CHAPTER 04: What Goes Around, Comes Back Around

Start from the beginning
                                    

Because I really do love her even in the most random moment.

I chuckled. "Halika nga dito." Marahan ko siyang hinigit at niyakap nang mahigpit.

KINAGABIHAN ay tinupad ko ang sinabi ko kay Jayla, nag-date kaming dalawa sa Firelight, isang bar and restaurant na located sa rooftop ng isang building sa Taguig. Nagpaalam din ako sa bahay na dito muna ko kay Jayla.

Hindi ko siya iniwan, palagi ko siyang pinapasaya tuwing naaalala niya iyong video. Pero dahil hindi rin ako mapakali ay tinanong ko na si Storm kung may napansin ba siyang kakaiba doon sa technician habang nasa CR ako. Nagtataka pa si Storm kung bakit ko tinatanong.

Nabanggit niya sa'king may babae raw pumunta sa shop at nakipagkulitan doon sa technician. Familiar daw sa kanya iyong babae, nakikita niya sa school na nakasuot ng Accountancy uniform. Umalis daw sandali ang technician at may ginalaw iyong babae sa table.

Dahil doon ay lalo na kong kinabahan kaya bumalik ako sa shop at kinumpronta na iyong technician at sinabing pinsan niya raw 'yong babae at palaging nangungulit sa shop nila.

Pero hindi ako makampante. Hindi ko na sinabi kay Jayla ang tungkol doon dahil baka lalo siyang mag-alala. Hanggang sa dumating na ang araw ng release ng result ng exam namin.

Gaya nang nakagawian ay magkahiwalay kaming pumasok ni Jayla sa school. Nasa tapat lang naman ng condo niya ang school namin kaya nilakad lang niya, ako naman ay nagsasakyan kahit malapit lang. Balak kasi naming umuwi sa bahay pagkakita ng results, para diretso na agad kami.

Pag-park ko ng sasakyan ay hinintay ko muna ang tatlo kong mga ugok na kaibigan: sina Storm, Stephen, at Mike.

"Kinakabahan na ko," saad ni Mike pagkarating nila. "Para kong natatae sa kaba."

"Kahit naman hindi ka kinakabahan mukha kang natatae!" banat ko kaya natawa iyong dalawa at si Mike naman ay sinimangutan ako.

"Hindi ka ba kinakabahan?" tanong niya.

"Hindi naman. Pumasa o bumagsak ang mahalaga nakakakain kami tatlong beses sa isang araw. Grade is just a number."

Natawa si Stephen. "Sabi mo bago mag-second year gagalingan mo! Tapos natapos first sem sabi mo babawi ka sa second sem. Tapos nang natapos second sem sabi mo ire-redeem mo sa sarili mo sa battery exam. Tapos pota ngayon 'grade is just a number?' Aba pota eh 'di shing?!

"Loko ka, ah!" Pinaikot ko ang braso ko sa leeg ni Stephen at dinala ko sa dibdib ko ang ulo niya, at pabiro siyang kinonyatan.

Napailing na lang si Storm at nangingiti habang nakatungo. Buti pa 'tong bagyo na 'to, sure pass. Kung si Jayla ang pinakamatalinong babaeng nakilala ko, si Storm naman ang pinakamatalinong lalaking nakilala ko.

Girlfriend at bestfriend ko matalino, ako pogi lang.

Nakita na kaya ni Jayla results nila? Alam kong kinakabahan siya sa result pero sigurado naman akong pasado na siya. Kumusta na kaya siya? Baka wala sa sarili 'yon dahil doon sa video.

"O, natahimik ka diyan bigla?" tanong ni Stephen.

"May iniisip ako."

"Ano?"

"Iniisip ko bakit mukha kang betlog!" saad ko bago tumawa.

"Mga ganyang bagay hindi na dapat pinag-iisipan. Hindi na dapat tayo nagtataka," sagot naman ni Mike na natatawa rin.

"Siraulo talaga kayo, ah!" Akmang babatukan kami ni Stephen kaya tumakbo kami ni Mike palayo at hinabol niya kami.

Katatakbo namin ay nakarating na kami sa building ng College of Science sa may ground floor malapit sa back entrance. As usual, maraming Med Tech students ang nagkukumpulan sa may bulletin board para tignan ang result ng battery exam.

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Where stories live. Discover now