2.11

848 21 2
                                    

Muling Ibalik?




Anna's POV




Matagal akong tinignan ni Nico na parang sinasabing "nagbibiro ka ba?" look. Kaya tinuloy ko ang sinabi kanina.




"You love her. I'm already giving you an advantage."




Napatulala si Nico nang nasabi ko yun at tumingin kay Nica na... paiyak na.




Hindi ko alam kung iyon ay tears of joy or sorrow. Tumayo na ako kaya napatayo rin sila, nagsitinginan tuloy yung customers samin. Tsk.




"Please. Let's talk I'll explain."




·




Kinuwento nila ang kanilang lovestory 8 years ago. Alam niyo kung ano naramdaman ko? Wala, okay lang.




Hindi ako umiyak, hindi ko sila sinumbatan, hindi ko sila sinaktan, nakatingin lang ako sa kanila habang kinukwento yun at nakita ko ang saya sa mga mata nila. At doon ako mas nakakuha ng lakas para sabihin ang desisyon ko sa kanila.




"Maghiwalay na tayo Nico" ulit kong sabi. Nang tignan ko muli si Nico, nakita kong nasasaktam siya. Bakit? Ahhh...




"Nico, no need to feel guilty. Kasi kung masaya ka sakanya, edi go." Nakangiti kong sabi para malaman niyang sincere ako sa kanya.




Alam niyo kung bakit hindi na ako umiyak? Kasi nakakasawa na, nakakasawa magdrama tapos iiyak ka gabi-gabi, minsan nga nasasaktan ko pa sarili ko dahil sa pag-ddrama. Tsk.






Narealize ko din na, baka hindi pa si Nico ang para sa akin na makakasama ko habang buhay. Pero aaminin ko, umasa at naniwala ako na kami na talaga sa huli dahil mas matagal pa ang relasyon namin kaysa sa ex ko na minahal ko rin ng sobra.






But again, narealize ko rin na hindi nadadaan sa panahon kung gaano kayo tatagal, nasa sa atin iyon.






Parang kailan lang nakabalik si Nica and ngayon dahil sa kanya nakipag-break ako kay Nico. Haha, patawa ang tadhana eh. Pero nasanay na ako kaya oks lang!





Kanina ko pa sila iniwan doon sa restaurant, sayang nga at hindi ko pa naabutan yung foods na inorder, tsk. Buti naman at hindi na sila nagbalak na habulin ako kasi nauumay na talaga ako sa drama kaya, stop na.






Para marefresh ko yung sarili ko at makalimutan panandalian ang problema, pumunta ako sa Dairy Queen para pumapak ng ice cream syempre.






·






"Ano ba yan" sabay punas ko sa pisngi ko, may tumulo na naman kasing luha. Bakit kasi naisipan ko pang pumuwesto sa gilid ng bintana, nagpaka-emo na naman tuloy ako at naalala yung nangyari kanina.






Alam ko namang magiging masaya sila sa isa't-isa. Bakit pa ako magpapaka-third wheel at paepal sa lovestory nila, right?






Sabi ko sa sarili ko, stop the dramas pero umiiyak ako ngayon, yung totoo? Kaya para matakpan yung luha ko subo lang ako ng subo ng icecream hanggang sa magkabrain freeze ako! Takte!






Napadukdok tuloy ako sa small round table, kasi parang binibiyak yung ulo ko! Ngayon yung mga luha ko ay para sa kaengengan ko na kumain ng kumain ng icecream! Tsk!





"Miss? Miss, okay ka lang?" Sabi ng kung sino man habang tinatap ang balikat ko.






"A-ano ba!" Pilit kong winawaski yung kamay niya sa balikat ko, kairita eh.






"Wait, Anna?!" Pagkasabi niya ng pangalan ko kaagad akong tumingala kung sino iyon at... Nak ng! Si Brian,ex ko!





"B-brian!" Walang pasabing umupo siya sa harap ko at tinignan ako ng maigi. Nakaka- conscious naman.






"Bakit ka umiiyak?"






Hindi ko alam pero sinasabi ko na pala sa kanya yung nangyari kanina.






"Actually, dalawa dahilan eh. Una, dahil sa brainfreeze kakakain ko ng icecream at Pangalawa, dahil nakipag-break ako sa boyfriend ko kani-kanina lang." Nagulat ako nang hinampas niya ng malakas yung table namin.






"Sino naman yang bastardo mong boyfriend?!" Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman niyang galit ngayon, nakakakilabot!






"Wait, AKO nakipagbreak kasi...." and so on, kinuwento ko sa kanya lahat-lahat from the very start kung kailan ako naging suspicious hanggang ngayon.






Ewan ko bakit ko sinabi lahat. Komportable ako eh.






Pagkatapos kong magkuwento, nakatingin lang siya sakin na parang ineexamine ako.






"It's been a long time na rin pala Anne, simula nung.." hindi niya pa man tinapos sentence niya, alam ko na. Sus.





"Oo nga eh, hehe." Sagot ko. Awkward kasi, choss. And mukhang effective dahil nagchange topic siya kaagad.







"Anyway, bat parang hindi ka depress or something? I mean, umiyak ka nga pero hindi sobra? Whyyy?" Hanggang ngayon pa rin, ang daldal pa rin niya jusko.






"Daldal! Basta, may narealize lang ako." Tinignan naman niya ako ng nakakaloko





"Narealize na mahal mo pa rin ako?" Nabatukan ko tuloy siya.






·




"Thanks!" Sabi ko pagkababa ng sasakyan niya. Dahil sa kadaldalan niya, nakuwento niya sakin lahat ng nangyari sa buhay niya for 8 years kaya inabot kami ng 11PM ng gabi!




Alam ko namang inaaliw niya lang ako, lols. Pero sobra ko naapreciate effort niya sa pagpapagaan ng loob ko. Actually gumana nga eh, tawa lang ako ng tawa sa restaurant na kinainan namin, jusko.





Kaya as a reward, humalik muna ako sa pisngi niya bago pumasok sa condo ko, shet! Hayaan mo na wala namang girlfriend.





Naloloka na talaga ako, kakakagaling ko lang kanina sa break-up may kasama na agad akong lalaki? Ex ko pa! Anyways, iwas depress iyon dahil may kasama ako. Kaya thank you kiss lang yun,noh.





"Wish you all the best in life. Be happy." Bulong ko sa hangin baka sakaling marinig nila,lols. Pero seryoso, magaan sa pakiramdam na maglet go kung alam mong masaya siya.





New life again for me, yay.

·

Huling POV na to ni Anna, hehe. Gusto ko siya gawan ng side story!! :)

Everything Changed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon