CHAPTER 25: I Wasn't There

1.4K 94 41
                                    

JAYLA

"HI, Jayla."

Nilingon ko iyong bumati sa akin and I saw Grant. Siya iyong lalaking nagtanggol sa'kin noong first day of class laban doon sa tatlong tsismosang feelingera, mga mukha namang paa.

"Hi po," I greeted him back. He's on third year Law na kasi kaya I'm magalang.

Ayoko talaga siyang pansinin pero bilang pakikipag-kapwa tao pinansin ko pa rin siya.

Sinabayan niya ako sa paglalakad and walang nagsasalita sa'min, basta pasipol-sipol lang siya.

This is not the first time he approached me yet hindi pa rin ako comfortable around him.

"Look, pinagtitingin tayo," aniya.

I looked around and totoo ang sinabi niya, pinagtitinginan nga kami. Hindi dahil sa maganda ko kung hindi dahil he's a "heartthrob" here.

Yuck, heartthrob. Sounds like cliché and jeje na story that romanticizes rape and abuse basta pogi and may abs ang bida.

"Baka dumami haters ko," I answered with full of sarcasm na sana ma-gets niya.

"Grabe ka naman. Wala naman tayong ginagawang masama."
Luh hindi gets sarcasm ko. Pogi lang pero ang tanga.

"Pauwi ka na? Nasaan mga friends mo? Lagi kayo magkakasama, ah?"

Dami naman tanong. Wala ba siyang gagawin? Super busy kaya ng mga third year Law students!

"Nag-dinner sila, hindi na ko sumama."

"Why?"

I rolled my eyes without hiding it to him. Ipinakita ko talaga sa kanya ang pag-irap ko para makaramdam siyang hindi ko gusto ang pagtatanong niya.

"I'm planning kasi to cook pagdating sa unit namin ng boyfriend kong med student so we can eat together. Then after we eat together, we'll eat each other naman. May tanong ka pa? Po?"

Umawang ang bibig niya...at maya-maya ay natawa.

Inirapan ko lang ulit siya at nag-walk out. I know that is so disrespectful especially senior ko siya but duuuuh! He's not my respecting my personal space din kaya!

Sumbong ko siya kay na Kuya Burnik, eh!

Pagdating ko sa condo ay laking pagtataka ko dahil wala pa rin si Nicco.

Madalas na panghapon ang class ko kaya siya ang laging nauunang umuwi. Kaya ngayong 9PM na at wala pa rin siya, nakakapagtaka.

Wala rin naman siyang nabanggit kanina na aalis or kakain sila nina Storm. Saka lagi naman 'yon nagpapaalam kapag aalis siya.

Oh well papel, baka nakatambay lang ulit sila sa dorm ni Storm.

Inilabas ko na lang iyong frozen meat from the ref and saka nagluto ng chicken stew sprinkled with spices and chayote in clear boiling broth.

Sa Tagalog, tinola.

After magluto ko ay inihanda ko na sa table iyong ulam, kanin, and dessert. Then I texted him

Bee 🐝
Asan ka na, Bee?
I cooked tinola! ❤️

I waited for his reply pero two minutes passed, hindi pa rin siya sumasagot.

I tried to widen my understanding pero iba ang kutob ko...and I don't like what I'm feeling.

I texted Storm, Stephen, and Mike if alam nila kung nasaan si Nicco or if magkakasama sila.

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon