⭐14

842 31 0
                                    

Third Person's POV


"Kamusta na ang lagay ng dalawang dalaga?" Tanong ng matandang lalaki pagkalabas na pagkalabas palang ng doktor na nagopera sa dalawang dalaga.


Sobrang laki ng pasasalamat niya sa Diyos at nakapunta agad ang pulisya at ang ambulansiya para sagapin ang mga nasagasaang dalagita. Hinuli na rin ng pulisya ang mga armadong lalaki para ipakulong.


Kinontak na rin nila ang kamag-anak nito dahil nakikilala nila ang isang babae na anak ng maimpluwensiyang business man&woman na Paras. Nabalitaan niya na parating na ang mga ito gamit ang private helicopter nila.


"Sa kasamaang palad, parehong nasa coma ang dalawang dalagita." Hindi na tinanong ng matanda kung bakit dahil wala naman siyang karapatan, sapat na narinig niya ang 'coma' ibig sabihin ay malubha nga ang pagsasagasa sa kanila.


Kasama ang kanyang asawa, naghintay nalang sila mailipat sa pribadong kwarto ang mga dalagita at hintayin ang mga kamag-anak nila.


Nico's POV


Parang kahapon lang sila nawala, ngayon nakakuha kami ng isang tawag na kinasabik at kinasaya ng lahat.


Papunta kami ngayon sa liblib na lugar ng Bulacan, sa isang hospital natagpuan sina Nica at Christine.


At ang balita ko ay naaksidente sila, nasagasaan sila ng kotse. Kaya sumakay kami agad sa private helicopter ng mga Paras kasama sina Tito at Tita para sa mas mabilis na biyahe.


Nagpumilit sumama si Tita samin nang nalaman niyang makikita na namin sina Nica. Ako din! Excited na kinakabahan hindi ko lang alam kung bakit.


Tinext ko kay Mom na nahanap na namin sina Nica, at ayun susunod sila samin. Kilala ni Mom si Nica,syempre girlfriend ko eh! Sa maikling panahon na yon, naging malapit agad yung loob ni Mom kay Nica kaya nag-alala siya ng sobra nang sinabi ko na nakidnap sila.


Kamusta na kaya sila? Marami ba silang natamong sugat? Ano na nangyari sa mga kumidnap sa kanila?


Sa sobrang pag-iisip ko sa kalagayan ni Nica at Christine, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.


"Sir Nico, nandito na po tayo." Narinig kong sabi ng bodyguard. Kaya minulat ko kaagad ang mata ko at nandito kami sa rooftop ng hospital, may helicopter pad kasi dito.


Bumaba ako ng helicopter at naabutan ko sina Tito at Tita na naeexcite na din dahil makikita na nila muli si Nica.


Si Nica, yung girlfriend ko makikita ko na rin! Maraming salamat sa itaas at binigyan muli kami ng pagkakataon na makita si Nica!


Nasa 3rd floor sila at isa itong malaking private room, sabi ni Tito. Kaya no hassle kasi sasakay lang kami ng elevator then yun na.


Habang palapit kami ng palapit sa room number ni Nica, pabilis din ng pabilis tibok ng puso ko dahil siguro sa excitement na makikita at makakausap ko ulit siya kahit dalawang araw lang siya nawala. Ganon ko siya kamiss!


Pagkabukas ng pinto, with all smile pa akong pumasok kasama sina Tito at Tita pero bigla itong nawala nang nakita ko ang kinalalagyan ni Nica at Christine.


Maraming nakasaksak na tube sa katawan, may monitor line na nagpapakita ng heartbeats nila... Kala ko nakaconfine lang? Yung nakahiga lang na normal na natutulog?


Tapos maraming nurses ang nakapaligid sa kanila, parang binbantayan kung ano yung mangyayari. Nakita kong may babaeng doktor na nakatalikod at bigla itong humarap samin.


"Are you the relatives of Ms. Nica and Ms. Chrisitine?" Tumabi ako sa gilid dahil ayoko namang makisabat sa usapan nila. Tumango sina Tita at Tito.


"May sasabihin po ako tungkol sa kundisyon ng mga dalaga sa labas."


Third Person's POV


"Kamusta na ang kalagayan ng mga bata,Doc?" Tanong ni Mr. Paras sa Doktora.


"Pareho silang may mga sugat at pasa dulot ng pagkakasagasa sa kanila. Yung anak niyo po, si Ms. Nica ay state in coma po siya dahil sa bala ng baril na tumama sa likod niya malapit sa mga internal organs niya."


Kung kanina si Mrs. Paras natutuwa dahil nakita na niya si Nica, ngayon bigla siyang napaiyak dahil sa sinapit ng anak niya at ni Chrisitine sa mga kumuha sa kanila.


Naiisip niya kaagad si Nico paano niya ito masasabi sa kasintahan ng anak niya? Nagpapasalamat pa rin siya dahil ligtas pa rin at humihinga pa rin sina Christine at Nica.


Sa lalim ng pag-iisip niya tungkol doon, hindi niya namalayan na tapos na pala mag-usap ang asawa niya at ng doktora kaya pumasok na ulit sila sa loob.

"Ano na po nangyari Tita,Tito?" Malungkot na tumingin sa kanya si Mrs. Paras at sinabing...


"Nica is in the state of coma."


Nico's POV


Coma? How?... Mukhang nabasa ni Tito ang iniisip ko.

"May tumamang bala sa likod niya at muntik na itong matamaan ang internal organs niya." Tumango lang ako. Parang bigla akong naghina.


Kala ko pagdating namin dito magigising bigla si Nica at sasalubungin kami, yung pala kami pa ang masosopresa. Sana magising na agad si Christine para maikuwento niya na saamin kung ano ba talaga ang nangyari at makulong ang may sala.


"Manong? Kayo ho ba ang nagdala ng mga bata dito?" Hindi ko sila kanina napansin! Kung hindi pa kinausap ni Tita eh hindi ko pa sila makikita.

"Ah opo, Ma'am. Nahuli po ng mga pulis ang humahabol sa kanila kayo na lamang ang hinihintay namin para maihatid namin kayo doon at para na rin bantayan ang mga bata."

"Salamat ho sa pagbabantay sa kanila. Tara na ho, ituro niyo po saamin ang police station para makasuhan na sila." Sasama ako sa kanila! Gusto ko silang bugbugin dahil kung hindi sa kanila, wala ngayon dito si Nica!

Pinayagan ako ni Tito sumama dahil ang asawa naman ni Manong at ang mga bodyguards ang magbabantay kila Chrisitine.


Papunta na kaming police station, humanda kayo sakin hindi niyo alam na kating-kati itong kamao ko na suntukin yung mga pagmumukha niyo!



Yow! Sorry sa delay! Hehe. Malapit na..

-C.A_12

Everything Changed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon