Chapter Twelve

Magsimula sa umpisa
                                    


Tumango ako.


"Alright. Let's go." he stood up. I stared at him.



"What?" he innocently said.


"Ihahatid—"


"H'wag na!" agap ko.


"Sasabay ako sa jeep," paliwanag niya.


"H'wag na nga," I hissed.


Hindi niya ako pinakinggan, tuloy-tuloy lang siya sa pagbaba ng hagdan.


"Hoy! Ano ba?! Para kang tanga naman eh. Kaya ko naman," I hissed until we get at the ground floor.


"Sasabay ako sa iyo o sasakay ka sa sasakyan ko?" pinapapili talaga ako ah?


"Ayoko."


"Ha? Hindi ka naman pumili eh."


"Ayoko sa dalawang choices."


"Wala kang magagawa." he shrugged.


"Ugh! You're so annoying! Bahala ka nga diyan! Sampung piso ha?! Sampung piso hindi isang libo ang pamasahe." Kairita talaga 'to.


Tumawa siya, "Oo marami na akong barya. Kahit ilibre ko pa mga kasabay natin na sasakay sa jeep eh."


"Ouch!" he groaned when I hit him on his shoulder.


"Yabang..." I whispered. Nauna na akong maglakad sa kanya pero itong lalaking ito dikit nang dikit. Students are looking at us. I suddenly get conscious but this guy beside me doesn't even care! Nawala lang ang hiya ko nang nasa labas na kami ng campus at nasa waiting shed na para maghintay ng masasakyan.


"Are you really serious?"


"Oo nga. Ito oh, barya ko." pinakita niya sa akin ang sobrang daming barya niya.


The jeep arrived. Maaga pa kaya hindi pa punuan ang jeep. Sumakay na ako sa sa likod at hindi na sa harapan dahil may kasama akong first time lang sumakay. Nakakainis talaga eh. Inirapan ko siya nang tumabi siya sa kaliwang bahagi ko.


"What?" he whispered.


Malapit na mapuno ang jeep kaya siksikan na. Nang mapuno ang jeep ay umandar na ito.


"Bayad po." inabot ng isang babae ang bayad kay King. Tinitigan lang iyon ni King. Sarap talagang tadyakan 'to eh.


"Pasuyo po," ulit ng babae.


Kinalabit ko si King. Tumingin ito sa akin.

When You Smile (Engineering Student #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon