CHAPTER 31: Morality

4.4K 141 88
                                    

A/N: 

THIS WILL BE JAYLA'S LAST POV. 

THE REST OF THE CHAPTERS UNTIL EPILOGUE KAY NICCO NA LAHAT.

___________________________________


JAYLA

"MERRY Christmas, Ate!" bati ni Janine na nasa tabi ko habang nagbubukas kami ng mga regalo. Ang binuksan lang naman namin kagabi ay mga gifts from Mom and Dad.

Kung hindi pa niya ko batiin, malamang habang buhay na kong tulala.

"Hay naku, Janine. Nakakailang bati ka na sa'kin simula kagabi sa Noche Buena. Why are you so makulit ang paulit-ulit?" I rolled my eyes and make irap.

Instead na matakot sa pag-irap ko ay tinawanan niya lang ako at yumakap sa braso ko. "Lumalambing lang naman ako, Ate. Miss na miss kaya kita."

"Hmp! Hindi kita miss!" sabay yakap pabalik sa kanya.

"Isa pa sa nami-miss ko 'yong pumasok sa school. Nabuburyo na ko sa home schooling, Ate. Alam mo 'yon? There's a big difference between studying in school and studying in home. Iba pa rin iyong may nakakausap kang kaklase."

I got sad as well because I feel for her. Hinaplos ko ang maiksi niyang buhok, tumubo na kasi ito simula nang manlagas ang buhok niya as side effect of chemotherapy.

"Don't worry, Janine. Next school year, makakapasok ka na ulit sa school. Konting tyaga na lang ha? Isang sem na lang naman na."

"Thank you, Ate." Humigpit ang yakap niya sa'kin. "But are you okay po ba, Ate? Since you came here madalas kong napapansin na parang ang lalim lagi nang iniisip mo. Okay ka lang po? May problema po ba? Or kayo ni Kuya Nicco?"

I smiled. "Wala kaming problema ni Kuya Nicco mo. Iniisip ko lang what bag I should buy for second sem. Chanel ba or Gucci?"

She giggled. "Plastic labo na lang Ate."

Nagtawanan kaming dalawa. Kinurot ko ang pisngi niya at pinanggigilan bago kami bumalik sa pagbubukas ng regalo.

"Wow! Look at Kuya Gio and Kuya Gian gift for me, Ate! Gift cheques for car accessories!"

"Because they know you love cars just like Dad."

"I can't wait to finish my studies na and be Dad's successor sa car business natin!" she said while checking the gift cheques.

I smiled while staring at her. I can't wait for her to be successful as well. Siguradong ako ang magiging pinakamasayang ate once na makita ko siyang natutupad ang mga pangarap niya.

"Hala ate, look! Kuya Nicco gave me a cute bag!"

Awtomatikong kumunot ang noo ko nang makita kong may regalo si Nicco kay Janine pero sa'kin wala!

"Why naman nakakunot noo mo, Ate? Maganda naman 'di ba?"

"May gift ka from Nicco tapos ako wala?!"

She scratched her head. "Dinala niya kanina mga gifts niya dito while you're taking a bath. Meron din sina Mommy at Daddy saka mga maids and drivers natin. Bakit ikaw, wala?"

"Waley! I thought he can't buy gifts na since he's poorita corrales this holiday! Ang daya daya naman niya! I would accept naman anything basta galing from him! Kahit tigpipisong yelo ibigay niya I'm happy na! But to accept nothing from him tapos kayong lahat meron? Nasaan ang hustisya doon, Janine? I want to be an abogado tapos ako ang walang justice?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon