parin siya bukas!

School

2nd Day of classes na! Nako parang kahapon lang,andami nang nangyari agad.

Nalaman ko rin pala na magkaklase kami ni Nico nang makita ko siyang nakaupo sa dulo, nagbabasa.

Kaya siguro nagkasundo kami,kasi parehas kaming nerd! Haha! Pero siya hindi nagsusuot ng salamin katulad ko.

"Yo." Tinapik ko yung braso niya tapos umupo na ako sa katabi niyang upuan.

"Hey Nica! Mornin'!" Parang ang saya ng umaga niya ah.

"Hindi ka naman super happy nyan?"

"Ang ganda mo pala kapag walang glasses tapos nakacontact lens ka lang!" Aay! Nagkita nga pala kami kahapon! Hmm, tutal nakita niya na ako sa tunay kong ayos iimbitahan ko na siya sa debut ko! Yey!

"Whatever you say. Nico,pwede ka bang maging escort ko?" Hininaan ko lang yung last part kasi baka pagchismisan na naman kami kahit konti palang kami dito sa classroom.

"Yes naman! Haha! Kelan ba yan?" Aba,hindi tumanggi or nagdalawang isip! Siguro talaga friend na ang turing niya sakin,ganon naman din ako sa kanya.

"October 26 pa naman, kaso sabi ni Mommy maghanap na ako kasi magppractice na kami next week ng mga dance steps." Buti nalang at pumayag siya! Hindi ako mahihirapan.

"Oh! Sige,sige. Tutal friends naman tayo eh! Inform me nalang ah?"

Dumating na si Sir kaya stop talking muna kami at balik sa nerd mode!

Uwian na agad. Hindi parehas yung daanan namin ni Nico kaya hindi kami magkasabay,kaya tinawag ko yung driver namin.

Habang nagbbyahe kami ni Kuya Driver,bigla siyang huminto! Buti nalang at nakaseat belt ako!

"Ma'am,ma'am sorry ho! Pero mukhang may nasagasaan ako!" Bigla siyang lumabas ng kotse at sinarado yung pintuan. Nagpanic na ako nun! Kasi baka may natamo siyang sugat or worse eh binawian siya ng buhay!

"Ma'am! Dalhin po natin siya sa ospital! Mukhang napilayan ho siya. Pasensiya na ho talaga."

Pinatabi ko kay Kuya Driver yung nasagasaan niya para mabantayan ko ang isang babae...

"Christine?!"

⭐⭐

I know,sabaw! Pero masaya talaga ako at nasa #779 in Teen Fiction ito! OMG! Haha! Thank youuu!

-CA12

Everything Changed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon