⭐13

832 28 3
                                    

My update para sa 2nd Monthsary ng #EC (Feb.5) :)

-CA12

Nica's POV


Ugh. Ang sakit ng ulo ko. Parang nagmumugto yung mata ko kahit hindi ako umiiyak.


Sinubukan king idilat yung mga mata ko pero dilim lang ang nakikita ko.


Tahimik. Masasang ang amoy. Para akong nasa isang lumang bodega.


Sa totoo lang,natatakot na ako dito! Sobrang dilim kasi at feeling ko may katabi akong multo o ano eh.


"HELLO? May tao ba diyan?!" Salamat at hindi nila natakip ang bunganga ko kaya nakapagsalita ako. Nag-echo lang sa loob yung boses ko, ang creepy.


"Hmmm..."


May tao?


"Sino nandyan? Alam kong may tao dyan at hindi ka multo! Please, tulungan mo ako makalabas dito!" Nanakit na din yung kamay ko kasi nakaposas pala ako tsaka nakaupo sa upuan, hindi pa sila nakuntento at tinali yung mga paa ko.


Sinisiguro nilang wala talaga kong takas. Tss.


"Faye? Is that you?" Kahit namamaos ang boses niya, nakikilala ko pa rin ang boses niya.


"Christine! Nandito ka rin?" Nahuhulaan ko na kung bakit ako nandito.


"Ugh! Nasaan ba tayo? Bakit ba tayo nakaposas at nakatali dito?!" Nako! Kung mas lalo niyang pipiliting makawala, masasaktan lang siya.


Magsasalita pa sana ako nang biglang nagbukas yung mga ilaw sa parang bodega na ito.


Napapikit ako, nasisilaw kasi ako sa ilaw.


"Ma'am! Gising na sila!" Boses palang, lalaki na yon. So 'babae' pala ang mastermind ng kumuha samin? Nice.


"Ohkay. Let's start the storytelling!" Binuksan ko ang mata ko para makita kung sino yung nagsalita.


Namumukhaan ko siya... Morena skin,round brown orb eyes,chubby cheeks...


"Ate Chandria?!" A-akala ko p-patay na siya?


"Yes my DEAR sister. Ako nga  ito,miss me?!"


Hindi ako makapaniwala na buhay pa siya... Nilibing siya nina Mommy and Daddy  tapos nandito sa harapan ko si Ate Chandria buhay na buhay?! Sino yung nasa kabaong? Multo ganon?


"A-ate kala ko..." Hindi ko matuloy yung sasabihin ko dahil sa Mixed Emotions. Masaya. Naiiyak. Nagagalit dahil, bakit ngayon lang siya nagpakita? And worse bakit nandito siya sa lumang bodega?


"Akala mo patay? HAHA! Isang malaking kasinungalingan lang ang lahat bunso. At yung magaling mong chismosang kaibigan nakita pa kasi ako! Edi sana walang problema?!" So parang nagsisisi siya kung bakit kami nagkita?


"Isang malaking kasinungalingan? Ano ba yung pinagsasabi mo Ate? Ayaw mo ba ulit magpakita samin?" Ipinasa niya pa kay Christine yung kasalanan niya! Nakakainis!


"Duh. Nakakatamad magexplain. Anyway, kaya kayo nandito ay para kumita kami ng peraass! Yeah!" Nakipaghigh five pa siya sa mga kasama niyang bakulaw. So ipaparansom niya ang sarili niyang kapitid? Matinde.


"Ate Chandria itigil mo na 'to! Bumalik ka nalang kila Faye para umayos na yung buhay mo!" Biglang nandilim yung mukha ni Ate. Nakakatakot.


"Hindi na ako babalik sa kanila! At wag ka ngang mangealam dito! May atraso ka sakin!" Tumahimik nalang kami para walang gulo baka ano pa magawa ni Ate samin..


Nico's POV


Puro sigaw lang ang naririnig ko. Nasan na ba sina Nica? Nabitawan ko yung kamay niya dahil biglang nagtulakan yung mga tao nung namatay yung mga ilaw! Aish!


"NICA!!" Kanina ko pa sinisigaw pangalan niya pero hindi ko naman marinig yung boses niya! Kinakabahan na ako, baka may nangyari sa kanya.

Pagkabukas nung mga ilaw unang bumungad sakin yung mga sira-sirang lamesa, nag-uunahan kasi silang lumabas. Konti nalang yung mga natirang tao dito, halos yung mga sugatang tao lang nandito at ako.


Hindi ko din makita yung mga kapamilya ko pati sina Tita at Tito (Nica's parents).


Naisipan kong lumabas ng hotel nila at puntahan sa bahay si Nica, baka inuwi na siya. Nagmukha lang tuloy akong baliw dun kakasigaw! Haha!


Pagka- 'ting' palang ng elevator bumungad sakin yung mga nagkakalatang pulis, ambulance, at mga bodyguards ng mga Paras. Anong nangyayari?!


Bigla akong kinabahan nung nakita ko si Tita na umiiyak at inaalo ni Tito. Nasaan si Nica? Wala naman akong nakitang sugat sa mga magulang ni Nica ah? Bakit umiiyak si Tita? Napagdesisyon kong lapitan sila, para na rin matanong yung nangyaring insidente kanina.


"Tita! Ayos lang po ba kayo? Bakit po kayo umiiyak?" Tinignan ako ni Tita, at talagang naaawa ako sa itsura niya mugtong-mugto kasi yung mga mata ni Tita kakaiyak.


"A-alam mo b-bang.." biglang nahimatay si Tita! Binuhat agad siya ni Tito sa mga nurse doon na nagaasikaso ng ibang sugatang pasyente rin.



Sumunod ako kay Tito at nandito kami ngayon sa Hospital namin. Nang chineck ng doctor yung kalagayan ni Tita, naover fatigue daw dahil sa stress at kakaiyak, kaya pinaconfine muna siya dito ni Tito.

"May masmang balita,Nico" sabi ni Tito sakin habang nagbabalat ng prutas, nandito kasi kami sa room ni Tita.


"A-ano po iyon?" Bigla akong kinabahan, hindi ko kasi nakita si Nica na pumupunta dito pati na rim si Christine.


"Nica and Christine were kidnapped."

Namiss ko mag-UD haha! Hello uleet! Happy 3rd monthsary sa EC! ❤

-C.A.

Everything Changed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon